Prayer

81 1 1
                                    

CHAPTER ONE

FARRAH'S P.O.V

“ Farrah ….. “ sabi ni Kaiser sa malamig na tinig.

“ Kaiser, ano bang ginagawa natin dito?  “ tanong ko sakanya..

Kanina pa kami nandito sa storage room. Ang lagi naming tambayan ni Kaiser. Full of happy memories.

“ I’m – I’m sorry farrah… “ sabi niya ng di nakatingin sakin.

“ What?! “ napataas na ang boses ko. Tumaas na rin ang kilay ko. Naiinis ako.. Kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit? Pero siguro dahil na rin sa mukha ni Kaiser. Ano bang gusto niyang sabihin? Bakit parang hindi ko magugustuhan? Argh! Sana hindi bad news.

“I’m breaking up with you…. Sorry farrah.” then lumabas na siya ng storage room. Iniwan na niya ako. With a double meaning. Napaiyak nalang ako. Mag-isa….

Magisa nalang ako. Bakit niya ako iniwan? Bakit siya nakipag-break? Did I do something wrong? Wala naman… Nagbago na naman ako diba? UGH!

Napasigaw ako out of frustration. Shit! Naalala ko na naman yung pagiging isip-bata ko dati. HAHAHAHA! Isang kabaliwan ang past ko. Isang kabaliwan. Ako yung dating umiiyak pa dati dahil sa isang gag*ong lalaki. HAHAHAHA. Ang pathetic ko nun.

Tinungga ko yung beer na iniinom ko at dumiretso sa dance floor. Nagsayaw ako ng kung anu-anong sayaw. Nababangga ko na yung ibang nasa dance floor pero wala akong pakielam. Wala akong pakielam! Matumba pa silang lahat dyan.

I have to have fun tonight! I have to be wild and free!

*

Napamulat ako ng mata dahil naring na yung alarm clock ko.  Pinatay ko iyon at biglang kumirot ang ulo ko. “Aaawwww. Bwisit na buhay to oh!” sigaw ko. Hang-over ang inabot ko. Tssk! Bwisit! Naglakad ako sa sa C.R at naligo. Same routine. Pagkalabas ko ng restroom, nanakit nanaman yung ulo ko. Napangiti nalang ako. “ Hindi pa rin pala ako ganun kasanay uminom. Tch. Unbelievable.”

Nagbihis ako ng uniform ko at bumaba para kumain at makaalis na rin sa bahay.

“Ma’am, pinapasabi po nila ma’am Franchesca at sir Harley na pumunta sila sa Europe para asikasuhin ang business niyo. Magpakabait ka daw po.” sabi ni manang habang kumakain ako.

Should I be happy na may concern sila saakin? Tch. Sana hindi nalang sila umuwi kahit kailan.

*

Lumabas ako ng sasakyan nang makarating na kami sa school ko. Pagpasok na pagpasok ko. Pinagtitinginan na agad ako ng mga estudyante. Obviously, ako nanaman ang laman ng usap usapan nila. Wow. I’m so famous here. >:D

Hindi ko sila pinansin atsaka nagdire-diretso ako sa classroom. Nakita ko si Alex, Austin at Bryan na nakatingin sakin. I gave them a why-are-you-looking-at-me look. Nilapitan nila ako.

Ginulo ni Austin yung buhok ko at sinabing “Pasaway ka talaga. Sa susunod, wag kang iinom pag alam mong may pasok kinabukasan. Mukha ka tuloy zombie.” at nginitian niya ako. Hayss. Ang gwapo gwapo talaga ng bestfriend ko.

“Oy, ang panget panget mo na lalo. HAHAHA.” sabat naman ni alex.

“Tsk! Kaya walang nanliligaw sa’yo eh. Panget panget mo na.” si Bryan.

“Ang lalakas rin ng mga trip niyo eh noh? Ang aga aga sinisira niyo araw ko.” sabi ko sabay upo sa upuan ko at sinubsob ko yung mukha ko sa arm chair. Mga kaibigan kong lalaki na pinagtutulungan ako. Wow. Just wow.

“Pikon. Pikon. Arang Pikon na Panget na mukhang Zombie na losyang.” pang-aasar ni alex. Nagsitawanan naman silang tatlo. Pag asaran lang talaga magagaling tong mga unggoy na ‘to.

Hindi ko nalang sila  pinansin at natulog na lang…

Pagkalipas ng mga 30 minutes, may naramdaman akong kumalabit saakin. Nung unang kalabit niya hindi ko pinansin. Pero nung naging tatlo na, inangat ko na yung ulo ko. Epal lang? Natutulog ako eh. @.@

“Farrah. Tinatawag ka ni Sir. Gasyo.” sabi nung kaklase ko na si Rina. Nerd. Loner. Loser. Uto-uto. Siya lahat yan. .___.

Napatingin naman ako sa teacher na tumatawag saakin. Bwisit.

“How many times do I need to tell you Miss. Tyanne that you shouldn’t sleep in class hours?” irritable nyang sabi.

Tumayo ako at nilagay ko yung dalawang arms sa chest ko. At tinaasan ko siya ng kilay. “I’m sorry Mr. Gay if I’m sleepy it’s just that your lecture is too boring that I can even mind sleeping than bother listen to your boring lessons. So if you don’t mind Mr. Gay just don’t mind me as I don’t mind your mind freaking lectures. Ok? Thanks.” then I sat down.

Napa “ooohh” naman yung mga classmates ko. Nakita ko si Mr. Gay na napanganga at pinili na lang na lumabas ng classroom. What a gay teacher he is? Napatingin ako kela Alex, Bryan at Austin na kasalukuyang nasa likuran ko. Nakipag-apir pa sila saakin. Inapir ko na rin sila. Kawawa naman. Tapos nahuli ko ng tingin si Kaiser pero bigla nyang iniwas yung tingin niya. What an asshole.

“Tapang mo boss ah. Lagot ka nanaman sa parents mo nyan. Tsk.” sabi ni Austin habang ginugulo nanaman yung buhok ko. Habit niyang kinaiinisan ko.

“Stop destroying my hair, please? Pake ko kung malaman nila? Hindi naman nila ako paaalisin sa school na ‘to. Tsaka wala naman silang pake.” pagtataray ko.

“Sus. Palibhasa kasi kayo ang may-ari. Tsk. Tsk. Brat.” sabi ni Austin na pabulong.

“Tss. Palayasin ko pa yang baklang yan dito.” pagbibiro ko.

And again, ginulo na naman niya yung buhok ko. Diba astig? Ako ang kaisa- isang anak na nagmamay-ari ng school na ‘to. So I have my freedom. 4th year high school na pala ako sa University. At gustong- gusto ko nang grumaduate =___=

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon