Chapter 2

6.9K 138 5
                                    


Kahit anong hanap ni Sarah sa kaniyang kwentas ay hindi niya ito makita.

Mahalaga sa kaniya ang kwentas na iyon naalala niyang ibinigay ito ng Daddy niya when she was 10 years old bago sila maaksidente ng kaniyang totoong ina.

Nagkaroon siya ng amnesia na sinamantala nang ina nila Bianca.Mula nang maaksidente siya ito na ang nakamulatan niyang magulang.

Itinatak nito sa isip niya na sila ang magulang ng dalaga.Kaya pala iba ang pakikitungo ng dalawang mag kapatid sa kaniya dahil hindi siya kadugo nang mga ito.

Niloko siya ng pamilyang kinagisnan.Kung hindi pa pinagtapat ng tatay niya ang katotohanan hindi niya malalaman ang katotohanan.

Kahit sa huling sandali ng kaniyang tatay tatayan ay humingi ito ng tawad sa pag lilihim ng buo niyang pagkatao.

Nang magising siya na hubot hubad na may katabi,Isang estranghero sa iisang kama.Muling nagbalik ang mga alala niya mula ng maaksidente sila ng kaniyang Mommy.

Napangiwi siya nang bumalikwas ng bangon,naalala niyang ibinigay niya ng walang pag alinlangan ang kaniyang sarili sa isang estranghero.

Bukod sa sumasakit ang pagitan ng kaniyang hita sumasabay sa kirot ang ulo niya,napasobra ang nainom niyang alak kagabi.

Muli niyang binalingan ang katabing lalaki,hindi niya makita ang mukha nito dahil nakadapa ito sa kama.

Nakalantad lang ang maganda nitong katawan na hindi niya panghihinayangan.

Bago pa ito magising ay pinulot na niya ang nagkalat sa sahig na mga damit niya at muling isinuot.Ayaw niyang maabutan pa siya ng binatang magising dahil hindi niya alam kung ano ang ipapaliwanag dito kung bakit may nangyari sa kanila.

Muli niyang sinulyapan ito bago lumabas sa kwarto nito na isa pa lang VIP room ng naturang bar.

Nakayukong lumabas siya upang hindi makilala bukod sa kahihiyan.

Ngayon lang siya tinablan ng hiya dahil hulas na ang kaniyang kalasingan,nasa matino na siyang pag iisip at wala na ang espirito ng alak na nagdala sa kaniyang kahibangan kagabi.

Kakaalis lang ng dalaga nang maalimpungatan ang binata.

Kinapa niya ang katabi ng wala siyang mahawakan kung hindi ang kumot na iniwan nito.

Tuluyang nagising ang diwa niya bumangaon siya na hindi nag abalang takpan ang kahubaran.Tinungo ang banyo upang tingnan kung naroroon ang dalagang nakaniig.

Wala ni anino nito muling bumalik sa kama at nakita ang dugo sa puting kubre kama na nagpapatunay na virgin ang dalaga nang maangkin niya ito kagabi.

Sa sobrang kalasingan niya ni hindi niya maalala ang mukha nito.

Pero nasisiguro niyang maganda ang babaeng

kaniyang nakaniig at balingkinitan ang katawan nito.

Nung una akala niya isa itong pakawalang babae sa loob ng bar na nangahas na pumasok sa kaniyang kwartong tinuluyan,dahil nga sa sobrang kalasingan niya hindi na niya nagawa pang umuwi at mag drive kaya sa VIP room siya natulog.

Pinulot niya sa sahig ang kaniyang boxer nang makita ang isang kwentas na may heart shape na pendant.

Dinampot niya ito at sinuri,hindi ito isang fake na kwentas lang,alam niyang mamahalin ito.

May initial na S.L ang naka engrave sa heart shape pendant nito.

Marahil nahulog ito ng babaeng nakatalik niya nang hindi napapansin.

Itinago niya ang kwentas at nagbihis na.Ilang beses siyang bumabalik sa naturang bar sa pag babakasaling makita ito or hanapin siya nito.

Mula nang may mangyari sa kanila ay hindi na ito nawala sa isip niya.

Madalas ito ang laman ng mga panaginip niya ,mga maiinit na sandaling pinagsaluhan nila na ayaw mag patahimik sa kaniya.

Dahil isang beses lang naman niya nagawang maglasing at sinumpa niyang hindi na mauulit ang kagagahan niya at ang magtungo sa bar na iyon ay hindi na niya inulit pa.

Dalawang buwan na ang lumipas ng makaramdam nang pag halukay sa kaniyang tyan ang dalaga.

Napatakbo sa lababo si Sarah nang maramdaman na parang babaligtad ang kaniyang sikmura.Ang kokonting kinain niya ay isinuka niya lang.

Napataas ang kilay ni Black Rose nang tahimik na bumalik sa mesa si Sarah.

"Dont tell me buntis ka?Wag mo sabihing lumalandi ka na?"anito sa dalaga.

Napayuko na lang si Sarah,pinalampas niya ang mga salitang binibitawan nito.

"Ano pakakasalan ka ba ng lalaking nakabuntis sa iyo?"prankang tanong nito habang kumakain.

Umiling lang ang dalaga at hindi magawng salubungin ang mapang husgang tingin nito.

"Ayon magaling!Bumukaka ka nang hindi siniguradong pananagutan ng kung sinong herodes?Dahil nasarapan ka kaya gora lang girl?Aba masyadong sinuswerte ang magaling!Ano ngayon ako ang bubuhay sa anak mo?"

Nakayuko lang ang dalaga na hindi magawang patulan ang mga sinasbi nito.

Totoo naman na pumayag siyang makipag sex sa lalaking ni pangalan ay hindi nga niya alam.

Paano niya ipapaako ang dinadala kung hindi niya ito kilala,hindi nga niya ito namukhaan basta alam niya lang gwapo ito at matipuno ang pangangatawan.

Saang lupalop niya naman ito hahanapin?

Hindi naman niya pinagsisisihan ang ginawa,kahit ano pa mangyari bubuhayin niya ang anak niya sa mabuting paraan.

May trabaho naman siya,kaya niyang buhayin ang magiging anak.

Hindi niya maatim na humingi ng pera sa baklang ito na galing naman sa masama ang kinikita.

"Dyan ka na nga nawalan na akong ganang kumain sa kalandian mong bruha ka!"anito.

Tahimik na iniligpit niya ang mga pinag kainan nila.

"Inggit ka lang dahil wala kang matris ako meron!"bulong ni Sarah habang hinuhugasan ang mga plato.

Wala siyang balak bumalik sa bar na iyon para hanapin ang naka buntis sa kaniya.

Wala siyang balak na kaawaan nito o nang ibang tao.Baka nga iniisip ng lalaking iyon na isa siya sa babaeng pakawala na naghahanap ng masisilo upang pakasalan ng mga ito.

"No way!Matino pa ang utak niya para gawin ang bagay na iyon.

Hindi siya tulad ng mga baklang alaga ni Black Rose na manggamit ng tao upang pakinabangan o perahan ang mga lalaki nila.

Baligtad nga eh kung ang mga lalaki ang namemera sa mga bakla ibahin nila ang kampon ni Black Rose na sila ang gumagawa ng paraan upang perahan ang mabibiktimang kalalakihan.

Alam niya kung gaano ka gahaman sa pera ang mga ito.

Alam naman niyang insecure sa beauty niya ang baklang iyon kaya gigil na gigil ito sa kaniya.

Hindi niya magawang umalis sa poder nito kahit alam na niya ang katotohanan.May matinding rason siya kung bakit hindi niya magawang umalis sa poder ni Black Rose.

Napa buntunghininga na siya habang tinatapos ang mga gawain.

Bukas ay plano niyang mag pakunsulta sa isang Doctor para masiguradong tama ang kutob niya na nag dadalangtao siya.

Kailangang ingatan niya rin ang dinadala kung saka sakaling totoo ang hinala.

Hindi niya pwedeng pabayaan ang dugo at laman niya,kahit hindi niya nakilala ang amang dinadala niya ay mamahalin niya pa rin ang batang nasa sinapupunan niya.

Lahat ng pangangailan nito ay ibibigay niya sa abot ng makakaya niya para sa magiging anak niya.

Its a blessing from God kaya hindi siya nag sisisi sa mga nagawa.

Captured Heart-JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon