Nostalgia

27 0 0
                                    

Copyrights © Agelious 2016


Katherine

It's been 3 years since I broke up with him. Sana naging maayos yung desisyon ko. Sana naging matapang ako. Sana kami pa rin hanggang ngayon.

"Kaattss, ok ka lang?" Sabi sa akin ni Karlos.

"Oo naman."

"Iniisip mo pa rin ba siya?" Kilala na talaga niya ako. Mula ng magbreak kami mas naging close ako sa kanya.

"Hay naku. Kalimutan mo na, nagmove on na yun sa'yo eh panigurado. Magboyfriend ka na lang ulit"

"At sino? Ikaw? Yuck."

"Kadiri ka. Ano tayo? Incest? Ma oh. Ang kakambal ko may pagnanasa sa akin. Sobrang gwapo ko talaga." Hinampas ko na lang siya. Kadiri talaga siya.

"Umalis ka na nga sa kwarto ko. May ginagawa ako nang-iistorbo ka." Itinulak ko na lang siya palabas.

Hay salamat. Lumabas din ang maingay. Minsan talaga napapagkamalan kaming magbf-gf. Magkamukha po kami oh?

Gumagawa ako ngayong ng resume kasi magsisimula na akong magtrabaho. Kakagraduate ko lang kasi ng college.

Pero di ko parin siya malimutan.

Hay..wag mo na siyang isipin.

Ng matapos ko ang resume napag-iisipan ko na pumunta sa mall. Wala lang. Makapasayal pasyal lang.

Habang naglalakad ako napabunggo ako sa isang lalaki.

"Ah sorry." Sabay naming sabi. Nagulat ako. Siya ba to?

"Oy Ate Kaattss. Ikaw pala yan." Yung kapatid niya nasa harapan ko.

Ibig sabihin nandito din siya? Shit shit shit. Kailangan ko ng umalis.

"Ah..pasensya ka na ah? Sige mauna na ako." Sabi ko at aalis na sana ng may nagsalita sa likuran ko.

"Sino yang kausap mo? Diba sabi ko wag kang lalayo. Tayo na." Shit talaga.

"Ah eh kuya si Ate kasi." Umalis ka na dyan Kaattss. Baka mapansin ka pa.

"Anong ate? Eh ako lang naman ang kapatid mo tayo na nga."gustong gusto ko ng umalis pero gusto ko siyang makita.

Ng wala ng magsalita lumingon ako at paalis na sila. Kaso, may pasan pasan siyang babae sa likuran. Naiiyak nanaman ako. Ang hopeless na. Hindi na nga niya ako mahal.

Shit. Grabe. Tagos eh. Ramdam na ramdam ko yung sakit. Para akong binugbog.

"Hoy miss. Natatae ka ba?" Tiningnan ko ng masama itong gwapong lalaki na nasa harapan ko. Gwapo na sana eh.

"Tumigil tigil ka nga. Wag mo akong kausapin." Tinalikuran ko na lang siya. Pwede namang 'Okay ka lang miss?' Diba? Kailangan natatae? Ganun na ba mukhang nagluluksa ang mukha ko?

Pumunta ako ng CR at naglabas ng sama ng loob. Umihi lang ako okay? Hindi ako tumae. Pagkatapos naisip ko na kung umuwi na lang kaya ako wala na-- "Hoy!! Tumae nga oh." Ano ba't basta basta na lang ito sumusulpot? Pati talagang inakala pa niyang tumae ako ah?

"Hoy ka rin! Pwede bang wag mo na akong sundan pa?" iniwanan ko na lang ulit siya.

Ayoko talaga ng mga taong ganun. Pakialamero. Pati ba naman pagtae ko pinapakealaman niya?

"Eh pano kayo magkakabalikan ni Josh niyan?" Napatigil ako. How did he know that?

"Pano..?" Nakangisi siya sa akin. Sht. Sino ba talaga siya?

Nostalgia (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon