(Hahaha yung picture nila sa taas oh my god)
So May 14, 2016. Marami naman akong gustong sabihin. Sobrang laput na ng birthday ko. Pero jusko alam mo ba kung anong meron sa araw na yun? Utang na loob. Final exams namin yun. Pwede na ako magpakamatay sa Friday.
"Lord handa na ako." yan lagi kong sinasabi sa utak ko pag may mahirap na pinasasagutan samin.
5 years na lang sana yung Nursing. Nakapagpahinga pa sana ako ngayong bakasyon. May tulog sana ako.
PERO WALA EH.
Isipin mo yun. Tatlong taon kaming mag-aaral na nay summer classes. Pasakit? Yes. Gusto ko bang ma-achieve yung goals ko? Yes. Nakakapagod ba?
OO UTANG NA LOOB OO.
Pwede na ako magbebenta ng laman loob para lang magkapera ako. Ayaw ko na ang hirap magcollege nakakaiyak.
Una sa lahat di ako bagsak. 1.86 GWA ko jusmio. Purkit may Summer classes bagsak na agad? Hindi ba pwedeng may summer kami kasi required? Grabe kayo magjudge ang sakit. Kahit mga nakakasabay ko sa tricycle/multican tinatanong ako kung bakit ako may klase ng Summer (with disappointed looks on their face)
"Ga, may bagsak ka?"
Tatlo lang yung gusto ko sabihin sa kanila:
a) Wala po. Required po kasi sa course ko.
b) Hindi po! Utang na loob bat mo ba ako pinakikialaman.
c) Mataas po grades ko gusto mo bang i-enumerate ko pa?Pero alangan namang maging bastos ako diba? Option ko is lagi sa A.
Huhuhuhu nakakaiyak. Gusto ko na magpadrop. Utang na loob.
BINABASA MO ANG
Kagaguhan 2016
Non-FictionMga napagdaanan ko ngayong 2016, parang journal na hindi, mga kwento sa tungkol college life, sa mga kaibigan, sa sarili, academics at extra curricular activities. Sa pagfa-fangirl, rants tungkol sa kung saan-saan. Isang makaling Kagaguhan. Walang k...