Chapter 1: " Unang Pasok sa Eskwelahan "

47 1 0
                                    

-Naomi-

6:30 am...

Kriiiing~ Kriiiing~ Kriiing~~~

Good Morniiiing!!!!!!

Yan ang tunog ng alarm clock kong sinasabi na bumangon na ako.... Pinatay ko na ang alarm clock ko at bumangon.Oo nga pala, ako nga pala si Naomi Blue Carter mayaman, matalino, masayahin, may lahing ibang bansa at mabait. Maaga akong bumangon ngayon kasi papasok na ako sa eskwelahan na pagmamayari namin. Pinaiba ko na rin ang apleyido ko upang walang makaalam dahil alam kong paguusapan na naman ako. Ayoko kasi ng atensyon.

Atsaka nanggaling kasi kami ng ibang bansa, napagdesisyunan na kasi ng mga magulang ko na sa pilipinas na lang kami tumira kasi halos lahat naman ng kamag-anak namin nandito at sila na lang daw ang aalis kapag may may business trip.

~~~~~~~~

Pagkatapos, naligo na ako at nag bihis ng uniform namin. Tinali ko na rin ang hanggang bewang kong kulot na buhok at sinuot ang nerd na glasses. Sa katunayan nga niyan hindi naman talaga malabo ang mata ko. Nagsusuot ako kasi nung nasa ibang bansa ako pinagkakaguluhan ako kaya napagdesisyunan ko na mag suot na lang nito para magmukhang pangit.

~~~~~~~~

Pagkababa ko upang magalmusal biglang may sumakmal saaking maliit na aso at patuloy akong dinidilaan sa pisnge....

" Snow!! Hahahaha!!! Nakikiliti akoo!" sabi ko sa aking napakacute na aso. Oo nga pala ang pangalan ng aso ko ay Snow dahil sa napakaputi niyang balahibo. Pomeranian ang tawag sa kanyang tipo na aso....

" Naomi!! Nasaan ka ba? Pumunta ka na dito at magalmusal! Aalis pa kami ng tatay mo! " Sabi ng nanay ko

" Nandyan na po!! Nakipag laro lang po kay snow " Masayang bati ko sa aking nanay

" Hala, bilisan mo iniintay ka na namin! Ihahatid ka pa ni kuya Jomel sa eskwelahan mo! " Sagot ulit ni nanay

Hindi na ako sumagot at sa halip, binigayan ko na lang si snow ng halik sa pisnge at sabay na kaming pumunta sa hapag kainan.

" Good Morniiiing!! " masayang bati ko sakanila hinalikan ko sa pisnge ang nanay ko at tatay ko....

" Ahh!! Ang cute na cute at inosente kong kapatid!! Payakap ngaaa! " sabi ni kuya Nate...

Yan ang kuya ko, College na kaya hindi ko kasabay yan pumunta sa eskwelahan. Lagi ako niyang pinagtatanggol at nagagalit siya kapag may lalaking sumasama saakin, baka kung ano daw gawin saakin. Di ko nga siya maintindihan ehh!!. Pero kahit ganun sobrang lambing niya saamin. Kaya mahal na mahal ko yan ehh!

" Kuya talagaaa binobola nanaman ako (-3-) " masaya at nakangusong sagot ko

Niyakap ko siya at nagbrofist kami....
Matapos ang umagahan pumunta na ako sa sasakyan at binati si kuya Jomel    30 mins. Ang byahe kaya nag earphones ♪(๑ᴖ◡ᴖ๑)♪ na muna ako at pinagmasdan ang kapaligiran sa bintana. Nang medyo malapit na sa eskwelahan......

" Kuya pakibaba na lang po ako sa gilid wag niyo na po ipasok " sabi ko

" Ha? Bakit naman po ma'am? " sagot pabalik ni kuya

" Ayoko po kasi ng atensyon ehh. Dito niyo na rin po ako sunduin mamaya "

" Ahh, oh sige po ma'am mag ingat po kayo "

Inlove Ako Sa Isang MasungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon