Chapter 3
Dahil sa kalukohan ni Glaiza nakaramdam sya ng pagka konsensya ..
"Ngayon lang ako nakakita ng ganong ka lungkot na mukha. Pero di dapat ako maawa kasalanan nya naman e. Pinikon nya ko kaya ginantihan ko sya at hinding hindi ako hihinge ng tawad sa kanya."-Glaiza PoV
Sa Maids Room.
"Ano ka ba namang bata ka. Bakit ka nagpaulan alam mung namalansta ka bakit hindi ka nalang tumangi sa iniutos ni Glaiza? Mapapasma ka nyan,at posible magkalagnat ka pa. Halika ka nga dito lagyan natin ng alcamporado sa likod mo ng di pasokan ng lamig."-Rosing
"Manang ... (sabay yakap at umiiyak)."-Rhian
"Oh??? Bakit ka umiiyak??"-Rosing
Nagkataon naman na naghahanap si Glaiza kay Rhian ng matapat siya sa pintoan at narinig nya ang pinaguusapan nila Rhian.
"Namimiss ko po sila Nanay, sabi ni ng Tatay ko wag daw akong paapi. Kung tutuosin pwdi kong sapakin yan si Glaiza dahil pinagmukha nya kong tanga,pero di ko kayang gumanti dahil si Nanay ang nasa isip ko. Gusto kung maayos ang pamilya ko kaya, kailangan kong tiisin ang ginagawa ni Glaiza sa akin .(humahagolhul ng iyak habang nakayakap kay Manang Rosing)-"Rhian
"Hayaan mo na iha pagsasabihan ko nalang si Glaiza,taha na wag ka ng umiyak."-Manang Rosing
Nakaramdam ng kurot sa puso nya si Glaiza dahil sa ginawa nya kay Rhian. Pero nagmatigas pa rin sya,at hndi sya hihingi ng tawad.
Kinabukasan ..
"Rhian!!! Rhian!!!"-Glaiza
"Bakit??" (mahinang boses)"-Rhian
"Magbebreakfast na ko, prepare my food."-Glaiza
Hindi kumibo si Rhian at bakas sa mukha nito ang walang ganang pakikipag usap kay Glaiza ..
Napansin naman ni Glaiza na hindi sya kinukulit o inaasar ni Rhian ...
Ginawa kaagad ni Rhian ang iniutos sa kanya ni Glaiza kaya pagkatapos nyang maghanda ng breakfast.
Dinala nya agad ito sa kwarto ni Glaiza. Ngunit di pa man nya ito nailalapag sa mesa,bigla na syang hinimatay ...
"Hoy Rhian anung nangyari sayo?? Rhian gising!! (ng masalat ni Glaiza ang noo ni Rhian inaapoy ito ng lagnat)
Manang Rosing tulong!!!"-Glaiza
Dali daling pinuntahan ni Manang Rosing si Glaiza. At nakita nyang naka handusay at walang malay si Rhian.
"Anong nangyari kay Rhian??!! Naku ang taas ng lagnat nya,dalhin natin sya sa Ospital!!".-Manang Rosing
Sakto naman dumating na ang Dady ni Glaiza na si Albert.
"Anong nangyayari dito?"-Albert
"Sir Albert si Rhian inaapoy ng lagnat!!"-Rosing
Dali daling binuhat ni Albert si Rhian pababa para dalhin sa Ospital ..
Hindi naman alam ni Glaiza ang gagawin dahil kahit sya nag alala din kay Rhian. Pero hindi na sya sumama sa pagpunta sa Ospital.
@Hospital
"Manang bakit inapoy ng lagnat si Rhian ano ba nangyari?!!"-Albert
"Paano kahapon si Glaiza inutusan si Rhian mamalansta tapos, itong Glaiza ipinahanap yong daga nya kay Rhian sa may garden kahit hindi naman nawawala. At ng bumuhos ang malakas na ulan hindi pa rin pinatigil ni Glaiza ang pag papahanap niya . Kaya basang basa si Rhian, ewan ko ba sa anak mo Aberto kung anong tumatakbo sa isip ni Glaiza. Halos lahat nalang ng nagiging kasambahay natin pinagtitripan nya."-Rosing
BINABASA MO ANG
MY BOSS MY LOVER
RandomThis is a revise version. Yung na una pong book ay inayos ko kaya marami po ang nabago dito .. Thank you
