chapter 1

25 0 0
                                    

'Babe punta ka sa condo. Kailangan kita. '

Nang mabasa ko ang text sakin ni August ay dali-dali akong lumabas sa condo ko at kumatok sa kabilang pinto. Magkaharap lang ang condo namin kaya ewan ko lang kung bakit pa niya ako kailangang itext.

Kakatok pa sana ako ng bigla na itong bumukas at bumungad sakin ang may pasa at sugat na mukha niya.

"Oh my god!-- Anong nangyare sayo babe?! " Natataranta ako kasi ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ni minsan hindi ito nasasangkot sa gulo dahil ito na mismo ang umiiwas kaya laking gulat ko kasi bugbog sarado ito sukat na alagang-alaga nito ang mukha niya.

He remain silent at direderetsong umupo sa sofa niya at problemadong hinilot ang sintido nito. Sinara ko ang pinto atsaka tumabi kaagad sa kanya. Rinig ko ang mahihina niyang mga hikbi. Hinimas-himas ko ang likod niya.

"Babe.. Itinakwil na ako ni daddy.. " mahina nitong sabi sakin na ikinagulat ko. Nalaman na ba ni tito na baluktot na lalake si August?! Wait! -- pano naman nalaman ni tito?

"Shh... Tahan na babe.. Kahit anong mangyare andito lang ako.. Hush..." comfort ko sa kanya dahil patuloy lang siya sa pagiyak. Hay... Sinabi na nga ba't darating rin ang araw na ito. Na malalaman ni tito ang tunay na pagkatao ni August. Pero alam ko.... Alam ko na matatanggap din itong si August balang araw.

Niyakap niya ako at patuloy na umiyak sa braso ko.. Kawawa naman tong bestfriend ko. Kahit na tigasin at mukhang lalake sa panlabas na anyo, ako lang ang nakakaalam na babae ito pagdating sa loob.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.

From: My love-oh-so-sweet-boyfie

'Gummy bear, Let's meet up in our fave location ;) ASAP! I love you sooo very very much! :* <3

Your one and only Gummybear,
R. B'

Shocks! Pano to? Kailangan kong makipagkita kay Rader pero pano si august? Aish!

To: My love-oh-so-sweet-boyfie

'Gummybear may emergency kasi kaya hindi ako kaagad makakapunta diyan. Next time promise pupuntahan kita kaagad. I love you <3 '

Tama ba tong desisyon ko? Wala na eh nasend ko na. Atsaka problemado ngayon si August kaya kailangan niya ako. August need me. Pwede ko pa namang makasama si Rader bukas ah.. Just this once..

Unti-unti nang huminto si August kaya humiwalay na siya sakin.

"Thank you babe ha.. Alam mo naman na walang nakakaalam na dyosa itech. Pero ngayon na nalaman na ni daddy pinalayas na niya ako. Binugbog pa ako ni daddy kaya may sugat at pasa ako. Ang shaket nga eh.. Kaloka hindi ko itech makeri. Buti nalang at naplanuhan ni watashi na magipon ng pera kung baka sakaling palayasin itech ni erpats. " natatawa niyang litanya. Bilib din ako sa isang to eh.. Malaki na nga ang problema nagagawa niya pang tumawa at ngumiti. Kaya mahal ko tong bestfriend kong to eh.

"Ikaw naman. Okay lang yun! Ano pang silbi ng friendship natin kung hindi kita sasamahan sa mga problema mo? Kaya tahan na! Teka--gamutin muna natin yang mga sugat mo. Naku! Sayang ang ganda mo! " biro ko sakanya kaya in the end tumawa kaming dalawa.

Pagkatapos ko siyang gamutin ay aalis na ako pauwi sa condo ko. Nasa labas na ako ng pinto ng bigla akong yakapin ni August sa likod. Naku~ ganito talaga kami pero walang malisya yan! Sabi nga niya samin hindi kami talo!

"Thank you sa lahat babe... Mabuti nalang nandiyan ka.. "

Ngumiti naman ako atsaka hinawakan yung kamay niya. Matagal ko na tong matalik na kaibigan. Magkaibigan sa kalokohan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon