Habang naglalakad kami ni Lander ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Emeghed! Ang gwapo nya talaga. May mga mata syang parang nangungusap tas ang ganda pa ng kilay at pilik mata nya. Ang gwapo nya tala-----
"Oooy, baka matunaw na ako nyan." sabi nya sa akin na nakangiti.
"H-huh? Hihi! Ang gwapo mo kasi." sabi ko nman na parang nahihiya. Ikaw kaya, magsabi na ang gwapo ng crush mo, di ka kaya mahiya? Wait-- what?! Sinabi kong gwapo sya? Mayged! Ano na nman bang pumasok dito sa utak ko?! Nakakahiya talaga.
Unti-unti ko syang nilingon para tingnan kung ano ang naging reaksyon nya. Diretso lang syang nakatingin sa daan na nakangiti at namumula. Namumula? Kinikilig ba sya? Waaaaaaaah! Wag nyo kung sabihan na masyado akong assuming. Kung kayo kaya ang nasa posisyon ko? Pag namumula yong crush mo matapos mong sabihin na ang gwapo nya di ka kaya mag assume.
Naputol ako sa aking pag-iisip ng bigla syang nagsalita.
"Thank you." sabi nya na diretso pa ring nakatingin sa daan.
"Welcome." sabi ko nman na nakangiti rin.
"Oy! Dito na pala ang bahay nyo." huminto na sya at tiningnan ako.
Tiningnan ko nman kung nasaan kami. Eh? Nandito na nga kami sa bahay. Waaaah! Ang dali nman ng oras. Tama nga yung sinasabi nila na pag masaya ka, di mo mapapansin ang oras.
"Uhhm-- m--may sasabihin sana ako." sabi nya na nakatingin pa rin sa akin.
Waaaah! Ano kayang sasabihin nya? Eksayted na ako. Hihi!
"K---kasi--"
"Kasi?" agad na tanong ko.
"Patapusin mo nga muna ako."
"Ay! Hihi! Sorry." sabi ko nman at nag-peace sign pa.
Nagulat kaming dalawa, dahil bigla na lang may bumusina.
"Sir. Nandito na po ako." sabi ni Mamang Driver.
Nagtataka akong tumingin kay Lander.
"Ah. Sinabihan ko kasi si Manong na sunduin nya ako dito kaninang umaga."
"Huh? Bakit nman dito ka nagpasundo?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"B-balak ko k-kasing s-sabihin na s-sana sayo." sabi nya na nauutal. Bakit ba sya nauutal? Kinakabahan ba sya? Ano ba yung sasabihin nya?
"A-ano nga dapat yung sasabihin mo?" sabi ko na na eeksayt na.
"G-gusto k------"
"Oh, anak nandito ka na pala? Sino naman yang kasama mo? Bakit di kayo pumasok?" sabi ni Mommy na may dala-dalang payong kaya naputol yong dapat na sasabihin ni Lander.
"Ah, si Lander po ma. Hinatid nya po ako. Wla kasi akong dalang payong." sabi ko matapos kong magbeso kay Mommy.
"Susunduin nga sana kita eh, dahil paniguradong wla ka na nmang dalang payong. Kaso nandito ka na pala." tumingin si Mommy kay Lander. "Salamat sa paghatid sa anak ko iho."
"Walang anuman po Ma'am." magalang na sabi ni Lander.
"Tita nlang ang itawag mo sa akin iho. Since kaibigan ka rin nman ng anak ko." sabi nman ni Mommy na nakangiti.
"A-ah s-sige po Tita."
Eh? Ito talagang si Mommy. Sinabihan pa si Lander na kaibigan ko raw. Nakakahiya nman. Baka isipin nitong feeling close ako sa kanya. Hinatid lang nman ako, kaibigan na agad.
"Pasok ka muna iho." sabi ni Mommy na niluwagan ang pagkakabukas ng gate namin.
"Ay! Wag na po tita. Nandito na rin kasi ang sundo ko. Sge tita, Dwight una na ako." sabi nya at nag wave pa.
"Ah, wait lang Lander." tumingin sya akin. "Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?"
"Aah? Y-yun ba? Bukas nlang yon. S-sge una na ako." sabi nya at tumango nlang ako. Pumasok na sya sa kotse at pinaandar na ito ni Manong. Nag wave ulit sya sa akin kaya nag wave rin ako sa kanya hanggang nawala na yong kotse nila sa paningin ko.
"Hoooy! Anak. Boyfriend mo ba yon?" agad na tanong ni Mommy.
"Di po Ma. Crush ko lang po yun. Hihi!" sabi ko nman at pumasok na sa gate.
"Ikaw ha." sinundot ako ni Mommy kaya napaigtad ako. "Siguro kinilig ka kasi hinatid ka ng crush mo? Yiiih! Infairness ang gwapo nya." sabi ni Mommy na kinikilig pa.
Sa totoo lang. Mas kinilig pa talaga si Mommy kaysa sa akin. Hihi! Pero kinilig nman talaga ako eh.
"Si Mommy talaga." sabi ko na ngiting-ngiti.
"Aysus! Napaghahalataan ka baby. Ang pula mo na kasi." sabi ni Mommy.
"Mommy talaga. Magbibihis muna ako." sabi ko at umakyat na papunta sa kwarto ko kasi di ako tinatantanan ni Mommy eh.
"YIIIIH." sigaw ni Mommy habang paakyat ako sa hagdan. Si Mommy talaga. Hahaha!
Ano kaya yung sasabihin ni Lander sa akin? Si Mommy kasi eh. Waaaah! Exited pa nman akong malaman kung ano ang sasabihin nya.
Pumasok na ako sa kwarto at nagbihis. Matapos kung magbihis ay lalabas na sana ako sa kwarto nang biglang nag ring ang phone ko. May nag text na unknown number. Dahil sa kyuryositi XD binasa ko ito.
From: 0916984****
Hi Dwight. Si Lander to. Let's meet tomorrow at lunch time. :)
BINABASA MO ANG
Falling In Love With My Gay Best Friend
RandomPaano kung ma fall ka sa best friend mo? Pero hindi sya lalaki, at mas lalong hindi sya babae no! Ano akala nyo sa akin Tomboy. Eeew to the ninth power!! Ang ganda ko kaya. Hindi ako nagmamayabang, sinasabi ko lang ang totoo. Haha! May best friend a...