Nakaka bwisit lang kase, dumating yung araw na naka kilala ako ng SOME ONE. kala ko siya na, kala ko forever na, at ako namang si tanga, minahal ko naman siya ng sobra. Kulang pa pala sa kaniya.
Sabi nga sakin ng kuya ko,
"wag mo ibibigay ang lahat sa isang tao, kasi ano pang hahanapin niya sayo kung ang lahat mo ay naibigay mo na"
Okay, para sakin, hindi naman lahat naibigay ko. Iniingatan ko padin naman ang aking pagkababae. Sino ba naman ang hindi. Kasi sabi naman sakin ng nanay ko,
"Pinaka magandang regalo sa mapapangasawa yang pagkababae mo"
Okay guys, lets be open minded ah. :) kapag virgin ka pa yan ang ibig sabihin ni mama.
Okay, I'll start.
Saturday yon, inaaya ako ng mga pinsan ko na, pumunta sa isang birthday party. Dahil Saturday sumama nako. Then, pag dating namin dun onti pa lang yung tao,
Tanda ko pa nun, nahihiya pa kami pumasok. Haha lahat naman at naka experience na nun diba? Yung mag tuturuan pa kayo kung sino una papasok.Pero buti na lang dumating na yung tita namin, at pinapasok na kami. Madaming handa. Kumain muna kami nun, ang sarap nga nung spaghetti at lumpia. Fav ko. :) pagkatapos ng kainan nag pabebe nanaman kaming magpipinsan, kasi nag aaya sila na mag videoke. Dahil alam ko naman na maganda boses ko ako na nauna. Sunod na lang sakin mga pinsan ko.
Naghahanap nako ng kanta, tapos, may napansin akong lalake na nakatingin sakin. Dahil nga pabebe ako, tinatarayan ko muna onti. Haha may itsura naman sya. Naka saklob sya, naka shorts ng brown and white shirt. Dumaan sya sa harap ko, and shit ANG BANGO.
turn on:lalaking mabango.
Pagdaan nya, kumanta nako. Ilang minuto na din nakalipas ang dami ko ng nakanta at nakatingin padin sya sakin habang tumatagay. Singkit pa naman siya
Turn on: chinito.
Ang cute lang. Pero dahil nga pabebe padin ako, mataray padin. Den, natandaan ko nasa isa sa pinsan ko ang phone ko, so nag aya sya mag groupieeee at dahil mahilig ako sa ganyan hala bira!
*click *click *click
Aminado ako, retrica pa gamit namin nun. Haha. Then nagselfie ako magisa. Naka ilang picture din ako habang nagkakantahan ang aking mga "sa umpisa lang nahihiya" na mga pinsan. Haha.
May narinig akong nagkakantyawan,dun sa grupo nung nagiinuman, then, na kita ko na lang yung tito ko na tinatawag ako. Lumapit ako. May hawak syang SLR yun pala pipicturan ako. Pero....... Kasama yung chinito.
"bakit? " -ako
"eyang, siya yung may birthday, picture kayo" -titoWow. Siya pala yung may birthday. So ako naman pumayag. Sino pa ba ako para umarte? Sige nag picture kami. Picture LANG. walang MAWAWALA.
Bumalik ako sa mga pinsan ko, at nag ka ayaang umuwi. Ewan ko, pero parang ayaw ko pa. Bakit kaya? Pero wala akong magagawa lilibre daw ako e. Haha. habang nag aabang kami ng sasakyan, may dumaang motor. At gulat ko kasi si chinito yung nag da drive. Nginitian nya ako sabay paandar niya ulit ng motor. Gassshhhh!! Killmiiinawwww. Umuuuuu! Asdfghjkl! $!?@4%& mayabang man tignan pero nakakakilig
Nasa bahay nako, pero parang may kulang. Tapos hawak ko lang cellphone ko, naboboring ako ng di ko alam. Nakaka badtrip. Pero nakatulog ako nun.
Maniwala man kayo o hindi, napaginipan ko yung mga nangyari sa party. Haha. Seryoso! Feeling ko naiwan yung kaluluwa ko dun. Katabi nung chinito. Haha jk. Eksakto paglabas ko ng kwarto ko, nasa sala mga pinsan ko,
"yang, ang cute nung lalaki kanina" -sabi ni Key, pinsan kong ka vibes ko. Babae.
"yung ka picture ko? Sakto lang" pero ang totoo, hindi yan ang gusto kong isagot ang gusto ko talagang isagot nun ay
"oo nga! Sobra! Kaso di na ata kami magkikita! Sana nakuha ko number nya! Napaginipan ko pa sya! Ang cute nya talaga"
Yan haha. Exaj ba, sorry ah. Di nyo maiintindihan unless wala kayo sa katawang lupa ko.
Kumain, nag shower, nag tooth brush. Yan then ready to sleep.
Hawak ko padin cellphone ko, ewan ko lang ah. Pero that time may parang hinihintay ako. Ako lang ba o minsan na kaka feel kayo ng ganun?Pikit na mata ko den tumunog bigla phone ko. Tinignan ko number lang
0975*******
Hi :)Wala akong load. Kaya bukas na lang.
BINABASA MO ANG
Love mistaken
RandomKaway kaway sa mga umaasa pa jan. :) at para sa mga paasa, kamusta naman kayo jan? Ganyan na ba talaga ngayon? Mag pakita lang ng motibo si boy, aasa na agad tayong mga babae. Kala natin may something. Yun pala, para sa kanilang mga lalaki, may no...