Umuulan na naman. Excited na naman ako oh. Alam niyo kung bakit? Secret lang to ha. Huwag niyong ssabihin sa iba. Hehehe. maglalaro kasi kami ngayon ng bestfriend ko. And take note! Pati ang kuya niya. Haaay. Oo, ako na ang may crush sa kanya.
Isang taon ang tanda niya sa akin. Di ko nga rin alam kung bakit ako nagkagusto sa kanya eh. Tsk. ang aga kong lumandi. Mag fi-first year palang kaya ako. Buhay teenager. Ito na siguro yung sinasabi nilang 'puppy love'
"Joy, tara ligo tayong ulan." sigaw ni Dimple. Siya yung bestfriend na sinasabi ko.
"Teka. Bababa na ako." Lumabas narin ako pagkatapos kong magpaalam sa mama ko. Naku. Nandyan na naman ang kuya niya. ^________^ Ang laki ng smile ko ah.
"Hi Joy!" ^_____^ Bati sa akin ni Liam. Ang gwapo niya talaga. Haaay.. Joy, behave!
Naglaro lang kami sa ulan nun. Napakasaya ko nga eh. Alam niyo kung bakit? Kasi.....
Nadapa ako. Hey! Don't get me wrong. Patapusin niyo kasi muna ako. Tsk. anyway, as what I am saying, nadapa nga ako. Pero, dahil dito eh, kinarga ako ni Liam. >_< Sa likod niya pa. naku, naku. Imbis na intindihin ko ang sugat ko sa tuhod at magsisiiyak eh, mas inuna ko pa ang kalandian ko. Naku naman kasi eh. Ikaw ba naman kargahin sa likod ng taong pinapangarap mo? Haaay. Heaven.
Nang matapos kaming maglaro at maligo sa ulan eh, nagsiuwian na din kami. Di parin ako nakaka get-over sa nangyari kanina. Hanggang sa ngayong nakahiga na ako sa bed ko eh, yun parin ang iniisip ko. Wagas ako kung magka crush eh. Anong magagawa ko?
*Next Day @ school*
Yeheeey. Class na naman. Parati na naman kaming sabay umuwi ni Dimple. Magkaklase kasi kami ngayon at parati pa siyang sinusundo ng kuya niya at yung isa nitong friend. Ang sama ko bang bestfriend? Tsk. Hayaan na. Lilipas din naman tong pagkahumaling ko sa kuya niya eh. Iniinspire ko lang ang buhay ko. Naks!
"Joy, sabay daw tayo ni kuya mamaya sabi niya." Hay. Alam ko best. Kakaisip ko nga lang eh. Hahaha.
"Ay, ganun ba? Sige ba. Sabay din naman tayo uuwi eh." ^___^
Nagklase lang kami whole day and as expected, sinundo nga siya ni Liam. 2nd yr high School na nga pala tong si Liam ah. Papalapit na kami ni Dimple sa kanila ng marinig kong may pinag-uusapan silang dalawa. Busy kasi si Dimple sa textmate niya kaya namanako lang ang nakapansin..
"Pa'no ba yan tol? pa'no mo sasabihin?" Eeeeh. Ano yun? Parang umaandar na naman ang pagiging chismosa ko ah. Sige, lapit lapit.
"Eh, secret pa nga kasi diba? Ikaw talaga nag daldal mo.Baka may makarinig sa'yo oh." kalmado naman ang pagkasabi ni Liam. Pero, anong secret nga?
"Anong secret yung sinasabi mo Liam? Share ka naman oh." Tengna. ang daldal ko. Baka naman confidential yun. Bad mouth. >__<
"Ah, eh. Aalis na kasi siya. Pupunta na akong New York dun na'ko mag-aaral." Sabi niya ng nakatungo lang ang ulo.
-__-
O__O
"Ahh, talaga? Ah, eh. Kailan naman ang alis mo?" sabi ko ng makabawi na ako sa pagkagulat ko.
"Sa makalawa. Tatransfer nalang daw ako. Pero alam mo kung ano talaga ang secret?" Kinabahan ako bigla ah. Ano ba'to? Nakatitig kasi siya sa akin ng .. seryoso. tapos dahan-dahan siyang lumapit sa akin at may binulaong. Takte. napako akosa kinatatayuan ko ha.
"Hintayin mo ako ha?" Teka. ano yun? Parang naging abnormal ang tibok ng puso ko ah. Ang lakas kasi ng kabog eh.
"What do you mean? Hindi ko maintindihan? Kung jino-joke mo ako Liam, please lang tigil-tigilan mo ako." Sabi ko nalang para matago ko ang pagka-ilang ko sa kanya. I know whats he's saying and I know I'm blushing >___<