Death Mail From Transferee

55 2 0
                                    


"Pare,meron ka na bang ideya doon sa horror story na pinapagawa sa atin ni sir emmanuel?" tanong sa'kin ng kaibigan kong si Vince Miranda.
Ako nga pala si Evan Cruz,3rd year high school.
Magka-klase kaming dalawa ni Vince,kami rin dalawa ang halos magkasama araw-araw sa skwelahan.
"Wala pa nga,eh! Wala naman kasi akong alam sa pagsusulat ng mga kwento lalo na ng horror" napapakamot sa ulo'ng sagot ko.
Naglalakad na kami ngayon pauwi,kakatapos lang ng klase namin at balak namin ngayong pumunta sa isang computer shop para maghanap sa internet ng mga pwedeng isulat na horror story.
Ewan ko ba kasi kay sir emmanuel porke't malapit na ang araw ng mga patay binigyan kami ng project na ganito.
"Meron akong alam na website na maraming horror stories pwede tayong kumuha ng ideya do'n,Kaya lang,pare sobrang nakakatakot ng mga kwentong nandu'n baka hindi mo rin kayanin!"
"Anong website ba yan,pare?"
",pero pare 'wag na!"
"Bakit?Subukan lang ulit natin buksan."
"Sigurado ka?Baka hindi mo rin kasi kayanin inspired by satan pa naman ang mga horror stories na nando'n." napaisip ako sa sinabi ni Vince bago sumagot,"Yan ba yung website dati na pinupuntahan mo,pare?Yung nilagnat ka pa nga ng ilang araw?" paniniguro ko.
"Oo pare yun nga yun,kaya nga ayaw na ayaw ko nang bisitahin 'yun,nadulas lang ako kanina kaya ko na sabi 'yung website na 'yun," ani Vince.
Napaisip ulit ako sabay sabi ng,"Bahala na." at saka itinuloy ang paglalakad.
"Wag na pare,sinasabi ko sayo hindi mo magugustuhan ang mangyayari," pero imbes na makinig sa sinabi niya ay parang mas lalo pa lumakas ang loob ko na bisitahin ang website na iyon.
Wala pang sampung minuto ang nakakalipas nang matigilan si Vince sa paglalakad.
"Oh,bakit pare?" tanong ko.
"Nakalimutan ko pare,susunduin ko nga pala 'yung girlfriend ko" magsasalita na sana ako nang muli siyang magsalita,"Usap nalang tayo mamaya sa TapMail pare,kailangan ko nang umalis." tumango nalang ako sa kanya bilang sagot ko.
Nagmamadali na kasi itong tumakbo paalis.
Kung sabagay lagi naman siyang ganito,bigla-bigla nalang magpapaalam kahit meron na kayong napag-usapan na pupuntahan.
At dahil d'yan uuwi nalang ako,wala na rin naman akong kasama kaya sa bahay nalang ako magre-research sa internet ng mga kwentong nakakatakot.
Pagdating ko ng bahay ay agad akong dumiretso ng kwarto ko para magbihis.
Wala pa sina mama at papa,nasa trabaho pa sila kaya pagkatapos kong magbihis ay humilata muna ako sa kama ko hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pagod.
Alas-siete na nang gabi ako nagising,mabuti nalang at naisipan ni mama na gisingin ako para kumain,pero agad din akong bumalik nang kwarto ko pagkatapos namin kumain.
Agad akong humarap sa computer para simulan na ang paghahanap ng mga horror stories sa internet.
Makalipas ang halos isang oras kong paghahanap wala pa rin akong matinong nababasa na pwede kong pagkuhanan nang ideya.
Hindi manlang ako nakaramdam ng takot sa mga binasa ko kaya ngayon hindi ako makuntento.
Maya't-maya bigla kong naalala ang website na nabanggit sa''kin ni Vince kanina.
yan ang inilagay ko.
Ilang sandali pa'y tumambad sa akin ang sangkatutak na mga larawan na nakakatakot.
Tama nga si Vince sa mga litrato pa lang masasabi ko ng nakakatakot nga ang mga kwentong nasa website na ito.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa kaya sinimulan ko na ang paghahanap,gusto kong malaman kung bakit nilagnat noon si Vince dahil lang sa pagbisita at pagbabasa dito sa website na ito.
Hindi nagtagal,isang kwentong may titulong,
"KULAM" ang nakakuha sa aking atensyon.
"Totoo ba talaga ang kulam?" tanong ko sa sarili.
Agad ko itong binasa upang malaman kung ano ba talaga ang bumabalot sa mga kwentong kulam.
Nang matapos ko itong basahin ay muli kong na sabi sa sarili ko ang,"Hindi imposibleng maging mangkukulam din s'ya katulad ng nanay niya."
Ang tinutukoy ko ay ang transferee sa campus namin na balitang-balitang anak umano ng isang mangkukulam---si HaNa Lacson.
Balak ko sanang magbasa pa ng ibang kwento ng may mag-flash sa screen ng computer ko ---isang email mula kay Vince gamit ang TapMail account nito.
"Pare,ano?May nakuha ka na bang ideya?Nakapag-research ka na ba?"
Mabilis ko siyang ni-replyan,"Oo pare,meron na akong ideya"
"Ano?"
"Tungkol sa kulam"
"Bakit sa kulam?"
"Kanina kasi may nabasa akong tungkol sa kulam du'n sa website na nabanggit mo sa akin tapos biglang pumasok sa isip ko yung transferee na mangkukulam yung nanay,natatandaan mo pa ba yun,pare?HaNa Lacson 'yung pangalan ng transferee," mahaba kong sabi pero ilang minuto ang lumipas ay hindi na nag-reply si Vince,nawala na rin s'ya pagiging online.
Hinintay ko siya na mag-online ulit pero inabutan na ako ng antok ay wala pa rin.
Sa harap na tuloy ng computer ako nakatulog sa sobrang antok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Death Mail From TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon