Chapter 4 Meet Again

103 7 5
                                    


Dahil tapos na nga ang story na WHAT IF ay ito naman ang pagtutuunan ko ng pansin. Alam ko na sobrang tagal na natengga ang istoryang ito pero gusto ko lang malaman kung may mga magbabasa pa ba at susuporta dito kung ito naman ang bibigyan ko ng oras sa pag-uupdate. Hintayin ko comments niyo sa baba.

Nagpahinga lang po ako saglit sa mundo ng wattpad at ngayon nga ay nagbabalik na ako.

Pagpasensiyahan niyo na po pala ang mga typo's at wrong grammars. Wala na kasi akong time para i-check isa-isa. Tsaka na lang ako mag-eedit kapag sinipag na ako. Hahaha!

Enjoy reading!

Chapter 4

Meet Again

Daniel's POV

After ng encounter ko sa babaeng weird na yun ay dumiretso na ako ng uwi sa condo ko. Dito na ako tumuloy dahil wala ako sa mood makipag-kulitan kay mama at lolo. Mas makakabuti kung dito na muna ako maglalagi dahil kung doon ako mismo sa bahay umuwi ay mai-istress lang ako panigurado.

Pabagsak kong hiniga ang sarili ko sa kama. Sobrang nakakapagod din mag-byahe. Wala akong dalang kotse kaya napilitin akong mag-commute para lang makauwi.

Habang nakahiga ako ay hindi ko pa din mai-alis sa isipan ko ang huling sinabi sakin nung baliw na babae na Kathryn daw ang pangalan gaya nga ng sabi niya.

Kinikilabutan ako sa tuwing naaalala ko ang pagbabanta niya sa akin.

WTF! Kapag nag-kita kaming dalawa daw ulit ay mamamatay ako? Ako bang pinagloloko niya?! Kalokohan niya lang siguro yun para takutin ako. Asa naman siyang natatakot ako sa kanya.

Tsss! Kaya mo nga naiisip ang mga bagay na 'yan dahil natatakot ka naman talaga!

Kung pwede ko lang sapakin ang isip ko ngayon ay ginawa ko na. Panira eh!

Papikit na ang mga mata ko ng makarinig ako ng sunod-sunod na tunog ng doorbell. And sa tingin ko ay walang balak tumigil kung sino man yung bwiset na yun hanggat hindi ko siya pinagbubuksan ng pinto.

"SANDALI LANG! BWISET! ISTORBO!"

Akmang bubuksan ko na ang pintuan pero bigla akong natigilan ng may bigla akong naalala.

Paano kung yung baliw na babae na yun ang nasa likod ng pintuan na 'to?!

Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok habang dahan-dahan kong inilalapit ang kamay ko sa doorknob. Pero bago pa lumapat ang kamay ko doon ay humakbang na ako paatras at nagpabalik-balik sa paglalakad doon.

Sh*t! Bakit ba masyado akong naaapektuhan sa pakulo ng babae na yun?! Hindi ako dapat nagpapaniwala sa mga kalokohang pinagsasabi niya.

Asa namang masundan niya ako sa condo ko samantalang iniwan ko siya doon sa probinsya na yun at kung balak niya man akong sundan ay hindi niya ako basta-basta mahahanap dahil napaka-higpit ng security sa building na 'to.

Napakamot na lang ako sa ulo ko sa sobrang frustration na nadarama ko sa mga oras na 'to.

"Ano ba naman 'tong nangyayari sa akin?! Nahawaan na yata ako ng pagkabaliw ng babaeng 'yun!"

Ipinikit ko muna ang mata ko bago ko buksan ang pintuan ng padabog at hinintay ko kung may masama bang nagyari sa akin pero wala naman kaya dahan-dahan kong iminulat ang mata ko.

"BOOOOO!!!"

"Fvck!"

Naitulak ko ng malakas ang taong nasa harapan ko at pagtingin ko kung sino ang hinayupak at walang hiya ay abot-abot ang inis na naramdaman ko.

My Girlfriend Is A Gumiho [KathNiel FanFic] (ON-HOLD!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon