"Oh? Talaga?" Sabi ko.
"Ang good mood nya kanina nung bumaba sya! May nangyari ba dito sa taas?"
"Huh? Wala naman."
Wala naman akong maalala na ginawa nya na naging good mood sya.
Maya maya pa ay bumababa na kami.
Napahawak si Lilth sa baba nya na para bang nagiisip ng malalim. "Hmm... that's strange. Kanina kasi pinagluto nya kami ng dessert. Tapos nag sorry sya sa attitude nya kanina. Tapos ang ngiti ngiti nya. Parang ngang baliw eh. Eh bakit naman sya sobrang good mood? Nakadrugs lang?"
"Malay mo, change of heart?"
Tumawa sya ng malakas, "maybe!"
Ilang minuto pa ay nag gathered kami sa may shore ng maliit na island na sinasabi sa akin ni Lilth. Maliit lang kasi talaga sya, kung maglalakad ka ng mga 1 hour to 2 hours eh mararating mo na yung kabilang side nung island. Forest ang gitna nya at parang walang pang taong nakapadpad dito noon.
"Anong oras na ba?" Tanong ni Kylie.
Tiningnan ko ang relo ko, "2 am."
Haaaa? 2 am na at mag t-test of courage kami? Hindi naman ako matatakutin pero naniniwala kasi ako dun sa kasabihan about 3 am.
"So guys!"
Humarap kami kay Ruci, ang mag gu-guide sa amin. Kasali din sya pero sya ang magtuturo saan kami dapat pumunta at ang time limit namin.
Paunahan daw kasi 'to para challenge.
"As usual, by pair ang TOC! Boys and Girls para no cheat. Alam nyo na pag boys to boys, may possibilities na walang thrill at mag cheat."
"Grabe ka samin ah!" Natatawang komento ni Mike.
Nagpeace sign si Ruci at nagpatuloy sa sinasabi nya.
"Para walang biased ang pairs. Isa isa sa atin ay bubunot. Sa end ng papel may color na nakalagay doon. Kung sino ang kulay na nabunot ni girl yun ang pares nya na boy."
"Yun oh!"
Nagsimulang bumunot si Ruci. "Ako muna."
"Hoho, green."
Pumila sya sa pinaka edge saka pinabunot si Mike. "Uy, red." Pumila rin si Mike sa harapan mismo ni Ruci. Kahit di sila magkakulay hihintayin muna niya ang kapair niya.
Sunod na bumunot si Meryl.
"PINK!"
Pumila muna si Meryl sa tabi ni Ruci habang wala pa ang partner nya.
Sumunod si Hurbert, "ay red..."
"Teka anong red?! Di tayo talo pre!" Nandidiring sigaw ni Mike sa kanya.
"Joke lang! Di rin ako magkakamaling patulan ka!" Sagot nya dahilan para matawa kami.
"Green.. uy, hello Ruci." Pagtuloy ni Hurbert sa sinasabi nya.
Pumila sya sa tabi ni Mike pero kaharap si Ruci.
Sumunod si Lilth. "Gray."
Next ay si Denis, "White."
Sumunod si Kylie, "Ah red! Ahhhh si Mike kasama ko!?"
"Problema?"
Di sumagot si Kylie at tinaasan lang sya ng kilay.