"Zenneth!! linisin mo yung kwarto ko" sigaw ni tita mich sakin."opo tita hugasan ko muna po yung pinggan" sabi ko naman.
"unahin mo munang linisin to" sigaw ni tita mich.
"Zenneth!!!! ayusin mo nga tong higaan ko" sigaw ni tita Lan.
"opo tita" agad akong umakyat sa room ni tita mich.
"bat ang tagal mo? bwisit kang bata ka ang bobo mo pa naman, mabuti pat maging pokpok ka nalang magkakapera ka pa ang tamad mo pinapaaral ka ni mama pero ang tamad mo wala kang utang na loob" sabi ni tita mich sabay duro sakin.
"nag hugas pa kasi ako ng pinggan eh, bakit ba--"
"sumasagot ka talaga wala ka talagang utang na loob, mabubuntis ka ng maaga kagaya ng nanay mong walang kwenta" sabi niya.
tumahimik nalang ako at naglinis ganyan talaga sila akala nila magagaya ako sa mama ko, simula ng mapunta ako sa bahay na ito puro sama ng loob ang abot ko, oo mabait sila minsan pero kaunting mali ko lang ang dami na nilang sumbat di nila inaalam kung ano ang nararamdaman ko.
------------p