Kapag ako..

25 2 0
                                    

"When I need motivation
My one solution is my queen
'Cause she stays strong
Yeah, yeah~"

"She is always in my corner
Right there when I want her~"

"Oh, I think that I've found myself a cheerleader
She is always right there when I need her
Oh, I think that I've found myself a cheerleader
She is always right there when I need her~"

Pag sabay ko sa kanta with pabirit-birit effect para feel na feel.

Nagugutom na kasi ako kaya kailangan ko na talaga ng pagkain para hindi na kayo marindi sa napaka-ganda kong tinig. :)

Nag a-act pa ko na parang cheerleader, habang naglalakad papuntang canteen, ng may masilayaan ng aking napakagandang mata na may nakakalat na papel.

Maayos naman yung papel tsaka parang may nakasulat kaya nacurious ako, kaya pinulot ko ito.

"Kapag ako.

Kapag ako.. hinayaan mong pumasok sa buhay mo hindi ko hahayaan na maliitin ka pa ng iba

.. ipapakita ko sa iba kung gaano ka kahalaga

.. ipaparamdam ko na hindi ka nag iisa.

Kapag ako.. ang pinili mo tatanggapin ko lahat ng pagkukulang o kamalian mo sa buhay.

.. ipapakita ko sakanila yung mga bagay na meron ka kung bakit dapat kang mahalin

.. ipaglalaban kita.

Kapag ako.. ang minahal mo hindi ko maipapangako na hindi kita masasaktan, pero kahit kailan hindi sasadyain na saktan ka.

.. ipaparamdam ko sayo na ikaw lang ang mahal ko

.. ipaparamdam ko sayo na hindi ka malalamangan ng iba.

Kapag ako.. ang sinandalan mo iintindihin kita.

.. kahit busy ka maghihintay ako hanggang sa matapos ka lang sa ginagawa mo

.. gagawa ako ng paraan para mapuntahan ka kapag may problema ka.

Kapag ako.. ipagchecheer kita

..kahit ayaw ko basta gusto mo

.. sisikapin ko na mapasaya kita kahit sa mga text messages ko lang

.. sasamahan kita kapag wala kang makasama

.. kukulitin kita lagi pamasaya ka lang

.. susubukan kong gawin yung mga bagay na gusto mo

.. papaalaahanan pa din kita kahit na ayaw mo basta para sa ikabubuti mo

.. paparamdam ko na special ka

.. kahit ako na yung gabihin maihatid ka lang

.. yayakapin kita ng mahihpit kapag malungkot ka

.. papalakasin ko ang loob kung sakaling nadodown ka

.. di ko hahayaan na matulog ka ng may galit na dinadala.

Mga simpleng bagay lang ang kayang kong gawin. Hindi katulad ng hinahangad mo..

Pero..

Kapag ako.. ang minahal mo di ka na maghahanap pa ng iba. ;)

Ang kaso wala pa akong taong pag-gagawan ng bagay na na yan.

Pero dahil mahal ko din naman ang sarili ko. Sa sarili ko muna gagawin ang mga yan. :)

Bago yung iba. Ako muna. Sarili ko muna.

Sarili ko muna ang hihintayin ko.

Sarili ko muna ang pipiliin ko.

Sarili ko muna ang mamahalin ko."

"Arayyyyy!"

Bwisit sa sobrang busy ko sa pag babasa may nakabangga ako.

"Sorry, sorry di ko sina.."

Naputol ang sinasabi niya at biglang napatingin sa hawak ko. Nanlaki ang mga mata niya.

Kaya napatingin ako uli sa hawak ko.

Bigla naman niyang kinuha ito at bigla nalang nagtatakbo.

"Ho.. hoyyyy!"

Pahabol na sigaw ko sakanya. Kaso hindi ko na tinuloy dahil mapapagod lang ako tsaka sobrang nagugutom na ako.

xxxxxxx

"Burpppppp~ woaaah sarap!"

Pero habang nagsisimot pa ako ng pagkain naisip ko yung nakasulat dun sa dulo ng papel.

"Habang wala pa yung gagawa ng mga bagay na yan ako muna.

-MMI



Me, Myself & I"


Kapag Ako..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon