Let go.

28 4 2
                                    

"Okay ka lang ba?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ko.

"Kelan ba ko naging hindi okay?" Tumawa ako ng pilit pag kasabi ko noon. Kilala ko ng mga kaklase ko o mga kaibigan ko bilang masayahing tao, madaldal at hindi nauubusan ng kwento nagtaka siguro.

"Bat ang tahimik mo?"

"Trip ko lang. Haha. Masama ba?" Mukha namang naniwala ang mga to. Moody din kasi ako.

"Jairus!" Rinig ko sigaw ng isa sa mga kaklase ko at nakita kong papasok si Jairus. Jairus Cruz. Yung taong tahimik pero ang lakas padin ng dating. Yung taong wala ng ibang ginawa kundi snobin ako. Yung taong paulit ulit akong dinededma pero gusto ko padin. Bat ang unfair? Nagkakagusto tayo sa taong hindi tayo gusto.

"Uy friend natulala ka na dyan sa Jairus mo? Haha!" Asar sakin ng mga kaibigan ko.

"Ayoko na ata" wala sa sariling nasabi ko.

"Anong ayaw mo na ata?" Tanong niyang naguguluhan

"Joke lang."

"Susko! Baliw ka ba friend?" At nagsign of the cross pa siya baliw talaga. Napatawa na lang ako na siyang kinanginiti nila.

"Ayan! Yan ang gusto namin masaya at nakangiti ka palagi!"

**

Nandito kami ngayon sa mall ng mga kaibigan ko.

"Huuuyy! Tingnan niyo ang jeje nung babae! Haha!" Tumawa kaming lahat ng nakita namin yung tinuro ni Candy. Grabe simula pagpasok namin dito puro panlalait na lang ang ginawa namin.

"Si Jairus ba yon?" Gulat na tanong ni Kei at nakumpirma nga namin na si Jairus yun kasama ang mga kaibigan niya.

"Tara dali lapitan natin! Omaygaaashh!" Excited na sabi ko na may kasama pang talon.

"Teka lang friend excited? Mamaya madapa ka nakakahiya ka.FO na tayo pagnagkaganon" pabirong sabi nila sakin.

"Hi Jairuuuuuus!" Medyo malakas at masaya kong bati sa kanya ng sinalubong ko siya at kagaya ng dati ayon dedma. Ang sakit pero hindi dapat ako magpaapekto kaya ngumiti na lang ako.

"Pagpasensyahan mo na Keisha may dalaw eh" biro ng kaibigan niya si Kevin at umalis na sila.

"Hindi ka ba nagsasawa? Halos dalawang taon ka ng umaasa na kakausapin ka niya ng matino" Seryosong sabi ni Shiela one of my friends.

"Minsan naisip ko din yan. Pero wala eh mahal ko na ata siya" Sabi ko habang nakatingin sa malayo.

"Bat di mo pa tigilan? Paulit ulit ka na lang nagmumukhang tanga kada hindi ka niya pinapansin" Seryoso na talaga sila.

"Ano ba naman kayo! Haha crush ako niyan! Ganan siya magpakita ng pagmamahal sa paraabg pagiisnob" Biro ko sa kanila.

Pagkauwi ko sa bahay namin binuksan ko ang facebook ko at minessage agad siya. Gawain kona yun naimessage siya pero ni seen hindi niya magawa.

Jairus Cruz Active now⚫

Keisha: Hi Jairus!

Keisha: Goodmorning Jairus! :)

Keisha: Hi. Goodevening Jairus! :)

Send ko sa kanya nagulat ako ng nagreply siya sa message ko! O TO THE M TO THE G! OMG!

Jairus Cruz Active 2 minutes ago.

Jairus: Stop chatting me. Annoying.

Hindi ko alam pero dahil lang sa message niya naiiyak ako. Ang corny ko.

Halos isang linggo akong tahimik at isang linggo ko din siyang hindi pinapansin. Siguro tama yung mga kaibigan dapat una palang tinigilan ko na hindi sana ko nasasaktan at nagdadrama ng ganito.

Nasa kwarto ko ngayon at ilologout ko na sana yung facebook ko ng may nagmessage sakin. Hindi ko soya kilala at hindi ko din siya friend sa fb.

Cyrus Alcantara Active 1 minute ago.

Cyrus: Mahal ka nun naghihintayan lang kayo

Naguluhan ako sa minessage niya sakin pero hindi ko na lang pinansin.

Kinabukasan

"Keisha" papunta na sana ko sa gym dahil PE namin ng may tumawag sakin na siyang nagpatigil sakin.

"Keisha iniiwasan mo ba ko?" Pagpapatuloy niya ng hindi ko siya sinagot. This is the first time na kinausap niya ko. Gustong tumulo ng luha ko ewan ko kung bakit.

"No. Busy lang ako" walang emosyon kong sabi at naglakad na. Pero nagulat ako ng hawakan niya ko sa braso para pigilang umalis.

"Galit ka ba sakin?"

"Sabi mo wag na kitang ichat. Wag ka ng kausapin kasi naiinis ka na sakin. Aware ka namang gusto kita pero ang sakit kasi na sayo mismo nanggaling na tigilan na kita" Tumulo na yung luha ko buti na lang at wala ng masyadong tao dahil may klase.

"Hindi ko alam pero hindi buo ang araw ko kapag wala ka, kapag hindi ko naririnig ang pangalan ko na tinatawag mo--" pinutol ko na ang sasabihin niya kasi ayoko ng umasa. Ayokong ng marinig ang sasabihin niya kasi ayoko na. Ang sakit na.

"Hindi na siguro babalik yung Keisha na yun. Kasi alam mo? Yung Keisha na yun sobrang nasaktan. Yung Keisha na yun pagod na. Binitawan ka na kasi ayaw na niyang umasa. Ayoko na Jarius hindi naman porket may gusto ako sayo ay babaliwalain mo ko na akala mo hindi ako nasasaktan" Nakakahiya na umiiyak ako sa harap ng lalaking gusto ko.

"Keisha I like you, no I love you"

"Ha.ha Wag mo nakong lokohin. Kung sinasabi mo lang yan kasi naawa ka sakin. Wag na. Salamat Jairus sa pagiging inspirasyon ko pero sa ngayon tama na. This is the last time na sasabihi ko sayo to. Mahal kita Jairus pero ayoko na" Umalis nako pagkatapos non gusto kong makapagisa. Gusto kong umiyak. Gusto ko na siyang kalimutan. Gusto ko ng maubos yung luhako.

Akala ko kaya niya din akong pahalagahan.

Akala ko magiging kaming dalawa.

Akala ko happy ending na.

Akala ko may pag-asa.

Pero ako pala tong tangang umaasa.

Ang sakit na na kasi.

Kaya nilet go ko na kasi sawang sawa nako.

Now im moving on.

[ laaaaaaaaaameee. Sorry ]

- BestBuddy101

Letting go (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon