Promises were meant to be broken

532 48 48
                                    

5 Months after nung ginawa niyang surprise para sa akin and yes we're already engaged.

Alangan namang mag 'NO' pa ko noh sobrang swerte ko na sa boyfriend ko. He's handsome, sweet, caring, honest, talented, responsible at marami pang ibaaaaaaa. Pero syempre ang pinaka mahalaga namang factor sa lahat ay yung mahal namin ang isa't isa.

Nandito nga ako ngayon sa isang botique shop para masukatan para sa ipapatahi naming wedding gown ko.

We decided na 4 months from now ang kasal. Excited ehh

Pauwi na sana ako nang biglang nag text sa akin si Turn.

From: Panget :P :*
I'm here at KK near the church can we talk? I have something to tell you.

Huh? Medyo kinabahan naman ako sa text nito or maybe I was just overreacting again? Wala pa nga eh.

Hindi ko na lang siya nireplyan at dumiretso na agad ako kung nasaan siya. Nakita ko naman agad kung nasaan siya.

"Hoy panget anong sasabihin mo?" Tanong ko

Bakit ganun yung itsura niya? Parang lasing? Ang pula ng mata niya at ang gulo pa ng buhok niya. Ano nanaman ba pinag gagagawa nito. Hindi ko tuloy maiwasang mag alala.

Imbis na sagutin ako ay tinitigan niya lang ako nang blangko niyang mga mata.

"Hey Turn ano bang nangyari sayo ha? Bakit ganyan yang itsura mo? Galing ka ba sa bar?" Tanong ko ulit sa kanya pero isang smirk lang ang natanggap ko mula sa kanya.

Ano bang nangyayari sa kanya?

"Hoy sagutin mo nga ako!" Sabi ko ulit pero medyo napapataas na yung boses ko.

Bahagya akong lumapit sa kanya para amuyin siya.

"So galing ka nga sa bar."

Bakit ba kasi hindi nagsasalita to?!

"Turn ano ba?! Bakit ba hindi ka nag sasalita diyan?! Bakit mo ba ko pinapunta dito?! Akala ko ba may sasabihin ka!" Sa puntong to masasabi kong parang napapasigaw na talaga ko nagtitinginan na kasi yung ibang mga tao dito sakin.

"Tss so what kung galing ako sa bar? Ano? Magagalit ka nanaman bubulyawan mo nanaman ako? For pete's sake Up! Hindi na ko bata! I can do whatever I want! At wala kang pake dun!"

Nagulat ako sa inaasal ngayon ni Turn. Walang pake?! Ako?!

"What the hell Turn?! Walang pake?!! Let me just remind you! I am your fiance! At may karapatan akong malaman kung nasaan ka kung anong mga pinaggagagawa mo at magalit sayo at pagsabihan ka! And why are you acting this way?! Hindi ka naman ganito ah!" And there hindi ko na talaga napigilan yung sarili kong sigawan siya, konti nalang talaga mapapaiyak na ko.

Bago pa tuluyang lumabas tong mga luha ko ay dali-dali na kong lumabas sa shop at nag drive na pauwi.

Dumiretso ako sa kwarto ko at doon hinayaang kumawala lahat ng iniipon kong luha.

Bakit ba kasi nagkaganon yung usapan namin? Eh nagtext lang naman siya sakin na kakausapin niya ko, sumunod lang naman ako ah. Hayy engaged na kami pero bakit lagi pa din kaming nag aaway? Anlabo mo naman Turn eh. Pero hindi, baka pagod lang talaga si Turn at kaya siya nagpunta ng bar ay dahil sa gusto niya lang kalimutan kahit saglit yung problema niya sa trabaho. Tama, yun nga yun. Pustahan maya maya lang magtetext sakin yan at magsosorry. Oo tama yun nga.

Umayos ako sa pagkakahiga ko at pinunasan nag luha ko.

Smile Up, smile. Tama, antayin mo lang mag tetext na yun.

Promise (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon