Siguro isa narin sainyo yung nagkaroon ng feelings sa isang famous at gwapong schoolmate mo? Well ako?Oo eh,kaya lang katulad ng iba hindi na siguro niya ako mapapansin.
"Roxanne!san ba tayo pupunta?"
"Samahan mo lang ako sa canteen gutom na ako!"
"Ehh ka-- Roxanne si Clent ohh!" Sabay turo niya sa labas ng canteen.Takte oo nga dapotchi lapain niyo na po ako.
"Ay! Keisha naiwan ko yung wallet ko ta--"
"Yaaaaa!diba sabi mo
gutom ka na?""Ahh oyyy di ko na kelangang kumain pa itatae ko rin naman eh!" Hinila ko siya pabalik pero hinihila rin niya ako ppuntang canteen.Tsssk kinakabahan ko.
Ganito yun eh pag papalapit kay Crush nakakakaba,di ko alam kung saan ako lilingon saang direksyon ba?dito?doon?saan? Anong gagawin ko?lilikutin ko yung wrist watch ko halimbawa inaayos...
"Ate b'lue lychee po,fries with ice cream tapos apple sayo Bhest?"
"Ah b'lue orange,shawarma, tapos sherbet po!"
Naririnig ko sa labas yung usapan ng grupo nila Crush.
Di naman sa chismosa diba?
Nung kinuha na namin yung tray at umupo.Ilang sandali lang may sumisitsit sa amin.Di lang namin nililingon tsss.Maya-maya sinisenyasan na ako ni Keisha na tumingin sa likod kung saan nang-gagaling yung ingay.Nakita ko sila Clent nakatingin samin.Hala anong trip nila?Binalik ko kaagad yung tingin ko sa pagkain.Ilang segundong muli kinalabit na ako ng isa sakanila.Kaya lang iba talaga yung pakiramdam ko eh bakit ganun?Sobrang kinakabahan ako yung kaba twing math subject na haha."Miss!" Sh****t that voice.
"Missssss!"
Nilingon ko siya.
"Hmmm? O______O ah b..akit?"
"Anong oras na?"
Sh***t Clent...
"Oras na para mapansin mo ako.."
"Huh?anong sabi mo?"
"Ahh 10:37 na... eh!"
"Hindi, may iba kang sinabi eh"
"10:37 nga po!"
Umalis na siya susss yun lang naman pala ang itatanong.
"Pwede namang simulan ko yun eh!"
???
"Hoyy lalaki anong sabi mo?"
"Salamat."
"Hindi,may sinabi ka eh!"
"Your welcome!"
"Ayssssst"
Ibig sabihin narinig niya yung sinabi ko kanina haha.Pero
Tama rin ba yung narinig ko? Yieeeeeeee.Syempre itong bestfriend ko akala mo siya yung sinabihan kung kiligin eh muntanga po siya haha.Dahil uwian na agad na akong lumabas ng campus.At naghanap ng tricycle papunta sa lugar namin.Actually kaya ko mas nagustuhan si Clent kasi magka-tapat lang yung bahay namin.Pero ni minsan di niya ako pinansin,oo nagtatama yung mga mata namin pero umiiwas kaagad siya ng tingin.Kaya nga nagulat ako nung kinausap niya ako seryoso ba kaya yun?o trip nanaman ng grupo nila?
"Ay kuya puno na pala"
"Dun nalang tayo sa kabila"
"Pero malalate na tayo eh!"
"Bhest pag wala ng space wag mo ng ipagsiksikan masasaktan ka lang"
May mg bestfriend talaga tayong sasagutin tayo ng pahugot tsss.At mula sa hugot niyang yan may sumagot naman sa loob ng tricycle.