Chapter 10 - The Favor

12 0 0
                                    


Nikko's POV

*Peeeeeeeeep*


tunog ng pito ng referee dahil sa natapos na yung friendly game namin kalaban ang St. Katherine. Matagal tagal-tagal narin na hindi ko nakikita si Maria ewan ko ba kung bakit ko pa nararamdaman 'tong feeling na to

"Pre ayos ba laban nyo? " tanong sakin ni Chester

"Ayos naman" sagot ko sa kanya

"Alam mo pre dapat magcelebrate tayo" sabi ni Iñigo

"Bakit naman?" tanong ko sa kanila

"Kase ikaw ang may maraming points sa kanila" sabi ni Nathan

"Oo nga pre pa-cheeseburger ka naman" sabi ni Chester

"Hahaha sige mamaya dun tayo sa resort" sabi ko sa kanila

"Yon inuman hahaha" sabi ni Iñigo

"Sige teka pupunta lang ako ng Canteen nagugutom ako e" sabi ko sa kanila

"Sige sige mauuna na kami pauwi dala mo naman yung sasakyan mo diba" sabi ni Chester

"Ge" sagot ko kay Chester

Papunta narin ako sa Canteen ng may bigla akong natandaan. . . .

WALA PALA AKONG DALANG SASAKYAN!!!

"Napakamalas naman o kung kailan pinaayos ko e ngayon pa kailangan" sabi ko sa sarili ko

"Sumabay lang pala ako sa team bus namin kaya nakapunta ako dito" sabi ko ulit

"Kaya ayokong mag-isa akong naalis e. HINDI KO ALAM KUNG PAANO MAGCOMMUTE. Nakalimutan ko pa yung phone ko sa Mansyon napaka-sipag ko talaga -__-"

Kaya napaisip ako kung ano ang gagawin ko tapos biglang may nakita yung mga mata ko. . . Si MARIA.

"Hay salamat" bigla ko nalang nasabi sa sarili ko

"Pero paano ko sya lalapitan hmm magiisip muna ako ng plano"






Angel's POV


*kriiiiiinnnggggg*


Tunog na nagpapasaya sa bawat estudyante na palaging gutom dahil sa Recess narin sa wakas.
Pero bakit ganun parang may nararamdaman ako may masamang mangyayari sakin? Hmm siguro gutom lang 'to

Papunta na ako sa Canteen nang biglang. . . . .

May nagtakip ng mata ko tapos hinihila ako

"Hoy bitiwan mo ako kung sino ka man humanda ka sakin 'pag nakawala ako sayo" sabi ko habang sinisigawan tong naghihila sakin

"Wag kang maingay hindi kita sasaktan" sabi nya sakin

"Baliw kaba e hinihila mo na nga ako e" sabi ko sa kanya

Tapos bigla nalang kaming tumigil tapos binitawan nya na ako laking gulat ko na si..si..si.. Nikko

"Hayup ka ikaw nanaman ano bang nagawa ko sayo at hinihila mo nanaman ako" sabi ko sa kanya

"Wala lang trip ko lang" sagot nya sakin

"Aba anong akala mo sakin ha laruan na pwedeng hila-hilah. . ." hindi pa ako tapos magsalita e tinakpan nya na yung bibig ko

"Shhhh. Wag kang maingay okay" sabi nya sakin

"E BAKIT AKO HINDI MAGIINGAY E AYAW MONG SAGUTIN YUNG TANONG KO" sabi ko sa kanya. Nilakasan ko pa talaga

Mysterious WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon