chapter 1 "beginning"

1 0 0
                                    


KENNETH
Nakahanda na namang makipag-bugbugan ang grupo nila Kenneth na binubuo ng 7 katao sa kalaban nilang grupo sa kabilang eskwelahan.

Matalino,  simpatiko ngunit barumbado si Kenneth. Galing siya sa isang kilalang pamilya sa kanilang bayan. Mayaman at lahi ng mga magagandang tao kaya naman may pagka-tuso! Nasa ikatlong taon na ng kolehiyo bilang i.t. student.

"Hoy!" Ani Jeric na leader naman sa kabilang grupo. "Anong ginagawa niyo sa teritoryo namin ha?"

"Ulol! Ginalaw ng bata mo yung bata ko!" Sagot ng isa sa barkada ni kenneth na si Marco.

"Haha nagsumbong pala siya! Iyaking bata", pang-aasar ng isa pa sa kampo ni Jeric.

Sa sobrang asar, ibinato ni kenneth yung lata ng iniinom niyang Coke sa kaaway kahit pa may laman, na naging hudyat ng suntukan ng magkabilang kampo.

Nasa limang minuto pa lamang tumatagal ang awayan nang may marinig silang pito ng gwardiya. Mabilis na nagsitakbuhan ang mga kabataang sangkot sa gulo.

Mabilis na nakalayo sa lugar sina kenneth gamit ang sasakyan nito. Walang kagalos galos sa mukha ng binata ngunit mababakas pa rin dito ang pagka-badtrip.

"may araw din kayo!" Nasabi nalang niya sa isip-isip niya. Hindi na umimik ang mga kasamahan niya dahil ramdam nila ang galit ni kenneth. Hinatid na niya ang mga kasamahan niya sa kani-kanilang mga bahay.

NADINE
Nakita na naman niya ang hinahangaan niyang lalaki mula sa malapit na paaralan sa kanilang eskwelahan. Katulad noong una niya itong makita, seryoso pa rin ang binata, ngunit ngayo'y tila mas seryoso pa.

"Malamang may gulo na namang mangyayari mamaya", saad ng kaniyang kaibigang si Danica.

Napatingin na lamang siya sa labas.

Nasa ikaapat na taon na si Nadine sa high school. Isang kanto lang ang layo ng kanyang paaralan sa eskwelahan ng lalaking kaniyang natitipuhan. Siya ay nasa top 10 ng kanilang klase at isa siya sa mga babaeng hinahangaan sa kanilang eskwelahan. Masasabi na ring mayaman ang kanilang pamilya dahil isang pulitiko ang kanyang ama. 2 silang magkapatid. Siya ang mas nakakatanda. Nicole ang pangalan ng kanyang bunsong kapatid na nasa ikatlo namang taon sa high school.

Napatingin nalang siya sa dako kung saan nakita niya ang lalaking hinahangaan niya.

ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon