Grado ni PNoy

51 3 0
                                    

RATINGS:

1- Napakalayo sa katotohanan

10- Makatotohanan

War Against Corruption - 7

 Sa ulat naman kasi niya, nabibigyang pansin at aksyon niya ang mga ito. Lalo pa ng punahin at pagalitan niya ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno at pulisya na kahit hindi niya pinangalan ay alam na niya kung sino ang mga ito. Isa pa, may mga magigiting rin siyang kapulisan na binigyang puri dahil sa katapatan at pagiging dedikado ng mga ito sa tungkulin.

Public Finance - 4

 Siguro kasi wala pa akong makitang epekto ng PPP o Pantawid Pamilyang Pilipino Program niya. Oo nga't kalat na ang mga benepisyaryo nito ngunit nasaan ang epekto? At isa pa, mas naniniwala ako na mas mabuting turuan ng pangingisda si Juan kaysa bigyan na lamang siya parati ng isda.

Governance - 7

 Natutuwa na rin naman ako sa pamamahala niya. Kahit pa maraming umaangal at uhaw sa kaunlarang naunang ipinangako ng Pangulo, patunay iyon, para sa akin, na naniniwala ang marami sa mga magagawa niya. At isa pa, wala naman tayong karapatang tumalak na lang ng tumalak habang nagtatrabaho sila. Hindi naman sa kanila lang dapat iasa ang lahat.

Environment - 3

Parang wala namang ikinaunlad ang kapaligiran natin. At parang mas napapaburan ang mga siyang sumisira ng kalikasan kaysa sa mga nangangalaga dito.

Education - 3

 Para sa akin, wala ring ikinaganda sa sektor ng edukasyon. Halos dinaan nga lang ni PNoy ito sa talumpati niya. Kahit pa pinuri niya ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, tila mas umaaaksyon pa rin ang mga NGO's kaysa sa tulong ng pamahalaan.

Health - 4

 Hindi maganda ang mga pasilidad ng Pangkalusugang sektor natin. Though may mga additional benefits sa PhilHealth, hindi naman lahat ay nagagamit ito at napapakinabangan. Marahil ay marami pa kasi ang hindi exposed sa mga benepisyo nito. At batay sa karanasan namin, bakit ganun ang mga doktor at empleyado sa PGH? Konting pagkakamali ng mga pasyente, sisimangutan at sisinghalan na nila. Sana ay matugunan nila iyon. Hindi naman sila pumunta doon para tumambay lamang kundi para makapagpagamot, lalo sa mga Senioir Citizens. Hindi ba dapat mas mahaba ang pasensya nila sa mga ito? Tsk.

Economy - 5

 Oo nga't sinasabi ng pamahalaan ang patuloy na pagtaas ng GDP income sa bansa ngunit gaya ng nakararami, hindi ito gaanong ramdam ng marami. Ngunit umaasa pa rin naman ako na hindi dito magtatapos ang mga pag-unlad na nangyayari. Umaasa ako na darating ang araw na sa sobrang dama na natin ang kaunlaran, matututo na rin tayong kumilos at makuntento. 

Kuda ng BataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon