Jheda's POV"San na kaya yung bruha na yun! Nagtampisaw na naman ata sa kanal hahahaha"
"Trulaley kapatid!! Matabang isda sigurado ang nabingwit nun!"
"Makasigaw naman tong bakla na to!! Kainis yung babae na yun di ako sinama! Asar!!!" Sa isip isip ko.
"Hindi man lang siya nagpaalam sakin Pandora! Aba!! Kung di dahil sakin!, wala siyang pera ngaun!, ako ata nagpasok at nagturo sa kanyang gumiling!"
Naiinis talaga ako. Kumuha ako ng stick ng sigarilyo at nagsindi kahit hikain pa tong baklang to.
"AYYY!! maryosep Jheda!! Yang usok mo! Dun ka sa kwarto mo!! Letse kang babae ka alam mong hinihika ako diyan! tinawag mo pa akong Pandora! Ilang beses ko bang sinabi sayong Dorie ang itawag mo sakin!
"Hahaha anong Dorie? Doray nalang kaya? Di kaya Pando? Ano ba naman kasing nakain ng magulang mo?! Kalalaki mong tao Pandora pangalan mo hahahahaha"
"Sige manglait kapa! Bata palang tayo ganyan kana! Pasalamat ka nga nung matsugi magulang mo di kita iniwan! Tapos gagawin mo lang pala akong tsimi aa!! Kalorkey ang byuti ko sayo inday!"
Lumabas nalang ako sa kwarto ni Dorie habang tinatawanan siya. Totoo ang sinabi niya, mula pagkabata siya na ang naging kasama ko. Napadpad kami dito sa maynila dahil narin sa katangahan ko, at nadamay pa siya. Maaga akong naglandi, yung naka una sakin ang nagdala sakin dito. Ma's matanda siya sakin ng 20yrs,sabi niya sakin dito kami bubuo ng pamilya. Sayang saya ako nun. Nakiusap pa akong isama si Pandora. Pero yung bumuo ng pamilya palang sinasabi niya ay isang mudos!! May Casa pala ang animal! At gawain na talaga niyang kuhanin ang loob ng batang tulad ko noon para madala sa Casa niya. Pinagtrabaho niya ako bilang puta sa putang inang casa niya!Kapalit ng hindi nya kami paghiwalayin ni bakla. Duming dumi ako nun sa sarili ko pero katagalan ay nasanay nako. Pasalamat nalang ako at nabuntis ako ng mga demonyong nagparaos sakin. Pinalayas ako nung animal kong ex bf!. Buti nalang at palihim akong nagtatago ng kita ko nun kaya kahit papano nakaupa kami ng bahay. Nalaglag din yung nasa tiyan ko,di narin ako nanghinayang dahil bunga siya ng kasamaan. At dahil bata pako nun,nag apply ako sa isang my class na club. Maganda din naman ako kaya agad akong natanggap. Doon nagsimula ang swerte ko hanggang sa makapundar ako ng bahay. Ngayon ay 30 nako at nagtratrabaho parin sa bar. Isa akong mangmang, nakalimutan ko naring mag aral. Ito lang ang trabahong alam ko. Nakilala ko si Carmina tatlong buwan na ang nakararaan. Isa siyang probinsiyanang tulad ko. Naloko daw siya ng isang recruiter pa ibang bansa at tinangay lahat ang pera niya. Inalok ko naman siyang sumama sakin. Medyo matapang at malakas si Carmina. Nang inalok ko siyang magtrabaho sa bar ay pumayag agad siya. Hindi narin pala siya birhen. Probinsiyana man siya pero napakaganda at malakas ang sex appeal ni Carmina, sa edad na 21. Lagi niya akong sinasama nung una at nung pangalawang buwan,pero nung pangatlong buwan nagiging makasarili na siya. Hindi na niya ako sinasama at ang masama pa nabawasan ang inaabot niya saking pera.
Naputol ang pagbabalik tanaw ko ng may marinig akong pumasok..
"Carmina..."
BINABASA MO ANG
"Patawad Ko May Huli Na.."
RomanceA story about Sex , Deception & Selfishness For the sake of.... HERSELF....