Continuation .......
Nagtanong ako "anong oras na ?" Sabi niya "15 minutes before 5" sabi ko "hala mag 5 na ? Uwi na tayo" sabi niya "ayaw mo na magtime zone ?" sabi ko "mag gagabi na" sabi niya "sige na uwi na tayo baka mapagalitan ka pa" naglakad na kami palabas kaso mali pala haha pumasok ulit kami sa kabilang side pala yung sakayan haha. Nagtanong siya "saan tayo sasakay ?" sabi ko "saan yung papuntang bayan ?" sabi niya "bus pa bayan fx pa zabarte" nagisip ako kung saan. Sabi ko "sa bus nalang" sabi niya "sure ka ? tatayo tayo dun kapag walang maupuan" savi ko "oo sure ako" sabi niya "kinakabahan siya oh" sabi ko "hindi ah haha" my bus na tumakbo kami para makasakay agad. Nakasakay na kami ayun nakatayo haha pero ok lang my bumaba naman pinaupo niya ako dun sa tabi niya kasi dun yung my bumaba siya nakatayo pa din. Kinuha ko yung dala niya kasi nakatayo na nga sjya my hawak pa nahihiya ako haha. Sabi ko sa isip ko sana my bumaba sana my bumaba buti nalang bumaba na yung katabi ko after mga ilang minuto ayun magkatabi kami hinawakan nanaman yung kamay ko. Sabi niya "sandal ka sakin inaantok ka na db" "Nakakaantok ba ko kasama" tanong niya, sabi ko "hindi nu ganitong oras kasi ako minsan natutulog kaya inaantok ako" Inaantok na ako pero kinakaya ko pa din haha kasi nahihiya ako sumandal sa balikat niya ahaha. Tumitingin tingin ako sa labas nalang para di antukin. Nanunuod nalang din ng tv (my tv kasi sa bus pero my mga nakatayo nasa likod kami kaya medyo di ko makita yung tv haha) Nagtatanong ako sakanya kung malapit na ba ? sabi niya di pa daw. Nakita ko yung katabi ko sa left side nakatingin sa kamay namin parang ang bitter ng mukha hahaha (sorry na haha) 3 seats kasi yung bus sa left side (side namin) 2 seats naman yung sa may right side namin.
Ilang minuto pa nagtanong ulit ako sakanya kung malapit na kami. Sabi niya "malapit lapit na daw" Ilang minuto pa malapit na kami, tumayo na kami para makapgready. Bababa na kami. Gabi na kinakabahan na ako baka kasi nandun sila tita sa bayan para bumili ng ipaghahanda sa birthday ni lolo, syempre sa bayan sila bumibili ng mga gulay at mga sahog sa lulutuin. Hindi ako tumitingin sa mga tao magkahawak pa rin kami ng kamay ni John. Malapit na kami sa sakayan ng jeep papunta sa amin (hinatid lang ako ni John sa sakayan) Lalo akong kinabahan dun kasi wala namang nakakaalam na siya yung kasama ko. Malapit na ako magbayad ng pamasahe si John uuwi na nagpaalam na siya sabi pa naman "kiss ko ?" (sheet lang kinabahan ako ng malala dun) bineso ko lang siya hahaha tapos ako kiniss niya sa ulo lang naman. Pawis na pawis ako sa kaba hahaha (hayyyy) Nagpaalaman na kami tapos sabi niya "ay iuwi mo nalang tong cokefloat sa kapatid mo wala namang iinom samin nito" sabi ko "ha ? wag na sayo na yan mapapagalitan lang ako dun pagnakita yan" (sa isip isip ko sheet ayaw pa umalis kinakabahan ako ng malala ee) Nakaalis na siya maayos na pakiramdam ko hahaha. Nagtext si mama "san ka na ? gabi na ha" reply ako "pauwi na po" Nagtext ako kay John "Ingat ka paguwi ha thank you ngayong araw 😊, sorry naubos pera mo dahil sakin sorry talaga" nagreply siya "ingat ka din ok lang wala naman akong pinagkakagastusan para sayo ok lang 😊"
Nakauwi na ako ng bahay nagcr ako iniwan ko yung cp ko sa kama ko. Hiniram ni mama yung cp ko hindi ko inaasahan na magtetext si John sabi sa text "ano sabi ng mama mo?" di ko pa alam yun na nagtext sinabi lang ni mama na "nagkita ba kayo ni John ? Kasama mo ba siya kanina ?" ako 😮😰😓 sabi ko "hindi ah di nga po kami nagkikita nun ee" (ohmy hayyyy liar ! huhu 😭) sabi ni mama "ano yung sinasabi niya na ano daw sabi ko ?" (nakalimutan ko na yung sinagot ko ee move on na kasiiii hahaha )
Magkatext pa din kami hanggang January kaso nga lang ang cold na niya sakin tapos yung fb niya pa di ko na maview di ko na rin makachat. Minsan text ako ng text sakanya di siya nagrereply. One time nainis na ako sa kanya. Nagsabi na ako ng "hindi ka na nakapaghintay nu ayaw mo na di ka na nagtetext blah blah ganoin !" Nagreply siya "ha anong pinagsasabi mo ? sorry busy ako sa work kaya di na kita natetext ng madalas" (gabi na siya nagreply) Hanggang sa malapit na yung christmas sabi niya my nagugustuhan ka ba dun sa pinagoojthan ko (eto yung time na nagoojt ako simula nung last week ng october hanggang december 24) sabi ko meron crush pwede daw ba malaman kung sino ? sabi ko si sir Paulo. Napapasaya ka naman niya ? Tanong niya, sabi ko "yung totoo kapag kausap o pagnakikita ko siya masaya" (atleast honest ee siya hindi !) So pwede na pala kitang pakawalan sabi niya, sabi ko "hindi mo na kinaya nu kaya mo sinabi yan hayyy iba naman yung crush sa mahal diba ?? pero ikaw kung anong gusto mo ok lang"
(yung iba nakalimutan ko na move on na kasiiiiiii !!!! hahaha)
nagbatian naman kami ng merry christmas and nung new year
tapos nun wala na 😔
wala ng paramdam ! blinocked na ako di ko na maview fb niya .. birthday niya pati yung pinsan niya binati ko yung pinsan niya ng happy birthday sa inyong dalawa ng kuya mo nagthankyou naman siya .. pero siya binati ko din naman kaso ibang number lang gamit ko sana di niya alam yung number ko sa globe hahaha .. matapos yun 3 days after sinearch ko ulit fb niya sa fb ko wala na hindi ko na makita sinearch ko din sa isa ko pang fb ( haha meron pang isa di ka makakatakas haha charot !) ayun ! nasearch ko ! dali dali kong clinick yung fb niya pagkabungad "IN A RELATIONSHIP" huwaaaat !!! kaya naman pala ayun umagos ng umagos yung mga luha ko ayaw tumigil wala akong sound umiyak kasi tulog na sila mama gabi na din kasi yun .. iyak ako ng iyak hanggang sa pagtulog ko pero kinabukasan wala ng luha ee malungkot lang ako nagiisip isip dun sa nangyari 💔💔💔 ang sakit sa puso lang grabe ! promise literal na sumakit puso ko siguro dahil pinipigilan ko n magkaroon ng sound yung iyak ko .. october pa pala niya ko niloloko meron pa siyang lakas ng loob itext ako ! sana nagsabi nalang siya para ako na yung lumayo agad ! my gosh !
bakit ganun ! sinungaling niya ! paasa siya !!!! PAASA !!!!!!!
binuksan ko yung fb ng babae nya kahapon narealize ko ang panget pala ni John pumangit siya promise tanong niyo pa kay triz nakita niya din ! nasabi ko nalang bagay nga sila ng gf niya ! (nyay hard hahahaha) chos ! pero wala na
May sinasabi ako sakanya na hindi ko sinasabi kung ano yun ee hahaha
"asdszeretlekjkl" yan ang tinetext ko :) ang meaning niyan ay
"I love you" sinasabihan ko siya niyan pero di niya alam kasi nga ibang word hahaha ^_^ adik diba hahaha.. yung word talaga ay "szeretlek" walang asdjkl hahaha.. para di niya talga malaman kaya ko nilagyan nun :) sira diba ?! alam kong igoogle translate niya ee hahaha.. alam ko namang hindi niya makikita to kaya ayan sinabi ko na here :) hahaha..
KUNG SAAN SIYA MASAYA
MASAYA NA RIN AKO 😊
MAGMAHALAN LANG SILA
PERO TANDAAN
WALA PA RING FOREVER !!!!!SABI NGA NILA
KAPAG MY UMALIS
MY DARATING
KAYAHAPPY LANG !!!!!!!! 😊😀😁
PAASA 👊 UMASA 💔 STORY
sorry yung iba nakalimutan ko na MOVE ON NA KASIIIIIIIIII !!!!!!! HAHAHAHA
thankyou sayo kasi binasa mo :)
corny nu pero totoo :)
Godbless po 😇-END-

BINABASA MO ANG
Paasa Umasa
Lãng mạnThis is a true to life story again Here we go again heartbreaks hahaha well that's life !