Bridge

18 0 0
                                    

Ako si George. Babae po ako! Yes! Georgina talaga ang name ko. Pero karamihan sa mga kaibigan at kamaganak ko eh George ang tawag sakin.

Siguro inakala ng nanay at tatay ko eh lalaki na ang magiging anak nila. Well, sad to say babae ang lumabas.

Isa ako sa mga babaeng hindi talaga babaeng manamit. Napagkakamalan na nga akong tomboy madalas. Lalo na at halos karamihan ng tropa ko eh lalaki. Sabihin na nating may mga mangilan ngilan din naman akong babaeng kaibigan, yun ay mga girlfriend ng tropa ko.

Hindi ako magandang babae, pero hindi rin naman ako pangit. Sakto lang kumbaga. May mga nanliligaw, pero sabihin na nating mailap talaga ang mga taong tipo ko.

Siya si James. Crush ko siya since elementary. Tropa at sanggang dikit. Kabisado na nga namin ang bawat ikot ng aming bituka. Minsan natutulog ako sa bahay nila at close ako sa pamilya nila. Hindi ko rin naman masabing bestfriends kami dahil may mga mas close syang friends na lalaki kesa sakin.

Eh ano ba ang nagustuhan ko sa kanya? Una, magaling kumanta. Pangalawa, musically inclined i.e. magaling mag-gitara. Oo, weakness ko yun sa isang lalaki. Pangatlo, magaling magbasketball. At pang-apat, well, sa haba na ng taong pinagsamahan namin eh kilalang kilala ko na ang taong to at alam kong mabuti syang tao. Maloko pero mabait.

Magkasama kami sa mga kalokohan at kadramahan sa buhay. Minsan nga pareho kaming napagalitan ng husto dahil di kami pumasok sa school dahil umuulan. Pero nanood kami ng sine kasama ng ibang tropa. Ansaya di ba? Ayun mga isang linggo kaming grounded.

Madalas ay kasama nila ako sa mga gigs nila o kaya naman sa laro nila ng basketball. Dakilang side-kick ako ng loko. Taga hawak ng towel, ng pangpalit na tshirt at ng kung ano-anong gamit.

Ni minsan, kahit sa isang tao hindi ko nasabing crush ko si James. Di rin naman kasi halata talaga. Magaling magtago. Pero hindi rin naman kasi ganun katindi ung pagkacrush ko. Isa rin siya sa mga taong hindi ko maimagine na iboboyfriend. Ang labo ko no?

Isang araw, pagtapos ng laro nila ay may iniabot saken si James na isang card, kulay puti at may isang malaking puso sa harapan.

"Tol oh!" sabay abot ng card sakin.

"Ano to?" tanong ko naman.

"Card tol. Di mo alam?" sagot naman nya.

"Alam ko! Ang ibig kong sabihin kanino galing?" inis kong patanong.

"Eh basahin mo tol. Dali! Tapos sabihin mo saken ano masasabi mo." sagot niya na may halong pagkaexcite.

Binasa ko ang sulat sa harapan niya. Ganun naman kasi lagi. Pag may nanliligaw o manliligaw sakin, alam niya.

"Dear George,

Alam kong hindi mo ineexpect ang sulat na to. Hindi ko kasi masabi sayo ng harapan kaya idinaan ko na lang sa card. Sana nagustuhan mo yung card. Natatakot kasi ako na kapag sinabi ko sayo ng harapan ay magwalk out ka na lang bigla. Gusto ko sana malaman kung pwede ba akong manligaw sayo. Matagal na kitang gusto first year high school pa lang. Sana ngayong third year na tayo eh pwede na akong manligaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon