Escape the Dark House (Tagalog Mystery and Horror Stories of Alfred)

24 1 0
                                    

Tumakas sya sa kanilang bayan... Napadpad sa lungsod... Tumira sa isang misteryong boarding house... Ngunit kasunod pa rin nya ang BAGAY na iyon!

Kanina pa tumitingin ang lalake sa labas ng bintana

Hindi sya mapakali..

Mainit ang panahon...Tinignan nya ang relo nya..

3:05pm na...

Mahigit isang oras na sya sa bus galing sa kanilang probinsya.

Maya-maya ay tumigil na ang bus sa istasyon. Nagkalat ang iba't ibang amoy sa paligid

Amoy ng basura na nagkalat lang sa sulok na katabi ng tumigil na bus...

Amoy ng mga taong dumadaan. Amoy ng usok sa mga iba pang bus. Amoy ng paligid sa istasyon ng bus. Amoy sa lungod na kanyang tatahakin!

Oo nga pala...

Apat na lang ang pasahero sa bus na sinakyan nya kabilang ang driver.

Magkasintahan ung nakaupo sa harap nya.

At ang isa naman na masasabi nyang Babaeng sobrang puti ang kutis sa mukha pa lang mapapansin..

Hindi na nya masyado pang pinatagal ang pag-upo. Agad syang bumaba ng bus.

Subalit sumulyap ulit sya sa mga kapwa nya pasahero.

Duguan ung dalawang magkasintahan.

Dilat pa ang mga mata nila habang kumakaway sa kanya!

Samantala ang babaeng mestiza..

Wala pala syang ULO...hawak-hawak nito ang duguan nyang ulo..

Di na nagulat si Alfred!

Subalit...may mas mahalaga pa syang pinoproblema...

Saan sya pupunta?

"Ahh...bahala na..." sambit nya pa.

Ang mahalaga ay MALAYA na sya!

Agad syang lumakad kung saan sya dadalhin ng kanyang mga paa..

Tinahak nya ang kalsadang patungo sa mga naglalakihang building..

Sya si Alfred...

At sa isang desisyon na kinekelangan gawin,

bigla syang pupunta sa panibagong MUNDO..

sa lungsod...kung saan may naghihintay sa kanya na PANIBAGONG PANGANIB..

Halina at tunghayan natin ang kanyang paglalakbay tungo sa misteryo at kababalaghan na magaganap sa kanyang Boarding House na tinutuluyan at sa buhay din nyang nababalot ng isang lihim na kanyang tinatakasan!

Sino nga ba talaga si Alfred?

Bakit sya ang bida sa kwentong ito?

Bakit sya naging Malaya sa kanilang PROBINSYA?

Anu-ano ang mga misteryo na magaganap sa kanyang buhay?

Abangan ang susunod na Kabanata...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Author's Note:

Hello guys! It's me once again...

Ngayon lang ulit nabuhay...for almost a decade...este half a decade...lang naman...

This is my new account because I already lost my  original account... T_T

Anyway, this is a revival story...and I will try my best to end this story...

Hope you will like this.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Escape the Dark House (The Revival Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon