Promise

770 57 48
                                    

Limang buwang puro awayan

Isang linggong suyuan

Isang buwang ligawan

Ilang buwang awayan at batian

Ngayong araw na to

Dalawang taong pagmamahalan ang tumagal

Hayy grabe ang tagal na pala namin ni Turn

Ang akala kong napakaimposibleng taong mamahalin ko dati ngayon heto kami dalawang taon nang magkasama sa saya at hirap ng relasyon namin.

At sa two years na to I'm one hundred percent sure that he's the one for me. Mabalis na kung mabalis para sa inyo but my heart screams his name and only beats for him.

Andito ako sa mall habang inaantay siya para sa date namin. Manonood kami ng sine. Yiieee kilig naman ako

"Panget!" -_- Ok nawala na kilig ko.

Pero syempre joke lang yon. Syempre mahal ko yung tumawag sakin non eh ahihihi!

Yuckk! Ang cheesy :3

Well Panget kasi ang tawagan namin. Napaka sweet na endearment right? -_-

"Hoy panget ka! Kanina pa ko nag aantay dito!"

"Sorry naman traffic kasi eh tara cinema na tayo?"

Tumango nalang ako at sumunod sa kanya papunta ng sinehan di nalang ako makikipagtalo kawawa naman pawisan eh mukhang napagod sa biyahe.

Pero kasi...

Hindi niya pa ko binabati eh.. Sana naman hindi niya nakalimutan ako kasi nag aya sa kanya sa date na to eh.

Bumili muna kami ng doughnut at kape sa Krispy Kreme. Hindi kasi kami mahilig sa popcorn at softdrinks.

Tahimik kaming pumasok sa loob at pumwesto sa gitna. Medyo nakakatampo kaya siya.

Nagsimula na yung movie. Wengya "THE BOY" pa napanood namin grabe ang bitter ng panahon ah ano? February na Halloween pa din? -_-

"Hey restroom lang ako"

Tumango nalang ako bilang sagot sa kanya. Bahala siya hindi niya talaga naaalala???

.......

30 minutes na wala pa din siya????? Ano yon??? Sobrang haba ng pila sa cr????? O baka naman na jebs na yun -_- hay nako

Tumayon ako para lumabas ng sinehan nang biglang namatay ang mga ilaw.

Dafffkkk! Takot ako sa dilim! Huhuhuhuhu Tuuuurrrnnn!!! Di na ko galit! Balik ka na dito pliiitthhh????!!

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko baka kasi mamaya mahulog ako dito.

Pero parang nakapagtataka naman yata ? Wala man lang nag react nang mamatay yung ilaw???

Dafffkkk uliiitt!!! Wag mo sabihing bangungot to??!?ga multo ba tong mga kasama ko dito sa sinehan???! Waaaahhh !!!! Ayokoo naaaa pleaaseeeee!!! Huhuhuhuhu

Kinurot ko ang sarili ko para magising ako.

"Ah!" Nyemay gising ako di to panaginip. Pero bakit kasi walang nag iingay!????!?!!?

"U-uhmm. A-ate? Kuya? May t-tao ba diyan? S-sira po ata yung ila-w?" Tanong ko at nagbabakasakaling mga takot din tong mga kasama ko. Pero wala nanamang sumagot.

Maya maya'y nagsimula na akong manginig nang biglang nagbukas ang malaking screen.

Anyare?? Plain colored white lang meron ?

Promise (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon