Kung..

2 0 0
                                    

Kung kayo kong ulitin ang panahon, di ka na sana iniwan pa.

Kung sana lang nakilala at minahal kita sa tamang panahon edi sana tayo pa din hanggang ngayon.

Para kang tubig, na dadaloy na lang palayo mula sa akin at hindi na muling babalik.

Magtapat man ang puso sayong muli alam kong hindi na maaari sapagkat sayo'y may iba ng nag mamayari.

Hiling ko sana'y mahalin ka nya kung paano ka dapat mahalin. Huwag niya sanang tularan ang batang ako na piniling ikaw ay lisanin.

Kung sana lang pagbibigyan ako ulit ng pagkakataon, hinding hindi na ko bibitaw. 

Mas mahahalin ka at aalagaan. 

Sa piling mo nadama ang tunay na pagmamahal ngunit madami ng nangyari at nasayang na pagkakataon.

Sa tagal na ng panahong lumipas, hindi ko din maunawaan kung bakit ang puso ko'y tinitibok pa din ang ngalan mo.

Kung pwede lang na ako na lang ulit ay gagawin kong lahat maging ikaw at akong muli.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LitanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon