Kabanata XXXIV

23 0 0
                                    

Magkakatabi sina Ibarra, Maria Clara, eksribano, nasa kabilang hanay naman sina Tiago, Alperes, ang kapitan, mga prayle, mga kawani at kadalagahan.

Narrator: Matapos mabasa ng mensahero ang telegrama ay sumigla bigla si Kapitan Tiago.

K. Tiago: Mga ginoo, ang kaniyang kamahalan Kapitan Heneral ay darating at sa aking bahay tutuloy.

(Nagkatinginan ang mga prayle nang magmadaling umalis si K.Tiago kaya nalaglag ang sumbrero nito)

Prayle: Isang palabas nanaman ito ng Kapitan Heneral at isang insulto sa atin. Dapat sa kumbento siya tumuloy.

(Lahat din sila ay nakatanggap ng telegrama na darating ang K. Heneral ngayong ika-apat ng hapon)

Kawani: Napansin kong wala rito ang aking mapagbunying predicator.

(Tinuro ng tinyente si Ibarra) Tinyente: Napagod siguro.

Eskribano: Napakahusay at napakagandang sermon.

Padre Martin: Upang makapagsermon ay kailangan ng gayong kahaba at kailangan magkaroon ng mga baga na gaya ng kay Padre Damaso.

(Iniba ng alkalde ang usapan) Alkadle: Naku, halina't tikman ang luto ng napakagaling na kusinero ni Ibarra.

Narrator: Patuloy ang kwentuhan. Humaba. Iba't-ibang paksa ang naging usap-usapan. Naging paksa ang pagkatalo at pagkapanalo sa sugal. Ganon din ang kabutihan ng pagpapari o kaya'y panggagamot kaya iyon ang napiling karera ng anak. Dumating si Padre Damaso na nakangiti ngunit agad din napuksa ng madako ang tingin kay Ibarra na katabi si Maria Clara.

(Tumahimik lahat ng siya ay maupo) Padre Damaso: Mukang may mahalaga kayong usapan nang ako'y dumating? Bakit hindi ninyo ipagpatuloy?

Alkalde: Binanggit ni Ibarra ang mga taong nakatulong sa kaniyang mapagpalang panukala at sa kaniyang arkitekto at sa inyong Raverencia.

(Tumawa ng tumawa na may kasamang panunuya) Padre Damaso: Wala akong nalalaman sa arkitektura. Ngunit pinagtatawanan ko ang mga arkitekto at mga tangang kamuka nila. Ang simbahan tingan ninyo, ako mismo ang gumuhit niyan. Ayon nga sa ingles na mag-aalalahas na nakituloy sa aming kumbento ay nakapahusay daw at napakapulido ng pagkakagawa. Iyon ay ginamitan ko lang ng konting pag-iisip.

(Napansin ang pananahimik ni Ibarra) Alkalde: Kailangan ang isang eksperto para sa pagpapatayo ng isang gusali.

(Agad pinutol) Padre Damaso: Ano bang perito ni peritas ang sinasabi mo? Ang nangangailangan ay iyonh taong higit pang tanga kaysa mga Indio. Ang mga Indio ay nakapagpatayo ng sarili nilang bahay na hindi nangangailangan ng arkitekto. Ang isang paaralan ay binubuo lamang naman ng apat na lalagyan ng isang bubong na sawali.

(Tumayo si Ibarra at mabilis na sinapak ang padre. Galit na inihiga ito at inipit gamit ang paa sa leeg, mabilis na kumuha ng kutsilyo sa hapag at itinutok sa Padre)

Lalake: Maghunos-dili ka ginoo!

(Hindi pinansin ang mga nagkakagulo) Ibarra: Ngayon ako naman ang magsasalita. Matagal na akong umilag at nagtimpi sa paring ito. Dinala siya rito ng Diyos. Ngayon siya'y hahatulan ng Diyos. (Hinihingal)

(Nais lumapit ng mga kawani at sumaklolo ngunit natatakot sila sa patailim) Ibarra: Huwag kayong lalapit. Natatakot ba kayong marumihan ang aking kamay ng maruming dugo? Ngayon ako naman ang inyong pakinggan. Ang ama ko ay marangal na tao. Isa siyang mabuting mamamayan at ulirang ama. Naglingkod siya ng tapat sa ating bayan. Nagtiis ng hirap para sa isang anak na tulad ko. Ang aming tahanan ay bukas ang pinto para sa mga taong humihiling ng tulong sa kaniya. Isa siyang mabuting kristyano. Ang kaniyang iniisip ay para sa kabutihan ng iba. (Pinanlakihan niya ng mata si Padre Damaso) Ang padreng ito'y lagi niyang pinapakain at ipinapaasikaso tulad ng isang kaibigan. Ngunit ano ang kaniyang iginanti? Ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan bilang prayle. Siniraan niya ang aking ama at ginawa niyang kasangkapan ang mga taong tanga para siya'y mapahamak. Pinausig mo siya at binilanggo. Ultimo ang kaniyang libingan ay hinamak mo. Iniwasan kiya, nilayuan. Kanina lamang ay ako'y iyong hinamak sa iyong pulpito. Nagsalita ba ako? Pumunta ka rito para ako'y awayin. Nagsawalang-kibo ako ngunit patuloy mo paring inalipusta ang aking ama. (Mahinahong galit) Kayong mga nariritong mga pari, hukom at makapangyarihan, nakita ba ninyo kung paano magpakasakiy ang isang ama para sa inyo? Nahiwalay na ba kayo sa piling ng inyong ama dahil sa kagustuhan nitong mapunto ang inyong buhay? Gaano kasakit para saakin ang mapalayo dahil gusto niyang makapag-aral ako sa ibayong dagat? At napakasakit saakin na namatay siya sa bilangguan habang ako'y nasa ibang lupain. Ang higit pang masakit sa akin at nang matuklasan ko na wala na sa kaniyang libingan ang aking ama. Hanggang sa libingan ay hinahamak nito ang pinakamamahal ko sa buhay! Bayan, kayo ang humatol sa taong ito. Karapat-dapat siyang mamatay!

(Itinaas ang patalin at handa nang wakasan ang buhay ng pari. Pumagitna si Maria Clara sa kanila.) Maria Clara: Crisostomo. (Nabitiwan ni Ibarra ang hawak na kutsilyo at mabilis na tumakbo palayo)

-END-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ano ang ABC?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon