"Sammy ! I miss you, Men ! Akala ko natabunan ka na ng mga sasakyan sa Parking Lot !", niyakap ako ni Audrey matapos akong salubungin sa labas ng pinto ng kwarto ng mga ito.
"Miss you too, Men. Akala ko nga din eh haha", tumatawang sabi ko at kumalas ng yakap dito upang mapagmasdan ko ang itsura nito. "Nakanang ! Blooming tayo, Men. Mukhang in love tayo ah".
Parang timang na tumawa ito at bahagya pang hinampas ang braso ko.
"Haha parang ganun na nga", ngiting-ngiti sagot nito.
"So, kayo na ?", excited akong tinitigan ito sa mga mata.
"Yes !".
"Ayyyyy bongga !".
Nagtilian kami habang magkayakap na napapatalon pa.
"Im so happy for you, Men ! Biruin mo pinatulan ka ni Dwayne ?! Haha amazing !".
"Gaga !", sumimangot ito ngunit muli itong ngumiti na parang timang. "Thank you haha im happy too !".
"Hey girls ! Ano diyan na lang ba kayo magkukwentuhan ?", wika ng lalaking nagbukas ng pinto.
"Dwayne !".
"Samantha ! Finally, your here", napalabas ito at lumapit upang yakapin ako. "Akala ko hindi ka na naman makakarating eh".
"Haha sorry, you know that I'm a busy person".
"Whatever ! Tara, pasok na tayo sa loob", anang ni Audrey at hinila ako papasok sa loob.
Akala ko madami ang kaibigan ni Dwayne, nagkamali ako dahil hindi naman halos lalampas sa sampu ang taong nasa loob ng kwartong iyon.
"Hey guys ! I want you to meet, Samantha !", sabi ni Dwayne na nagpalingon sa mga ito sa kaniyang direksyon.
"Its Sam", wika ko na bahagyang siniko si Dwayne at kumaway sa mga ito. "Hey !".
"Haha Sam pala. Tara upo na tayo doon".
"This is Jen, Sarah, Ben, Rian, Calix, Jane at Xander", anang ni Audrey habang itinuturo ang nakapalibot sa lamesa mula sa kanan niya hanggang sa katabi ni Dwayne, bali napapagitnaan namin ito.
"Hi !", kinamayan ako ni Jen habang ngumiti at tinanguan ako ng iba.
"Hello, nice to meet you all ..", nakangiti kong sabi sa mga ito habang inililibot ang mata.
Hanggang sa magtama ang paningin namin ng lalaking katabi ni Dwayne. Ano ngang pangalan niya ? Hmm ?
Nasa usong gupit ang kulutang buhok nito ng tulad kay Zayn Malik. May makakapal na kilay. Bilugang mga mata na binagayan ng mahahabang pilik-mata at matangos na ilong. Manipis na Labi na may bahagyang misteryosong ngiti. Pero hindi iyon ang umakit sa akin para mapatitig dito kundi ang malapad nitong dibdib at balikat na tila kay sarap humimlay doon dahil kitang-kita iyon sa suot nitong kamiseta. Makinis ang kutis nito at mukhang matangkad din siya. Ang lakas ng dating niya sa akin. Umaapaw ang sex appeal.
Naramdaman ko ang pagsiko ni Audrey kaya nagtatakang bumaling ako dito. May sinesenyas ito na nagpasalubong ng kilay ko.
"Ehem !", nalipat ang tingin ko kay Dwayne. "Sam, wag mo naman i-snob-in ang kaibigan ko".
"Oh !", ngayon ko lang na gets ang sinesenyas ni Audrey ng makitang nakalahad ang kamay ng lalaking kanina ko pa tinititigan. "Sorry .. Hindi ko kasi napansin".
Agad kong inabot iyon upang makipagkamay. Tumawa naman ang mga nakasaksi. Pahiya konte ! Deym ! Ano bang nangyayari sakin ?!
"Its okay, I'm Alexander", nakangiti ng sabi nito at marahang pinisil ang palad niya na ikinataas ng isang kilay ko bago nito bitawan iyon.
Sinuklian ko din ito ng ngiti or ngiwi na ata iyon dahil sa pagkapahiya ?
Parang walang nangyari na bumalik ulit sa pagkukwentuhan at pag-iinuman ang mga tao hanggang sa mag-ayang sumayaw si Rian sa Dancefloor sa baba. Pumayag naman silang lahat maliban kay Alexander na umiling at nagpaiwan doon kaya nagpaiwan na din si Dwayne para may kasama ang kaibigan.
"Woooo ang saya !", sigaw ko habang kaharap at kasayawan sa mabilis na beat si Audrey.
"Yeah !", tumatawang sabi nito na itinaas pa ang mga kamay.
Pumagitna sa kanila si Rian na gumiling at hinahamon siyang makipagsayaw na di ko naman tinanggihan. Kaya ang siste ay pawisan kaming lahat ng bumalik sa kwarto. Agad namang dinaluhan ng tissue ni Dwayne si Audrey ng makitang oawisan ang nobya at binigyan pa ito ng inumin. Sweet ! Napangiti ako at akmang dadamputin ang baso ko ng abutan ako ni Xander.
"Oh ! Thank you !", nginitian ko ito at inisang nilagok ang cocktail. Uhaw ako eh bakit ba ?! Haha !
"Wait lang guys ! Punta lang ako ng Comfort Room", paalam ko ng makaramdam ng panununibig.
Nagsitanguan lang ang mga ito kaya agad akong lumabas para bumaba at mag-CR.
Napabuntong-hininga ako nga mailabas ang dapat ilabas sa loob ng cubicle. Success ! Nang matapos ay naghugas ako ng kamay at nakipagtitigan sa sarili kong repleksyon. Mukha na kong sinabunutan ! Deym ! Walang tissue ! Napalatak ako bago lumabas ng CR.
"Hey Xander ! Anong ginagawa mo dito ? Nagbawas ka din ba ?", nangingiting sabi ko ng makita ang lalaki na nakasandal sa hallway.
"Nope, I'm waiting for you", sabi nito na umayos ng tayo at humarap sa akin.
"Bakit ?", kunot-noo kong tanong at huminto sa harap nito.
Nagulat na lang ako ng hawakan ako nito sa bewang at isandal sa pader ng hallway, kaya naman napagitna ako sa malamig na dingding at mainit nitong katawan.
"A-Alexander ? Ano 'to ? Lasing ka ba ?", bumilis ang tibok ng puso. Dahil sa excitement !
"No. You know what Samantha--"
"Its Sam", putol ko na bahagyang itinulak ang dibdib nito palayo ngunit di man lang natinag.
"Well, Sam ..", ngumiti ito dahilan upang lumabas ang biloy nito sa kanang pisngi. "I like you".
Napatikhim bago ngumiti ng alanganin dito. "Thank you and i like you too".
Lalo itong napangiti at unti-unting lumapit ang mukha nito hanggang sa maramdaman ko ang mabangong hininga nitong tumatama sa pisngi ko. Syettt ! Hahalikan niya ko ! Ow may gad ! Ewan ko kung anong nangyari sa akin dahil napapikit ako at hinintay ang paglalapat ng labi nito sa labi ko !
Pero imbis na labi nito ang maramdaman ko ay ang malambot na telang dumampi sa pisngi ko kaya napamulat ako. Ang nakangiting si Xander habang pinupunasan ng hawak nitong panyo ang pawisang gilid ng mukha, pisngi at noo ko.
"Ang bango mo pa din kahit pawisan ka", sabi pa nito. "Tara ! Balik na tayo sa taas".
At hinilahila ako nito palakad patungo sa second floor habang pilit na nagsumisiksik sa mga taong nagsasayaw.
Anyare ?? Na saan na yun kiss ko ? Enebeyeeeeeenn ?!