Ano nga ba ang huling pagkakataon ? o tawagin nating Last Chance na binibigay ng mga taong nagmamahal sa atin ng tapat na minsan ay sinayang natin.
May dalawang tao na nagiibigan kahit malayo sila sa isat isa kung sa tawagin ay Long Distance Relationship hindi lang kilometro , kundi milyong milya ang layo... Ang pangalan nila ay sina Eunice and Karl nung una sila magkakilala nung highschool ay malapit sa isat isa ang mga pamilya nila dahil magkapitbahay lang sila, pero hindi inaasahang mgkakaroon sila ng relasyon dalawa ni Eunice at Karl , hanggang sa dumating yung time na nakita sila ng mga parents nila na nagdadate sa isang napakabonggang restaurant... At dun dumating ang isang napakalaking trahedya nagkagulo silang magpapamilya una sa lahat ayaw ng mga magulang nila na magkarelasyon dahil maaga pa may tamang panahon para jan kaya ipinaghiwalay silang dalawa ni Karl at Eunice ay pinapunta sa Singapore samantalang itong si Karl ay nanatili dito sa Pinas , nagmumokmok at iniisip na panaginip lang ang lahat ng mga nangyari, ilang araw siyang nagtatago sa kwarto hindi kumakain, ay sa kakaiyak niya hindi niya namalayan na sa susunod na linggo aalis na pala Eunice papunta ng Singapore...
Linggo na at araw na ng pagalis ni
Eunice patungong Singapore nag usap silang dalawa, nagsumpaan na walang iwanan kahit anong mangyayari at babalik si Eunice pag nakapagtapos na siya sa pagaaral ganoon din si Karl... Umiiyak silang dalawa nung mga araw na yun.After 3 years ...
Second Year College na silang dalawa, nag skype silang dalawa dahil dalawang taon na lang ay makakabalik na si Eunice sa pinas at makikita niya na ang Pinakamamahal niyang lalake sa mundo... Pero pagkatapos nilang magusap ay Umiiyak si Eunice at iniisip kung paano niya sasabihin kay Karl na may iba na siya at hindi niya na mahal si Karl. At si Karl may feelings na talaga na niloloko na siya pero pinipilit niya lang iniisip na hindi totoo ang mga kutob niya... Hanggang sa nalaman niya na totoo na pala, pero hindi niya lang sinasabi kay Eunice na may alam siya, nagbubulag bulagan lang siya sapagkay masyado siyang nasaktan sa mga nangyari dahil hindi niya kayang kalimutan ang babaeng minahal niya ng tapat...
Makalipas ang dalawang taon at nakapagtapos na rin silang dalawa sa pagaaral... Masayang masaya si Eunice dahil uuwi na siya sa pinas at makikita niya na si Karl na gusto niyang yakapin at halikan , pero pag uwi ni Eunice sa pinas ay iba ang nakita niya wala na yung Karl na nakilala niya nagbago na hindi na tulad ng dati ,hindi niya malaman kung ano ang naging dahilan dahil unang una sa lahat hindi niya alam na may alam na si karl sa kalokohan niya sa ibang bansa... Nagparaya si Karl ng hindi niya namamalayan... Ng makita niya si Karl tinanong niya kung masaya ba siya dahil nakabalik na si Eunice, Sagot ni Karl "Oo masaya ako, kasi bumalik ka na" at tugon naman ni Eunice bakit mukhang malungkot ka ? pagkatapos nun hindi na nakita ni Eunice si Karl...
Hinihintay ni Karl ang tamang panahon na maglalakas loob siyang tanungin si Eunice about sa nalaman niya noong nandun pa si Eunice sa Ibang bansa... pero hindi parin siya makakuha ng timing kahit yun na yung time... Hanggang sa may nakapagsabi kay Eunice na kung bakit ganun si Karl sa kanya... At biglang napaiyak si Eunice dahil alam niyang mali ang ginawa niya... agad agad siyang pumunta sa Bahay ni Karl at nagsorry siya, lumuhod at humingi ng pagkakataon na kung pwede maibalik yung dating sila , yung mga panahong masaya sila ... Agad naman pumayag si Karl dahil yun na yung huling pagkakataon na ibibigay niya dahil sa Sobrang sakit na binigay at pinadanas sa kanya ni Eunice...
YOU ARE READING
Huling Pagkakataon
RandomWag mong sayangin ang pagmamahal niya sayo... Dapat mong pahalagahan