Hindi lahat ng pag-ibig ay dumarating sa tamang panahon
Minsan kasi kahit di tama, tinatamaan tayo ng palaso ni kupido
Dahilan upang gawin nating posible ang imposible.....
Hindi rin lahat ng pag-ibig na dumarating ay para sa atin
Minsan kasi kahit sayo na ang isang tao maaaring mawala ito sayo....
Lalong hindi lahat na nagmamahal ay sumasaya
Minsan kasi kailangan mong masaktan para mahanap ang taong inilaan para sayo....
Minsan may mga taong takot magmahal sapagka't minsan narin silang nasaktan at umasa..pero hindi ito ang dahilan upang isara natin ang ating mga puso at pigilan ang ating damdamin sapagkat ang sakit na dulot ng pag-ibig ay hakbang tungo sa taong inilaan sa atin ng DIOS.....
PROLOGO
"Siya na naman ba ang iniisip mo?" tanong buhat sa likuran.
Nanatiling nakatalikod lamang ang dalaga.
"OO"Tipid nitong tugon.
"Hindi kaba napapagod?..kailan mo ba tatanggapin na wala na siya ?..dina siya babalik?...itigil mona ang kahibangang yan'"may himig paninibugho sa tinig ng binata.
"kahibangan bang matatawag ang magmahal?...lahat ng nagmamahal ay di kailan man napapagod...alam kong babalik siya...."may namuong luha na humarap sa binata ang dalaga.
"OO nagmamahal kanga'...pero kailangan bang parusahan mo ang sarili monang ganyan?...marami pang lalaki sa mundo at mas karapatdapat mahalin"mahabang saad ng binata.
"sino naman ang taong yon?"mapanglaw ang ngiting sumungaw sa labi ng dalaga.
"AKO!"Mariing ani ng binata
"ako ang nagmamahal sayo at ako ang hulog ng langit para sayo"salitang nagpatigil sa pag-inog ng kanilang mga mundo.
ABANGAN.......
Chapter 1
S gitna ng kagubatan :may isang batis na nagbibigay buhay sa mapanglaw na gubat.
Isa itong batis na naging paraiso ng dalawang tao na nagmamahalan.
At sa batis ngang ito nagsimula ang mundo ng dalagang si Jasmine.
Nagkaroon noon ng isang fiedtrip.
Isa si Jasmine sa mga mag'aaral na sumama.
Dahil sa kagustuhang makadiskubre ng bihirang bahagi ng kagubatan ,humiwalay sa mga ka'grupo ang dalaga.
Naglakad ito hanggang makarating ito sa batis.
"Wow ?it looks like paradise !
A beautiful creature i have ever seen in my whole life..."Buong paghangang sambit ng dalaga bago kinuhanan ng larawan ang napakagandang batis.
Sa malas nga lang ,isang nilalang buhat sa likuran ang tumulak sa kanya.
Bumagsak sa batis ang dalaga :basang basa ito.
"How dare you ! hindi nakakatuwa ang ginawa mo ha?..you're such a---"di matapos ng dalaga ang iba pang sasabihin :nkatunghay kasi ang pilyong binata sa kanya na nakangiti.
"May sasabihin kapa?"sarkastikong ani ng binata.
Inis na na umahon ang dalaga.
"Alam mo gwapo ka?...pero kung gaano ka naman ka'gwapo siya nmang sama ng ugali mo !
Look what you did?..sinira mo ang camera ko at basang basa pa ako..sapalagay mo ba natutuwa ako sa ginagawa mo?...you're such a bastard man !"nanggagalaiting ani ng dalaga.
Pilyong tinitigan lang ng binata ang basang dalaga mula ulo hanggang paa.
Nangingiti ito ng palihim.
"Lalo ka palang gumaganda pg' na basa ..."pilyo nitong saad.
"Really?..Pwede ba ..hindi ko kailangan ang papuri mo kasi sa totoo lang ang sarap mong batukan !"ani Jasmine bago humakbang paalis.
Hiawakan ng binata ang isang kamay ng dalaga.
"Bitiwan monga ako..."pilit binabawi ng dalaga ang isang kamay ngunit lalo nito itong hinigpitan.
"Paraiso nga tio.....
Isang paraiso na nagbibigay pag'asa sa taong katulad ko...Dito umikot ang mundo ko kaya ayaw kong may sinomang pumunta rito"lumungkot ang ekspresyon sa mukha ng binata.
Binitawan nito ang kamay ng dalaga.
"May isang magandang anghel na hulog ng langit sa batis na ito ...
Siya ang babaeng minahal ko kaso nawala siya sa akin :pinili nyang maging masaya sa piling ng iba"ni nito na nababalot ng lungkot.
"Khit pala pilyo ka...marunong karin palang magmahal"nakngiting ani ng dalaga.
"Oo naman...wala namang taong di nagmamahal eh'...kahit nga imposible nagiging posible sa taong umiibig"ani nito.
"Alam mo kahit diko pa naranaasan magmahal sa tingin ko masarap ang pakiramdam na may nagmamahal sayo"ani Jasmine.
"Masarap sa simula pero napakasakit pag'nasaktan kana.."ani ng binata.
"Siguro...By the way im Jasmine..ikaw anong pangalan mo?"ani ng dalaga sabay lahad ng palad :tinanggap naman ito ng binata.
"Lawrence"ani nito.
Sa mga oras ngang iyon napalapit ang loob ng dalawa sa isa't isa.
Isang pagkakaibigang magiging simula ng kanilang pag-iibigan.
Araw-araw nangang nagkikita ang dalawa sa may batis hanggang namalayan na lamang ng mga ito ang kapwa ligaw na damdamin na kanilang nadarama.
Isang pag-ibig ang lalong nagpaganda sa paraiso'ng iyon na kinatungtungan ng mga paa ng dalawang taong nagsisi-ibig ng wagas.
BINABASA MO ANG