Nakarating kami ng maayos sa bahay, yung dalawa deretso agad sa kitchen, to see if there's a food pa sa fridge namin. Puro nalang kasi pagkain lumalabas sa bibig nila kanina habang nasa byahe pa kami.Dumeretso na muna ako sa room ko para maligo. Pero bago ako makarating ay nakita ko yung maid na hi-nire ni Mommy na nag pupunas ng piano ko.
How I miss to play that piano.
That piano was a gift of my dad to me, it was placed on the center of this Sala on my floor. Buong second floor kasi na ito ay akin lang, hahaha, may sariling dance room din ako also a library. Tapos yung third floor naman andu'n ang Master's Bedroom, tapos may isang room doon, na ang nakalagay ay ang billiard table na binili pa ni daddy sa new york. Meron din pinagawa si Daddy na Mini Island Bar sa floor nila.
After ko'ng ilibot ang paningin ko sa floor ay tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko.
Nag sho-shower na ako no'ong biglang tumunog ang telephone ko dito sa cr.
*Kring! Kring!*
"Hello?" I answered the call.
"Hihihihi~ Hello! Trinay lang namin, continue what you doing! Hihihi~" Then she hang, Wengya talaga nitong dalawa, lakas ng topak.
Pinag-patuloy ko nalang ang pag ligo ko, at pagkatapos ay nag patuyo ng buhok then charge my iphone before getting out of my room.
Pag labas ko, nakita ko nanaman yung maid na nag pupunas naman ng salamin ng bintana.
Hindi ba sya napapagod? Jusmiyo.
"Ah ate, after mo po jan ano pa pong gagawin mo?" Tanong ko sakanya habang nag be-braid ng buhok.
"Ah wala naman na po, may iuutos ka po ba? "
"Ah yeah, pwede po ba mag luto ka po ng kardereta, yun nalang po ulamin natin mamayang gabi. " Todo pa ngiti ko nyan hah. Hahaha, miss ko na kasi kumaen nun eh.
Okay guys, fast forward na tayo. Hahaha. Puro naman walang kwenta pinag gagawa namin eh. Kain saka nood lang ng cartoon.
Next Morning, it's Friday. Hahaha, how I love friday.
At dahil sa kwarto ko natulog yung dalawa. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, kaya ito ako ngayon huli nang nagising.
Pagbangon ko ay kinuha ko agad ang iPhone ko to see if there's a text message. At meron nga, it's from my Mom. After I read it, I put it on my bag for school.
Pumasok na ako sa cr at naligo.
Pagbaba ko nakita ko yung dalawa na nanonood ng scream queens. Kaaga-aga tv agad! Jusmeyo marimar, inuna pa panonood.
"Good morning guys. " Aish! Hindi man lang lumingon sakin bwiset.
Pumunta nalang ako sa kitchen para mag timpla ng coffee, I saw Yaya Madel cooking bacon and hotdog.
Nang matapos mag luto ay kumaen na kaming tatlo.
Walang nag open ng kahit na anong topic, seryoso lang yung dalawa kung kumaen, kaya hinayaan ko nalang.
"Hayyyy." Mahabang buntong hininga ni Maree.
Nag lalakad na kami palabas ng bahay papunta sa garahe.
"Ano nanaman bang problema mo?" I asked her, pero hindi nya ako pinansin.
"Haysssst. " Eh? Jusme, si Elleza naman ngayon ang bumuntong hininga.
"Hoy! Kayong dalawa pag hindi nyo ako pinansin, hindi kayo sasakay sa kotse. Bahala kayo mag lakad. " Banta ko sa dalawa. Gulat na gulat naman silang napalingon sakin.