"WAAAH!!!" - sigaw ko 'yan, hahaha!
"OH MY GOSH, OH MY GOSH, RIKKA!!!"
"Huy, kalma lang 'teh para ka-"
"TINGNAN MO FRIEND OH! AHHHHH!!! GRABE! ANG GALING NIYA NA NGANG KUMANTA, ANG GALING PANG SUMAYAW! YIEEE!!!" Irit ako ng irit.
Pano naman kasi, napanood ko sa T.V. si L! Grabe, ang galing n'ya talaga. Baka 'di nyo kilala si L, sapok kayo sa akin pag 'di nyo kilala 'yan. Tsk tsk. S'ya lang naman ang pinaka-gwapong nilalang sa balat ng lupa at napakagaling sa pagkanta at pagsayaw - Siya ay walang iba kundi si Kim Myungsoo! WAHHHHH!!! Ang galing nya oh!
"Alam mo, 'di mo na kailangan sabihin sa akin kasi... 'teh, obvious naman oh? Kita mong nakikita ko at naririnig ko. Heler!" Mataray na sabi ni Rikka sabay irap. Sorry, siya bahala siya kung ano gustong niyang sabihin. Basta ako eto naglalaway sa kagwapuhn ni L... Teka, anong sabi ko? NAGLALAWAY?! What the- I mean hangang-hanga ako, hehehe. Ang galing niya kasi eh. Para sa akin, siya ang pinaka magaling sa kanilang lahat! Huhuhu. Actually pinapanood ko lang 'yang replay ng concert nila... Napanood ko naman 'yan ng personal, eh, kaso, malayo ako e. Kaya inulit ko! Saka ang sarap kayang ulit-ulitin! Lalo na 'uung sa part ni L, wahahaha! Saya ko.
"Hoy, Jin! Samahan mo muna ako sa café!" pagyaya ni Rikka.
Tsk. Nanunuod pa akesh e istorbo naman, o.
"Eh! Mamaya na! Nanunuod pa'ko e." naiiritang sabi ko.
"Ah, ganun a."
"WTF! BA'T MO IN-OFF?!"
ARGH! Kainis talaga si Rikka!
"Samahan mo muna kasi ako!" naiinis na sabi nya.
Tsk! Siya pa may ganang mainis, siya nga 'tong may atraso! Pa'no ba naman, kasi hindi niya idol kaya walang pake, e. Bakla naman 'yung idol n'ya, nakakakinis! By the way, 'di pa pala ako nagpapakilala sa inyo, hehe! Ako nga pala si JIN SHARLES SY - but call me Jin. Ganda 'no? At ayaw ko pala na tinatawag akong ibang tao na Sharles. Kung tatanungin n'yo kung bakit, isa lang ang masasabi ko because I don't like. Tsk.
Okay, mayaman kami at madami kaming company dahil masisipag sila momsie at dadsie at ngayon wala sila sa Pilipinas. Nasa America sila dahil sa business nila. Tsk. Wala akong pakielam lagi na lang business ang inaatupag! Buti pa ako inaatupag ko lang ay ang pag-e-FB, Twitter, IG, at YouTube! Dahil dito ako masaya at dito ko rin nasusubayan ang akin ultimate idol... 'Yun ay walang iba kundi si L! Pogi talaga nun. Anyway, 19 years old na ako at 14th year college na ako sa University of Genee Trinidad. School 'yun ng mayayaman, at dahil sa mayaman ako, hindi sa nagmamayabang pero totoo 'yun kaya sa university na 'yan ako nagaaral. Malaki ang school namin and high tech lahat ng nandun 'noh. Kaya nga natutuwa ako e. Mahilig ako kumanta, mag-guitar, at mag-drum. Mahilig din ako magbasketball. Maputi ako, chinita, medyo matangkad, payat ako, at half-Korean ako. Hm, pero 'di ako maalam magsalita ng Korean. Actually, 'di pa nga ako nakakapunta do'n e. Pero nakapunta na 'ko sa ibang bansa, and I have to say, so far my favorite place is Espanya. But I never did have the chance to go to my hometown, Korea. Ewan ko ba kila dadsie at momsie! Ayaw ako ipunta doon. Ang ganda pa naman sa Korea, hayss. Ano pa ba ang ikwekwento ko sa inyo? Ah! Si Rikka, best friend ko siya and kapitbahay ko siya! Oh, diba? Kahit laging masungit 'yan, love ko pa rin 'yan! Lagi niya akong sinasamahan sa mga concert nila L kahit 'di sya masyadong fan nito. Pero may crush sya sa grupo ni L, hahaha! 'Yun lang ang tinitingnan ng babaeng yun, e. Pero anyway, super duper close kami ni Rikka since bata pa kami. BFF ko na 'yan at parang magkapatid na nga kami, e. Kulang nalang maging magkamuka na kami! Ano pa ba ang I kwekwento ko? Mukang wala na ata eh mamamay na nga sasamahan ko muna si Rikka ."Hoy Rikka akala ko ba pupunta tayo sa cafe eh bat di ka pa kumikilos hah" pangiinis ko
"Argh!! Jin!" Sigaw ni rikka sabay habol sa akin , syempre tumakbo naman ako at si yaya na magsasarado ng pinto at eto kami ni Rikka nagpapaunahan na papuntang cafe , malapit lang naman yun sa bahay namin sa labas lang ng village tapos eto bayan na .
"G-grabe na-kakapagod" hinihingal na sabi ko
"Tara na Jin sa loob " sabi ni Rikka at iniwan ako ng bruha -____-
"Akin chocolate tea lang Riks" sabi ko sabay abot sa kanya ng pera
Tapos naghanap na kao ng mauupuan tapos open ng FB check kung may upload na picture si L at............
OMG ! Ang pogi nya sa picture na to ( blush)
Grabe crush na crush ko na talaga si L
"Hoy bruha eto na tea mo. Busy ka na naman dyan te" sabi ni Rikaka sabya lagay ng tea sa harap ko.
"Wag ka nga. Ang pogi nya kaya dito" sabi ko sabay pakita sa kanya nung picture
"Tss. Lahat naman ng picture nya yan ang sinasabi mo. Wala namang bago eh" sabi ni Rikka sabay irap pa sa akin.
May kwento ako sa inyo guys bitter talaga yang si Rikka kasi iniwan ng jowa. Kakabreak lang nila nung nakaraang taon at di parin nakakamove on kaya Pagpasyensyahan nyo na kung bakit laging masungit nyan. Secret lang natin toh guys ah.
"Bitter much" pangaasar ko sakanya sabay sipsip sa straw
"Psh"
Tamo to talo ko nanaman . BWAHAHAHAHAHA lagi kasing si kontra sakin pero ewan ko ba dyan kahit kontra sya sa pagka fangirl ko kay L sinasamahan parin ako sa mga concert,mall show o kung ano man ang kinalaman sa group nila L. Ang labo ng babaeng yan, pero kahit ganyan yan love na love ko yan. Ang t*nga t*nga kasi nung x nya iniwan sya eh na kay Rikka na ata ang lahat, mabait, maputi,maganda, magaling sumayaw, masipag, matangkad( kaya nga nanliliit ako pagkasama ko tong babaeng to) , na kay Rikka na ata ang ideal girl . Baliw kasi yung bf nya di man lang nya naisip n ang laki ng sinayang nya. Naku naku buhay nga naman. Buti pa ako NBSB kaya d pa ako nakakaranas ng ganang problema.
"Bae samahan mo ako sa susunod na concert nila L huh" masayang sabi ko
"Always naman. Teka kailan ba yan?" Sabi ni Rikkka sabay sipsip sa straw
"Next month" sabi ko
"Next month pa naman pala eh"
"Pero kahit na sinasabi ko lang sayo ng maaga par naman sa araw na yun d ka pwede"
"Tsk. Ikaw pa kahit busy ako sasamahn kita no"
"Yan ang gusto ko sayo Rikka eh lagi kang nandyan para samahan ako" sweet na sabi ko