We've been together for 7 years. Wow. Sa panahon ngayon, bihira na lang ang couples na umaabot ng ganito katagal. Pitong taon. Ang iba, pitong buwan, pitong linggo, pitong araw, pitong oras at ang pinakamalala, pitong segundo.
FLASHBACK
Nagsimula kami noong 4th year high school. Transferee siya non. Hindi ko naman aakalaing magiging close kami eh. Hindi naman kami yung para sa ibang stories na magkaaway sa simula tapos magkakainlove-an sa huli. May mga bagay na pinagkakasunduan namin pero meron din naman kaming pinag-aawayan. Pinagkakasunduan namin? Pareho kaming music lover at marunong din sa arts. Minsan, nagluluto din kami pag gusto namin. Pinag-aawayan naman namin yung kung saan kami kakain. Sa restaurant ba o sa kwek-kwekan. Kung Miami Heat ba o San Antonio Spurs.
Ganyan lang kami araw-araw. Hanggang sa isang araw, narealize namin na hindi pala namin kayang hindi kasama ang isa't isa. Na may spark sa tuwing nagkakatinginan kami. Na may fireworks na sumasabog sa tuwing magkausap kami. Niligawan niya ako. Sinagot ko siya after 7 months. February 7 naging kami :') Naks. Hindi naman ako masyadong mahilig sa 7 noh? HAHA. Actually, favorite number ko talaga yan since I was a kid. Ewan ko nga rin eh.
Anyway, yun nga. Naging kami. Masayang-masaya kami. Legal din kami both sides. Close na nga mga pamilya namin eh. Minsan nga, parang ako na ang anak ng mga magulang niya. Tapos siya naman ang anak ng mga magulang ko. Magpalit na lang kaya kami ng mga magulang noh? HAHA.
Noong college, hindi naman kami masyadong nahirapan kahit medyo LDR ang peg. Related ang course na kinuha namin. Architecture ako, siya naman Civil Engineering. Naks. HAHA. Bagay na bagay daw talaga kami sabi ng iba. Marami nga ang naiinggit saamin. Ewan ko nga rin kung bakit ganon ang sinasabi nila. Sa tingin ko nga, normal na couples lang kami. Naghaharutan, nagtatawanan, nag-aasaran minsan nag-aaway. Pero hindi kami naghihiwalay. Kung may pinag-awayan kasi kami, kailangan lang talaga namin na lawakan ang pang-unawa. Inoopen ang side ng isa't-isa tapos pag-uusapan namin. Number 1 rule yan sa relationship namin. Kailangang may tiwala sa partner. Minsan din pala, sa sobrang busy namin sa school, nawawalan kami ng oras sa isa't isa. Pero hindi ibig sabihin nun eh nagkakalimutan at nagkakalabuan na kami. Minemake sure namin na magkaroon ng araw para mag-bond kaming dalawa pambawi sa mga araw na hindi kami magkasama.
Actually, mas----
"Ehem. Iniisip mo ba ako at nakangiti ka mag-isa diyan? Ang gwapo ko talaga." Napatigil ako sa pag-rereminisce at pagkukwento nung narinig ko boses niya. Inangat ko ang tingin ko. Napangiti ako. Ang gwapo niya talaga.
"Ang lakas din talaga ng tiwala mo sa sarili mo noh?" Sabi ko na natatawa-tawa pa.
"Hindi naman. Nagsasabi lang ako ng totoo. Totoo naman diba?" sagot niya naman with matching pogi pose pa.
"Oo na. Hahaha. Baka umiyak ka pa." Nagtawanan na lang kami.
"Kamusta?" Tanong niya.
"Wow. Makatanong 'to parang hindi tayo magkasama kagabi ah?" Okay, ang layo ata ng sagot ko. Haha.
"Eh siyempre, baka namiss mo ako diba."
Ang hangin talaga ng isang 'to. Buti na lang totoo naman yung sinabi niya.
"Sus. Binabaliktad mo naman ata eh. Ikaw nakamiss sakin." biro ko.
"Syempre naman. Kung pwede lang sanang ilagay kita sa bulsa ko para kasama kita araw-araw, ginawa ko na." sabi niya sabay pout. Awww cute.
"Edi ilagay mo picture ko sa wallet mo para malagay mo sa bulsa mo. Hahaha." Natawa siya sa sinabi ko.
"Corny mo talaga." sabi niya tapos ginulo buhok ko.
"Mahal mo naman." Dugtong ko.
"Mahal na mahal." :"""">
"Ano ba yan, ang cheesy natin! Hahahaha. Kamusta ka nga kasi?" binalik niya nanaman yung tanong niya.
"Okay lang ako. May tinatapos lang akong design ng isang condo. Ikaw, kumusta?"
"May isusurvey akong lupa mamaya. Gusto mong sumama?" Ayos 'to. Buti na lang wala na akong gagawin mamaya.
"Sige sige. Ano'ng oras?" aba, buti na yung alam ko kung anong oras kami aalis diba.
"Mamaya. Mga 5. Susunduin na lang kita." Tumango ako.
***
Pumunta na kami sa lugar na sinasabi niya. Wow. Namangha ako. Parang pinaghalong city at province. Nasa city naman talaga kami eh pero yung environment parang nasa probinsiya. Fresh na fresh ang hangin. Cool. Parang gusto kong magpatayo ng bar dito. Yung bar na makakapagrelax ka talaga.
"Wow." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya tapos humarap sakin. Medyo kinamot niya batok niya. Parang may sasabihin pero nag-aalangan.
"Wag ka magalit ha? Medyo nagsinungaling kasi ako sayo kanina. Hindi naman talaga ako magsusurvey dito. Isusurprise lang sana kita." Sabi niya na parang sobrang guilty sa ginawa.
Ngumiti lang ako at hinawakan kamay niya.
"Ano ka ba, ayos lang yun noh. Pero mas okay pa rin kung hindi magsisinungaling."
"Bigay satin 'to ng mga magulang natin. Ano ba gusto mong ipagawa dito?" Pag-iiba niya ng topic. Aba, umiiwas ang loko. HAHA.
Nag-isip ako. *ting!*
"Ano, gusto ko sanang magpatayo ng bar dito. Tapos papangalanan nating space bar." Sabi ko na kumikinang-kinang pa ang mata.
Natawa kami parehas sa naisip kong pangalan.
"Ano ba yan, ang adik mo talaga sa computer. Ouch. Nakakaselos." pag-aarte niya na may kasama pang hawak sa dibdib na parang nasaktan sa sinabi ko.
Kinurot ko na lang siya.
"Haha. Ano ka ba. Ang drama mo." Ngumiti siya. "Seryoso ka na ba diyan?" tumango ako.
"Oh sige, tutal architect ka naman ikaw na magdesign. HAHAHA" Aba, nang-aasar pa 'tong isang 'to.
"Di mo ako tutulungan?" pagmamaktol ko.