Hakbang Tungo sa Pagbabago

117 0 0
                                    

Hanging nakasusulasok,sa atin ay sumasamyo,

Hinagpis ng kalikasan,idinaraing sa iyo.

Elementong mapanganib,ngayon ay nadaragdagan,

Karbong ating ginagamit,marapat na limitahan.

Bagay na pinakawalan,epekto'y pangmalawakan,

Polusyon sa ating hangin,pag-init ng sanlibutan.

Pighati ng kagubatan,tila'y walang magagawa,

Ano nga bang mangyayari,kung tayo'y tutunganga?

May'rong simpleng sanhi lamang,epekto'y kapansin-pansin,

Mabuting ito'y iwasan,kaysa ito ay wasakin.

Ipunla ang mga binhi,isantabi ang mga sasakyan,

Karbon ay gamiting tama,bunga nito'y pag-isipan.

Kabataan ng daigdig,halina at kumilos ka,

Problema'y mawawakasan,kung tayo'y sama-sama.

Kalikasa'y alagaan,huwag nating pabayaan,

Karbong iyong ginagamit, marapat na limitahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hakbang Tungo sa PagbabagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon