Ako'y unti-unting nauupos,
Pag-asa ko'y unti-unting nauubos,
Magmula ng lumabas ka ng pinto,
At tapusin ang lahat ng meron tayo.
Sa simula pa lang alam ko na,
May posibilidad na mawala ka,
Dahil hindi ako ang mahal mo,
Panakip-butas lang naman ako.
Kung bakit kasi pumayag ako,
Kahit na alam kong di makatarungan ito,
Ikaw ang mahal ko,
Pero iba ang mahal mo.
At kahit mabaliktad ang mundo,
Di magbabgo ang katotohanang ito,
Na kaya lang naging tayo,
Ay para mag-isip sya't bumalik sa'yo.
Pero sana di mo na lang sineryoso,
Ang pagpapanggap na ito,
Dahil sandali akong napaniwala,
Na magbabago ang 'yong pasya.
Sandali kong naisip,
Na maiiba ang ihip ng hangin,
Sandali kong nahiling,
Na sana ako na lang ang mahalin.
Pero katulad ng gusto mong mangyari,
Bumalik sya sa'yong tabi,
At tinanggap mo sya nang walang pasubali,
Na parang lahat ay babalik sa dati.
Ngunit paano naman ako,
Na lihim na umaasang may magbago,
Umaasang mamahalin mo,
Umaasang pipiliin mo.
Ako nga'y iyong iniwan,
Dito sa kawalan,
At walang katiyakan,
Kung malilimot ang ating nakaraan.
YOU ARE READING
Lapis
PoetryTitle: Lapis Stanza: 9 Date Written: May 19 2010 Inspiration: Inspiration strikes...