Chapter 1

38 2 2
                                    


Well? Kilala mo ko, yung tanga sa kanto na tinutusok-tusok at 'di nasasaktan. Manhid ako. Takot nang magmahal.


Fishball, kahit yan hinuhugotan mo?

-

"Just give me another chance to wait." tugon ko.

2014.

'What are your learnings' nakasulat sa kwaderno.

Sinagot ko, 'I've learned to love her' isinulat ko na nagyayabang sa grammar. Ang sarap pakinggan kapag inuulit-ulit kong sabihin ang mga katagang yun.

"I've learned to love her." inulit ko.

Kung baga, nafefeel mo na may nagmamahal sayo. Eh ang saklap lang pakinggan kung napahiya ka sa sentence mo.

Vowels, noun, past tense, extemporaneous speech, blending of words, bleeding of nose. Lecheng blender yan! Pati blender dinamay.

"Mendoza." kalma at mahinhing boses na nagsalita.

Tiningnan ko yung isinulat ko. 'Di ko na napansin ang paligid. Napaisip at nagmumukha ng tanga. I am overthinking.

Nagsitawanan yung mga taong nasa paligid ko. Namalayan ko na pala na nasa harapan ako, isang studyante sa publikong eskwelahan, nakaupo sa isang malinis at bagong silya, arm chair. Hawak ang isang lapis na kasing haba ng dalawang stick ng lollipop. English class. Heneral Luma, ang napaka-careless na teacher sa buong high school teachers. Alam mo bakit Heneral Luma? Tang ina! Hindi lang sa wala siyang pake siya magturo, eh ang luma-luma pa ng mga gamit. Lumang damit, lumang sapatos na size ni Barney ang suot, lumang mukha kasi nagtuturo na siya dito nung 'di pa ako pinanganak, lumang salamin sa mata na parang mas matanda pa sakanya. Luma from head to buhok sa talampakan. Kaso lang mabait at mapagbiro. Diehard fan din ni Heneral Luna, talagang gusto niya na mabuhay ulit ito dahil nakita niyang may kakayahan siyang maging presidente at mapapaunlad ang bansang ito. Kaya yun. Magedi-wow kana. Boring eh no?

"Mabuhay si Heneral Luna!" sigaw ng mga sundalo sa TV.

Pero makakawala ka sa impyerno saglit kung nakita mo sa schedule niyo na siya na ang magtuturo. Konting biro lang, no more betlog grades na. Ito lang yung mataas sa grading card ko, yung iba, nakakamatay tingnan sa baba.

Tumawa si Trixy. Malapit kong kaibigang babae, the closest, na mala-apartment (flat, british english ng apartment) ang dibdib. Tumatawa papunta sa kanyang upuan. Nakita ko nalang ang nakasulat sa board habang natatawa tong matandang tukmol na 'to.

'Zane gave himself a poop.' nakasulat sa board.

"Talking about *coughs* refle-- *heavy cough* reflexive pronouns, pronouns that *mega cough* refer to the--" turo ng matanda.

Blablabla. Ayan ubo ng ubo, karma. Tumatawa parin yung iba habang tawa ng tawa si Trixshit. Nararamdaman ko na parang nagkasalubong na ang dalawang makapal kong kilay habang tinitingnan ang babaeng patag. Eh kasi ang talagang 'di ko gusto yung napapahiya ako sa maraming tao. Sarap pumatay ng tao gamit lang ng lapis ko na 'to kapag sobrang napahiya ako.

Bumalik tingin ko sa harapan. Kunyareng nakikinig kasi pinangako ko sa matanda na makikinig na sa mga tinuturo niya. Natahimik na. Seryosong nakikinig ang iba, bigla ko na namang naisip ang nakasulat sa kwaderno.

'I've learn to love her.' inisip ko ulit.

Nalilito ako. 'Di alam ang gagawin. 'Di mapakali.

'Punyeta! Di ako mapakali sa grammar ko! Tama ba 'to? Sobrang bobo ko na ba talaga? San ba utak ko? Hoy gumana ka! Sapakin kita eh!' nagtatalong mga salita sa isipan ko.

"However, though they look the same, *clears throat* they are actually different." mala-amerikanong accent na pagturo niya.

"Wag kang umasa kung 'di mo alam ang totoo, pinapaasa ka lang ng mga mata mong akala mo'y katotohanan lang ang nakikita mo." hugot na dagdag niya sabay ubo sa huli.

Ewan ko ba dito, ubo ng ubo. Sa hugot niya, 'di kayang umilag eh, nasasapol at masasapol talaga ako. Yung nakakarealize ka at dinibdib mo ang mga ganyan na tagos buto't laman ang mga salita. That's reality though.

*Bell rings*

Tumayo kaming lahat nang matapos na ang klase, nagpaalam at ayun, hihintayin na naman ang susunod na guro. Talagang maingay kapag walang impakto sa harap, strict din dito kahit papano. Napansin kong nabobored ako. Kinuha ko ulit ang kwaderno ko, pinasok ko kasi sa bag. Binuklat ito at tiningnan ang sulat-kamay ko. Nabwebwesit ako. Kahit ano mang anggulo ka titingin o kahit ikot-ikutin, babaliktarin ang mundo, sulat-paa na yung mga naisusulat ko.

Binuklat ko sa ibang pahina. Nakita ko na naman yung nakakasabog utak at kalamnan na isinulat ko. Mukhang tama naman ah? Basta! Eh kung tagalog?

'Natutunan ko siyang mahalin' itinagalog ko.

Napaisip. Natamlay at gumaan ang pakiramdam ko.

Nagising ako sa tunog ng lintek na bell na yan! Nakaidlip ang munting tanga. Walang lumitaw na gurong pangkalawakan ang taray. Buti naman, puno na ng chalk ulo ko kapag dumating yun. Whoooo swerte mong inutil ka!

Inayos ko gamit ko. Napansin kong may tumatawa at umakbay saken. Kinukutya ako. Sarap tong sapakin eh kung 'di pa 'to kamukha ni Angel Locsin pango version? Tagal na 'tong nasa kabaong, pinaglalamayan ng walong kalabaw dahil sa patag niyang dibdib. 'Di naman sa panlalait, ipinagpala siya niyan eh. Hahahaha. Natatawa ako neto. Hahaha! Pero dapat magalit, wag tumingin sa ilong at sa patag.

"Tara na! Hahaha." natawang sabi ni Trixshit.

"San? Upakan kita diyan!" galit na sagot ko.

Kaming dalawa nalang ang naiwan sa loob ng impyernong classroom na 'to. Iniwan ako ng mga barkada ko. Hays sanay nakong iniiwan. Napansin kong ang aga nilang lumabas.

"Sa bride-to-be mo. Hahahaha." kutya niya.

Ibig sabihin niya si 'her'. Kinikilig ako hanggang langit kapag siya ang tinutukoy.

Torpe nga pala 'to. Problema talaga ng marami.

Uwian na. Nakita kong maraming tao sa gate, mga estudyanteng may bitbit na cartolina o malaking papel. Ewan ko ba diyan. Naglakad kami, papalabas na sa gate. Nakita ko si Chrissy, si 'her'. Lumalumabas yung mga butterflies sa tiyan ko't nilipad ako sa langit sa tuwing makikita ko siya ngunit nagbago ang lahat sa nakita ko.

"Hala?" nagtatakang tanong ni Trix.

Speechless na nakaclinch kamay ko.

"TANG. INA." walang ganang pagbanggit ko.

-

Mahal ka ni TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon