Sa Paglubog ng Araw, Ikaw pa rin ang Gusto kong Makasama
Pearl EmoryAuthor's Note
Hello sa lahat!! Eto ang una kong story sa wattpad. Sana pag-aksayahan niyo ng oras ang story na 'to at sa mga susunod pang mga kwento... kung may magagawa pa ako. Hihi! Enjoy na lang sa pagbabasa at thanks in advance!*sorry sa mga typo errors tamad talaga akong mag edit.*
"I'm sorry, Nina."
Walang siyang sagot hanggang sa talikuran siya nito at naglakad palayo. Pinanuod lamang niya ang papalayong si Martin, ang boyfriend niya, ay mali pala, ex-boyfriend niya dahil nakipagbreak na nga pala ito sa kanya.
Bumuntong-hininga na lamang si Nina habang pinagmamasdan pa rin si Martin.
"Ano ba yan, Mart? Ilang buwan pa lang tayo ah." Inumpisahan din niyang maglakad. Ng paatras. Nakikita pa rin niya ang likod ni Martin na unti-unti na din nawawala dahil sa patuloy niyang paglalakad ng paatras.
Matagal din niyang pinangarap si Martin kaya tuwang-tuwa talaga siya nang manligaw ito sa kanya. Wala pang isang buwan ay sinagot na niya ito."Angdami-dami ko pa namang iniisip na gawin kasama ka," wika niya ng mag-isa. "Gusto ko sanang panuorin ang sunset doon sa rooftop ng school kasama ka. Mag-out of town." Tuluyan ng nawala sa paningin niya si Martin. "I even bought two tickets for that stupid movie you told me you wanted to watch."
Di bale. Dadating din siguro ang panahon at ang tamang lalaki para sa kanya. Iyong hindi siya papaasahin. Iyong hindi lang panandalian. Iyong tutupad sa mga plano niyang manuod ng sunset, o kahit sunrise pa yan, at sasamahan siyang mag-out of town o kahit sa mga mall lang, okay na sa kanya. Ang importante iyong magmamahal sa kanya.
"Dadating din siguro iyon- ay!"
Dahil sa paatras niyang paglalakad ay hindi niya alam na may tao na pala sa likod niya. Haharap na sana siya dito nang maramdaman ang pagkalat ng malamig na likido sa kanyang likod."Oh my God!" singhap niya.
"Oh my God!" bulalas din ng lalaking iyon.
"Oh my God! Oh my God!" paulit-ulit na sabi niya habang hinihila ang damit upang makita ang nangyari doon ngunit hindi naman niya makita.
"God! I'm so sorry miss."
Noon niya napagtuunan ng pansin ang lalaking iyon. Nakita din niyang nasa lupa na ang basong marahil ay hawak nito kanina bago siya nabunggo.
"Hindi ko sinsadya, pasensya ka na."Sa pangalawang beses sa araw na 'yon ay nakatanggap nanaman siya ng 'sorry'. Mas malala ngayon dahil nadale pati uniform niya. Doon na sumabog ang lahat ng frustration niya.
"Hey, hey. 'Wag ka namang umiyak." Nababahalang wika nito.
Pero mas lalo siyang naiyak. Bakit ba ang malas niya ngayon?
"Wala ka bang gagawin, kundi mag-sorry?" Sumbat niya habang umiiyak. "Akala mo ba okay na kung nagsorry ka? No! Your apology wont fix your action! Nasaktan mo pa rin ako!"
Nabalot ng pagtataka ang mukha ng lalaki dahil sa sudden outburst niya. Kay Martin niya dapat lahat sinabi iyon. Si Martin dapat ang sinusumbatan niya. Pero wala na si Martin, kaya sa taong ito ngayon siya magbubuhos ng sama ng loob kahit na hindi siya nito maintindihan.
"Alam mo bang angdami-dami kong plano?! Paano na ang mga 'yon ngayon?!"
Napakamot ito sa batok. "Ahm, miss. Puwede ka namang magpalit ng damit mo, eh.""Magpalit? Akala mo ba makakalimutan ko itong ginawa mo kapag nakahanap ako ng iba? And you think its just that easy?"
"Miss, I don't really understand you. Damit mo lang naman ang nadisgrasya ko."
BINABASA MO ANG
Sa Paglubog Ng Araw Ikaw Pa Rin Ang Gusto Kong Makasama
RomanceSa Paglubog ng Araw, Ikaw pa rin ang Gusto kong Makasama Pearl Emory Cute lovestory about Caius and Nina na siguradong magugustuhan niyo.