Joe's POV
*Almost one year ago*
"Adrian, please. Please pag usapan naman naten 'to. Alam ko naman na ako yung mali e. Please. Please give me one more chance. Please."
"Joe, I'm sorry. Hindi ko kaya. Hindi ko na kaya. Wala naman tayong patutunguhan e. We're better off without each other. And to be honest, you're not really helping me. Hindi mo nga natutulungan ang relationship natin e. You're always doing school works or studying or whatever reason you make up para di mo ko makasama."
"What? You know that's not true! I always make time to call you, to check on you. Lagi kitang tine-text ikaw pa nga ang hindi nagre-reply. At hindi ko tinutulungan ang relationship naten? What do you mean?!"
"Anong hindi ako nagre-"
"Whatever, Adrian. Look, okay? Fault ko na. Aaminin ko na. Ako yung may pagkukulang. Ako yung laging walang time. Ako yung hindi nagaalaga sayo at sa relationship naten. And I'm sorry. I'm sorry kung hindi naging enough yung effort ko. I'm sorry kung hindi naging enough yung time ko. I'm sorry kung hindi ako enough para sa parents mo. I'm sorry. Okay? Gusto ko lang maayos lahat 'to. Maayos tayo. Kasi, Adrian hindi ko ata kaya.. Hindi ko kayang mawala ka sakin. Kaya please. Magbabago ako. Hindi na ko tatakbo as president sa sc. Hindi na ko magiging busy. Please, Adrian. Just give me, give us another chance."
"I'm sorry, Joe. I just don't think kaya ko pa. I'm sorry."
And then just like that, he left me... Ako na lang ba talaga palagi? Ako na lang ba talaga yung talagang may pagkukulang? Inamin ko na naman diba? Ano pa yung mali? Ano na naman? Dapat ba lumuhod pa ko sa harap niya? Dapat ba pinagsilbihan ko siya? Kinain ko na yung pride ko para sabihin lahat ng dapat kong sabihin. Wala na kong tinirang pagmamahal para sa sarili ko kasi binigay ko lahat para sa kanya tapos itatapon niya lang ng ganon. Ano ba talaga yung reason? Kasi pagod na pagod na ko. Pagod na kong umiyak. Pagod na kong magisip na mga kasalanan ko. Pagod na kong sisihin ang sarili ko. Pagod na pagod na..
"Joe, okay ka lang ba? Bakit ka pa kasi pumasok namumugto pa yang mga mata mo oh. Dapat nagpahinga ka muna e."
"No, Cheska. Okay lang ako. I'm fine really. Kelangan ko lang kasi iiyak muna..."
"I'm here for you, Joe. Okay? Always."
"Thanks, best friend."
At kung sa tingin niyo wala ng mas lalala pa sa situation ko ngayon... Meron pa.
"Hi, babe! Uwi na tayo?"
"Let's go, my Adrian Gonzales."
How many stupid fucking days passed since our break up?! THREE!!! Three fucking days!!!! At sa tatlong araw na yon may bago na siya?! What?! Jusko hindi ko na ata kaya.
"Wow. And after three days may bago na yung ex ko. Hi, Erika."
"Joe, please. I'm sorry. Hindi ko sinasadya-"
"Erika, please. I don't want to hate and hurt you. Kaya please, hanggang kaya ko pa, hayaan mo muna kaming magusap ng ex ko na ngayon boyfriend mo na three days after ng break up namin."
"Joe, ano ba?!"
"Adrian, anong ano ba?! Three days pa lang ang nakakalipas. Three days!! Hindi pa nga ako tapos umiyak dahil sayo may iba ka ng bine-babe. Ano ba?? Naglolokohan lang ba tayo dito?!"
BINABASA MO ANG
The Story of A Girl
Teen FictionThis is the story of a girl... Who is more than just a girl. Joe has been hurt. More than once. But for the last time, Will she be able to handle the pain? (credits to: heynette for my book cover. <3)