Chapter :Mission(Caring)

300 8 0
                                    

Skyler POV
   Nagising ako sa isang kwarto na hindi pamilyar sa akin,tatayo na sana ako pero na outbalance ako.


"Aarrgghh"ang sakit ng katawan ko,Ang huli kung naaalala ay yung malakas na pagsabog.Pinilit kung maglakad kahit na medyo hirap pa ako pagkalabas ko sa kwarto nadatnan ko ang iba na may mga binda din sa katawan at nag-aagahan.

"Oh,gising ka na pala iho"sabi sa akin ng matanda,sya siguro ang may-ari ng bahay na ito.

"Maayos na po ako,salamat po sa tulong nyo"magalang na sabi ko.

"Ma-upo ka muna at kumain ng manumbalik ang lakas mo"anyaya nya sa akin kaya umupo ako pero may napansin ako.

"Nasaan si Red"sabi ko kaya nagsitinginan silang lahat sa akin samantalang si Blue naman ay yumuko lang.

"Don't tell me that Red didn't survive in the explosion"sabi ko pero nagsi-iwas lang sila ng tingin.Tumayo ako at naglakad palabas ng pinto pero bago pa ako makalabas ay bumakas na ang pinto at pumasok si Red sa sobrang tuwa ko dahil ligtas sya ay hinatak ko sya at niyakap ng mahigpit pero napahiwalay din ako sa kanya kaagad,Agh!ang tanga ko.

"Ahm,Im sorry to what i did earlier,i-im just glad that you are safe"sabi ko ng di makatingin sa kanya ng diretso.

"Tss!"sabi ni Red at lumabas ulit.

"AHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!"Napalingon ako sa iba na tawa ng tawa,Na loko ako ng mga to!

"BWISIT"Sigaw ko pero imbis na tumigil sila sa kakatawa ay mas lalo pa nila akong pinagtawanan.

"Oh,Iho ano pa ang ginagawa mo jan,halinat ng ika'y makakain"Sabi ni Lola kaya kumain na lang ako paalis na sana si lola ng nagtanong ako.


"Ah,Lola pano nyo nga pala kami nahanap?"

"A,iyon ba?naglalakad kasi ako sa kagubatan ng may humarang sa akin na mga lalake kundi ako nagkakamali mga taga D.E.A ang mga iyon buti na lang at dumating ang isa nyong kaibigan at ako'y tinulungan kundi malamang sa mga oras na ito ay wala na ako,Nagpasalamat ako sa kanya pero di nya tinanggap sa halip ay ng hingi sya sa akin ng pabor"sabi ni lola.

"Nako pasensya na po kayo sa kambal ko dahil sa hindi nya pagtanggap sa pasasalamat nyo"nahihiyang sabi ni Blue,kung sa bagay nagpasalamat na nga di pa tinanggap,humingi pa ng pabor tss!


"Ano po yung pabor na hiningi nya sa inyo lola Lucia?"tanong ni Aira kay lola na Lucia pala ang pangalan.


"Ah,iyon ba,humingi sya sa akin ng pahintulot kung maari nya ba kayong  dalhin dito sa bahay ko,Na-ikwento nya din pala ang nangyari sa inyo sa gitna ng gubat at sa pagkaka-alam ko ay may kalayuan iyon sa bahay na ito pero dinala nya parin kayo dito kahit na wala kayong mga malay at pagkatapos ay lumabas ulit sya at naghanap ng mga halamang gamot at sya na mismo ang gumamot sa inyo,gusto ko sana syang tungan pero ang sabi nya sa akin ay ang magpahinga na lang,Hindi rin sya natulog dahil binantayan nya kayong lahat kagabi napaka swerte ninyong walo at mayroon kayong kaibigan na tulad nya,Sige jan muna kayo at magdidilig pa ako ng mga halaman"Lola Lucia.


Halos natahimik kaming lahat dahil sa sinabi ni lola Lucia,kung ganon pala iyon ang pabor na hiningi ni Red,hindi para sa kanya kundi para sa amin,mali ang pagkilala ko sa isang tulad ni Red maling-mali.Kumain na lang kami ng tahimik at nagpahinga.Ngayon ko napatunayan na napaka swerte namin dahil kasama namin si Red.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A /N:Don't Judge the book within the Cover,Hehehe!!!

~Legendary Charmer

The Demon GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon