"What ?! Put-na !", tinalikuran ako ng isa sa mga Bestfriend kong si Audrey habang sapo ang tila sumakit nitong ulo.Napatingala naman ako habang kagat ang ibabang labi para pigilin ang nagbabantang luha sa mga mata ko at hikbi na gustong umalpas sa lalamunan ko. Kasabay niyon ang pag guhit ng kirot sa dibdib ko.
"Totoo ba ?!", sabay kaming napalingon sa nagbukas ng pinto ng kwarto.
"E-Eva ..", anas ko at napatayo mula sa kama.
"Totoo ba ?!", umiiyak na sigaw nito.
"Eva, calm down its---".
"Audrey", tawag ko na nagpatigil sa pagsasalita nito at umiling bago hinarap si Eva. Dahan-dahan akong tumango habang nagsasalita. "O-Oo, im sorry---"
Pakkk !
Yan ang malakas na tunog ng sampalin ako na siyang nagpamanhid sa kanang-pisngi kasabay ng pagsakit ng anit dahil sa sabunot ng buhok mula kay Eva na di ko namalayang nakalapit agad sa akin."Eva ! Tama na ! Bitaw !", agad na hinila ni Audrey sakin ang nagwawalang si Eva.
"I-I'm sorry, Eva ..", humahagulgol ako muling napaupo sa kama habang sapo ang nasaktang mukha.
"How dare you ! Put-na Sam ! Bestfriend mo ko ! Tangna !", sigaw nito habang nagpupumulit na bumitaw kay Audrey.
"What's going on ? Sam ? Eva ?", nagtatakang pumasok si Janine na naiwan kanina sa Sala. Nagpalipat-lipat ang tingin saming dalawa.
"Let me go !", anang ni Eva na binitawan na ni Audrey. "Bakit, Sam?! Pano mo nagawa sakin yun ?! Bestfriend mo ko !".
Pumikit ako ng mariin at pinipigil ang mga hikbi. 'Anong klaseng babae ako ?!' Sumisikip din ang paghinga ko, nasasaktan ako sa nakikitang sakit sa mukha ni Eva. Kasalanan ko. Oo, kasalanan ko talaga ! At wala kong maihaharap na mukha sa kaniya.
Nasapo ko ang dibdib ng tila may mga patalim na tumatarak ng literal sa puso ko. Ang sakit sobra ! Pagsisisi ..
"Of all people, Sam .. Bakit ikaw pa ? Bakit, Sam ?! Bakit ?!", sigaw nito na napaupo sa sahig.
Tahimik lamang sina Audrey at Janine na walang magawa kundi ang tingnan na lamang kaming dalawa.
"K-Kasalanan ko .. Gusto kong sabihin sayo pero n-natatakot ako, Eva. Natatakot ako na dumating tayo sa ganito .. Patawarin mo ko .. Patawad, Eva ..", humihikbing sabi ko.
Tanging pagiyak lamang nila ni Eva ang maririnig sa kwartong iyon. Panaghoy ng pagsisisi, sakit ng pagtataksil at nawasak na tiwala ng pagkakaibigan ..
'Babe ? I love you, stay with me .. Stay with Us .. Kasabay ng mga alaala ng tinig na iyon ay ang ngiti ng pagmamahal ng importanteng lalaki sa buhay ko. Na saan ka na ? Kailangan kita ..
