BESTFRIENDS (One Shot)

142 4 0
                                    

by: GoddessAthena_25

No part of this story can be copy, reproduce or the list without the consent of the author.

Ang mga pangyayari at karakter sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang at walang kinalaman sa tunay na pangyayari.

_______

Sabi nila, pag natagpuan mo na raw yung isang taong magiging kaibigan mo and at the same time mahal ka at mahal mo rin siya, ikaw na daw ang pinaka masuwerteng tao sa mundo. Kasi nga daw wala ka nang hihilingin pa. Biruin mo may girlfriend ka na, may bestfriend ka pa?!

Pero paano kung ang bestfriend mo na mahal ka ay hindi isang tipikal na babae o lalaki lang? Paano kung kasama siya sa itinuturing nila na third sex? What if she is a lesbian? Yeah, you heard me right. She is really a lesbian. Would the story turns to a happy ending? Or the sad one?

I'm Alexis and yeah, I am a lesbian. Let me tell you the story of me and my bestfriend. 

--------

First day of school ko ngayon sa high school. Well, actually may kakilala na naman ako sa school na ito. Mga classmate ko sila dati nung elementary. At yung isa, si Kara. Magkasama kami ngayon sa isang section. Gulat nga ako kasi bakit napunta siya dito sa section D, eh matalino naman yun. Pero ganito kasi kapag first year ka pa lang, first come first serve. Pero pag higher level na base na sa grades mo ang sectioning.

Anyway, nandito na ako ngayon sa room namin katabi ko na si Kara. Hinihintay yung teacher namin at yung iba pang magiging kaklase namin.

Napalingon kami lahat sa babaeng papasok na ngayon sa room namin. Maganda siya. Hindi, sobrang ganda niya. Papunta siya sa row namin ni Kara.

"Ahm, hi! May nakaupo na ba dito?" tanong niya sakin habang nakangiti. Mas lalo siyang gumanda sa ngiti niya.

"W-wala pa. Sige dito ka na umupo sa tabi namin." sabi ko sa kanya. Nauutal talaga ako. Ang swerte ko naman, first day of school... kagandang nilalang ang nakita ko.

"Hi, ako nga pala si Kara. Ikaw, anong pangalan mo?" pagpapakilala sa babae ni Kara

"I'm Althea. Thea na lang for short." sabi nito at nakipag kamay kay Kara sabay tumingin siya sakin. Jusko! Matutunaw ata ako sa ngiti niya.

"And you?" tanong niya sakin

"Ah! ahm-- I'm A-alexis. Alex na lang Hehe" nanginginig ang kamay ko nang iabot ko sa kanya upang makipag kamay. Ang lambot ng kamay niya.

"Nice to meet you guys, then." sabi pa nito at ngumiti na naman. Hay! Hobby niya ba ang ngumiti nang nakakatunaw?

At yung mga classmate namin, sa kanya talaga nakatingin. Grabe, para tuloy siyang artista. 

Pagkalipas ng ilang sandali ay dumating na din ang teacher namin. As usual, yung mga ginagawa lang sa unang pasukan ang mga ginawa namin. Ang pagpapakilala sa harapan. Nice! Pero okay pala tong si Thea eh. Makulit din pala siya. 

Lumipas ang mga araw naging close na kaming tatlo nina Kara, at si Thea. Ang hyper ng babaeng to. Nakaka good vibes. Nandito kami ngayon sa canteen. Grabe, kung makatingin yung mga lalaki dito, akala mo kakainin na nila si Thea. Kung lalaki lang ako, liligawan ko na to para wala nang makaporma sa kanya eh.

"Teka Thea, bakit dito ka nga pala pumasok sa school na 'to? Ang yaman mo naman. Bakit dito mo gustong pumasok?" tanong dito ni Kara habang kumakain na kami. 

Nakapunta na kasi kami sa bahay nila. Wala lang niyaya lang niya kami dun. Sobrang laki ng bahay nila. At isang anak lang din siya kaya nga nagtataka nga din ako kung bakit dito siya nag aaral eh. Hindi naman sikat tong school namin. Kung ako mayaman, dun na ko papasok sa pinakamagandang school ng bansa.

BESTFRIENDS (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon