1

8 1 0
                                    

It's exactly 11:05 of midnight, at eto ako kahit na antok na antok ay hindi pa pwedeng matulog. Nakaka-ilang hikab na rin ako. Pero hindi talaga pwede...

Bakit?

Kasi si Nanay hinihintay ko pa! Grabe siya diba? Nagfeeling teenager siya at ako naging nanay in an instant. Ang sabi lang kasi ni Nanay bago siya umalis ay sasama lang daw siya sa kapitbahay. Ewan, hindi ko nalinaw kay Ate kung bakit daw. Ang sabi naman ni Kuya mag ma-mahjong raw. Tapos eto ako pinagbilinan ni Kuya na ako na ang maghintay. Lagi daw kasi akong puyat. Pero si Nanay...

MAGMA-MAHJONG NG GANITONG ORAS?!

Ilang buwan pa lang ng mamatay si Tatay tapos si Nanay gumaganyan na. Siguro, kung buhay pa si Tatay. Hindi siya papayagang umalis. Haha. Hay, how I miss my father so much.

Napatingin ako sa orasan ng phone ko. Naku. 11:11 na! Ang sabi ng iba magwi-wish ka daw at magkakatotoo. Pero sa tingin ko hindi wish yung kalaingan e. Kasi, one time noong nagwish ako hindi naman natupad. Pero nung nagpray ako, yun biglang nangyari.

Kasi nga wala tayong Genie kaya wag tayong magwish. Mag pray tayo dahil may God na gumagabay sa'tin.

Alam niyo yung pinagpray ko? Na sana safe na makabalik si Nanay sa bahay. Yun lang. Hindi ko na kailangan ng lovelife 'no. I am beautifully contented to my friends with a heart.

Habang lumilipas ang oras ng paghihintay ko kay Nanay ay naisipan ko na lang na magbasa ng wattpad.

--

Natapos ko ang one shot story at hindi parin bumabalik si Nanay..

Hay naku.

Ganito pala ang feeling ng nag-aalala 'no? Yung feeling na antok na antok kana pero hindi mo magawang matulog. Naisip ko, noon masayang masaya ako kapag ginagabi ako ng  uwi kasabay yung mga kaibigan ko tapos pag'uwi ko sa bahay, madadatnan ko si Nanay na gising pa. Papangaralan na naman ako pero binabaliwala ko lang at dumederetso lang sa higaan ko.

Ngayon alam ko yung feeling. Pwede na akong magbago, siguro?

-

Nagbabasa ako ng panibagong one shot story sa wattpad ng tumunog yung warning tone ko. Tae, 4 percent na lang. Paano kaya kung ma low bat? Matatakutin pa naman ako.

Good thing lang talaga dahil naglatag si kuya ng sofa bed dito sa sala at kasama niya si Kurt, yung pamangkin ko. Sa ngayon ay mahimbing na silang natutulog.

"Meow..." rinig kong sabi ng pusa sa labas ng bahay. Dahil nga sa matatakutin ako ay nakisiksik na lang ako sa paanang bahagi ng pamangkin ko at tumalukbong ng kumot niya. Ichinarge ko rin yung phone ko para tuloy-tuloy lang yung pagbabasa ko.

-

Natapos ko yung pangalawang one shot story pero hindi pa rin dumadating si Nanay.

Tay, pagalitan niyo nga.

Ramdam ko na din ang pagbigat ng mga mata ko. Hindi ko na talaga kaya. Antok na antok na ako! Pero pilit ko pa ring idinidilat, baka kasi parating na rin si Nanay.

11:43 na at naisipan kong matulog na lang muna. Hindi ko na kasi kaya pa yung antok ko. Sobraaaaa...

Lord, sana magising ako kapag nandito na si Nanay.. Amen.

Tsaka ako ngumiti at itinabi ang phone ko.

-

"Jen!" Isang sigaw ang pumukaw sakin galing sa labas ng bahay. Isa lang agad ang pumasok sa isip ko. Si Nanay nandito na.

"Ha!?" Pasigaw ko ring sagot.

"Buksan mo muna ako, Jen!"

Kahit medyo blurry pa yung paningin ko ay bumangon at tumungo ako sa pintuan. Ng binuksan ko ito, bumungad sa'kin sa Nanay na parang preso. Haha. Nakahintay lang kasi siya sa may gate namin.

Ngumiti siya ng makalabas ako.

Alam niyo gusto kong magalit kasi naisturbo yung tulog ko. Pero sa nasabi ko nga kanina. Maybe the table has been turned.

Ng binuksan ko ang gate, nakita ko si Tita Emit, sila nga kasi ni Nanay ang magkasama. Pareho pa silang nag-uusap habang naghihintay din na pagbuksan sa kabilang bahay.

Kung saan pa naging matanda doon pa sila naging pasaway.

"Sino ang natutulog sa sala?" Tanong niya ng makapasok na siya ng tuluyan.

"Si Kurt at si Kuya..." sabay hikab ko naman.

Inilock ko ang gate, pati na rin ang main door. Si Nanay dumeretso muna sa banyo. Malamang pinalabas yung dapat ilabas. Ako, humiga na ulit sa sofa bed. Same position, sa paanan ni Kurt. Si Kuya kasi 3/4 yung sakop.

Tiningnan ko ulit yung oras sa phone ko na nasa gilid ng unan. 12:20, sobra sa kalahating oras yung tulog ko a.

"Diyan ka matutulog?"

"Opo." Sagot ko sa inaantok na boses.

"Papahirapan mo lang sarili mo diyan. Doon na tayo matulog sa kabilang kwarto." Tapos narinig ko na parang may sinindihan si Nanay. Pagbukas ko ng kumot, katol lang naman pala. Marami sigurong lamok sa kwarto.

Sabagay may point din si Nanay. Kaya, kinuha ko sa saksakan yung phone kong naka charge at saka bumangon na rin ako. Tumungo ako sa kabilang kwarto at isinalampak ang sarili ko sa kama.

Nakapatay na rin lahat ng ilaw at si Nanay nandito na pala bago pa ako nakahiga.

"Anong oras na Jen?"

Muli akong napatingin sa oras sa phone ko.

"12:23 na po." Saka muli akong humikab. "Ano nga pala ginawa niyo nay?" Tanong ko ng mawala saglit yung antok sa katawan ko.

Nakadapa yung posisyon ko habang si Nanay naman ay nakaharap sa bubong dahil wala namang kisame yung bahay namin.

"Nakiramay lang kami sa kaibigan ni Tita Emit mo." Sagot nito.

"Saan?"

"Sa Alicante."

"Ang layo naman nun Nay."

"Ang lapit niyan. May renintahan naman si Emit na service namin."

"Ah. Nag mahjong kayo?"

"Hindi 'no. Nakiramay lang kami." Tapos bigla siyang tumingin sa'kin. "At ikaw matulog kana, tama na muna ang pagbabasa diyan sa selpon mo."

"Hindi na nga.." sagot ko at pilit na pumikit.

Napingiti ako ng lihim. Oh diba? Totoo naman talaga yung 11:11, pero hindi ka dapat magwi-wish. Ayan nagpray ako, natupad diba?

Thank you Lord, dahil safe na umuwi si Nanay ng bahay at salamat sa pagpapa intindi sa'kin. Alam ko na ngayona ng feeling na mag-alala.

Hinayaan ko rin ang sarili kong dalawin ng antok at tuluyan ng natulog.

Fin~

Turned TableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon