sana maintindihan niyo ! thankyou ! 😊
Part I
2nd year ako 😊 Masaya pa to kiligan pa hahaha 💙❤💚💛💜One night, nasa school pa ako kasi nagprapractice kami magvolleyball (volleyball player ganern haha). Matapos ang practice uwian na kasabay ko si atenay (ate/nay tawag ko sa ate ko na friend hihi) May katext yung atenay ko na lalaki magkikita kasi sila that time. Nakalabas na kami ng school naglalakad na kaming dalawa papuntang kanto para makipagkita sa katext ni atenay. Naghahanapan sila atenay tsaka yung lalaki. May nakita ako na dalawang lalaki sabi ko ayun ba atenay ? (tinuro ko) Sabi ni atenay hindi daw sabi ko naman ay hindi ba pangit nu (pero joke lang hahaha). Tapos sabi ni atenay "ay oo yun na pala yun" sabi ko ah yun na ba ??! 😅 (oh my hahaha) then tinawag na ni atenay syempre nagkita na sila. Naglalakad na kami papuntang sakayan ng jeep sa kanto. Naguusap na din sila atenay tsaka yung lalaki (ako lakad lang haha) Nasa sakayan na kami maghihintay na ng jeep. Nasa tabi lang ako ni atenay tinitignan ko (pero hindi naman actually na nakatingin nakikita ko lang sa side ng mata ko) yung dalawang lalaki lalo na yung isang kasama nung katext ni atenay. Naguusap sila atenay tska yung katext niya. At pinakilala ako ni atenay sa dalawang lalaki. Sabi ni atenay si Sophia pala, Sophia si Peter tsaka yung pinsan niya nagsmile lang ako 😊 Pinakilala naman ni Peter (katext ni atenay) yung kasama niya si John pinsan ko, nagsmile at naghi naman siya. Matapos yun nagusap na ulit sila atenay at si kuya Peter kaming dalawa ni John nasa magkabilang tabi lang nila (hahaha) kaya naghihintay nalang ako ng jeep. Nagkaroon na ng jeep sasakay na ako pauwi (hinintay lang ako makasakay hihi) Naiwan sila atenay, Peter at John nagbye at nagkiss na ko kay atenay nagbye naman ako sakanila na nahihiya (hahaha) Pasakay na ko sabi ni atenay magtext daw ako sakanya pagkauwi ko sabi ko "opo bye 😊"
Pagkauwi ko ng bahay nagtext na ako kay atenay sabi ko "bahay na po ako" nagreply si atenay "good nak" (minsan nak tawag sakin ni atenay kaya my nay sa dulo tawag ko sakanya 😊) nagtext ulit si atenay sabi "my boyfriend ka na daw ba tinatanong nung pinsan ni Peter" sabi ko "po ? hahaha" nagreply "si John nagtatanong kung my bf ka na daw ba" sabi ko "bakit ? wala po, siya po ba merong gf ? (nyahaha) reply "wala daw" ako (wala na kong reply hahaha)
Kinabukasan sa school sa my pathwalk, si atenay katext pa rin si kuya Peter. Magkasama na kaming lahat nila atenay, ako, triz, chiel, ella (yung tatlo friends din namin) (naaalala ko lang dito tinawagan ni atenay si kuya Peter para itanong si John at tuksuhin kami haha) nagkwento si atenay tungkol kagabi kay tila triz, chiel at ella. Tapos nun nagklase na kami.
Gusto daw ni John kumain kaming apat sa labas. Go naman ako kasama si atenay. Gabi na yun pinakilala namin yung dalawa naming friend kay tila John at kuya Peter. Sila Triz at chiel yung pinakilala namin pero parang nagmamadali si John dahil pinapauna na sila triz at chiel ako naman parang 😮 nagulat. Nagulat din sila triz at chiel sa sinabi ni John. Kaya ayun galit na galit si triz kay John hanggang ngayon. Ayaw ni triz ky John para sakin dahil parang may kakaiba daw. Pero ako go pa din. Ayun na kumain na kami sa labas treat ni John syempre magkatabi ang magloveteam haha si atenay tska si kuya Peter at ako tska si John. Hindi ako makapagsalita kasi nahihiya ako nagsign language ako nubg kianakausap ko si atenay hahaha. Umorder na. Hinintay namin. Kumain na kami. Natapos na kaming kumain naglakad lakad kaming apat pauwi (haha lakadtrip) habang naglalakad my mga tao syempre my aso din tumabi ako kay John hanggang sa gitna na ng kalsada kami kasi takot ako sa aso haha. Hinatak ko siya tapos nagsorry sa nangyari sinabi ko sakanya na takot ako sa aso parehas daw kami ni atenay hahaha tawanan nalang kami. Hinatid ako sa sakayan ng tricycle pero di ko pinaabot kasi yung lolo ko nandun kaya naghintay kami ng tricycle na walang sakay (gosh takot din ako sa tricycle magisa) no choice my tricycle na sumakay na ko nagbye na ako sakanila nagkiss na din ako kay atenay. Syempre magtext daw ako pagnakauwi na.
(yung iba nakalimutan ko na gusto ko na magmove on !!! 😞 ✌ hahaha)
Nung 3rd year ako. Wala siyang paramdam pero yung kuya niya si kuya Peter nirarak yung fb niya. Chinachat ako pero si kuya Peter ang nagchat talaga gamit lang fb ni John. Ako naman si tanga masaya nung nagchat si John di ko alam si kuya Peter yun. Sa chat, kamusta ka na? nagreply naman si tanga "ok lang ako ikaw ? (with matching 😊 face pa) nagreply siya (excited ako makita kung ano reply niya ang kaso) eto sagot niya "sorry di ako nagchat sayo" (yung feeling na ganyan wow naman talaga uyyy 😭)
Tapos nagchat ulit siya pero si kuya Peter nanaman yun nirak nanaman fb ni John. Naghi sa chat. Ako naman di ko nanaman alam na rak ulit yun nagreply ako hello. Tapos nakita ko nalang sa status ni John "nirak nanaman yung fb ko ni kuya Peter !! kainis !!" Ayan ang bumungad sakin inulit ulit kong basahin nasaktan ako syempre umasa ako na chinat talaga ako ni John pero hindi pala 😔 hayyy !
Dun nagtapos yung paguusap namin na wala lang pala.
Advice: Kaya sa susunod wag basta basta makipagchat sa taong mahal mo na hindi ka naman mahal este makipagchat sa taong di mo alam baka nakarak lang yung fb niya ! ganoin ! hahaha..
Part II ------------- this way ----------->>>>>>>
BINABASA MO ANG
Paasa Umasa
RomanceThis is a true to life story again Here we go again heartbreaks hahaha well that's life !