SIMULA
"Okay, thirty minutes and were done!"
Biglang lumigaya ang kaloob-looban ko. Walang katapusang shooting ang sinipot ko ngayong araw. It's ten and I'm already beat.
"Selena, focus on the camera! "
galit na utas ng lead photographer namin. Kairita ang isang to ah. Ang alam ko Novah ang pangalan niya. Sungit. Di naman nagrereklamo ang ibang camera man.
Kahit gusto ko siyang irapan hindi ko na lang siya pinansin at tumingin sa ibang cameras. Gusto ko ng makapagpahinga and arguing with him would waste a time.
Pero as the photoshoot goes on, i can't help looking at him. Masakit sabihin but he looks so..
cool.
Him being serious as that with his camera is too much to get all the women's attention kaya siguro laging pinapatahimik ng organizer ang ibang models at staffs.
Pwede nga rin palang model ang masungit na 'to coz he's tall and good looking(pwe)
Pero sayang siya. Suplado. Hindi siya magtatagal sa isang agency kung lahat niya susupladuhan.
"Last shot, smile."
After that shot. He suddenly pack his things, signal na tapos na ang thirty minutes. Hindi man lang tumingin sa'kin, suplado talaga! kainis!
"Let's pack up guys!"
Napabuntong hininga na lang ako.
I heard some of the staffs clapped kaya napabaling sa kanila ang tingin ko. May mga model din na namangha. Lahat sila nakangiti maliban sa isang co-model ko (I'm sure dalawa sila kung hindi pa umalis si Mr. Photographer). Nakita kong masama ang tingin ni Chloe sa'kin at umirap pa talaga siya ha nang nagtama ang mata namin. Bitter siguro yun. Haay.. bahala siya.
"Good job Selena! " Lumapit ang isang nasa mid thirties na babae wearing a dark blue pencil cut skirt and a white long sleeves polo. She looks so intimidating kaya nalipat a kanya ang atensiyon ko. Siya ang President ng kompanyang nag-offer sakin ng project na 'to.
She smiled at gumaan ang loob ko sakanya.
"Oh my pleasure Mrs. Romero" Mahinhin akong ngumiti sa kanya. Lumapit din yung P.A. ko na may dalang tubig at towel. Kinuha ko iyon at nagpasalamat bago muling bumaling kay Mrs. Romero para magpaalam.
Nilingon ko ulit si Chloe pero wala na siya sa posisiyon niya kanina. "Ah pano ba 'yan? See you later. It's an honor working with the Queen." napabaling ako kay Mrs. Romero bago niya puntahan ang iba pang models. Tinatawag talaga nila akong Queen. Maybe because of my former project. Oh, I remember that project... haist. Umiling ako para mawala ang nasa isip.
Naramdaman ko ang panunuyot ng aking lalamunan kaya't uminom ako ng tubig.
"Selena!" I eyed the person who called me. It's Klark, co-model ko. Ibinaba ko kaagad ang boteng hawak para makausap siya. " Hey, mamaya ka na umuwi." Napakunot ako sa sinabi niya.
"At bakit naman?" I raised an eyebrow.
"Hygiene.."
Pagkasabi pa lang niya nun ay umiling na ako. "Nope." agaran kong sagot at agaran ko ring narinig ang angal niya. Akala ko naman may iooffer siyang project, mag-aakit lang pala sa Bar. " I'm really tired. Don't have time to party." " Okay. I'll take that. But next time I won't accept a NO from you."
"Okay. Okay. see ya!"
Kumaway ako sa kanya at nagsimula nang maglakad papunta sa dressing room. May mga staff akong nakakasalubong kaya nginingitian ko sila o di kaya'y tatanguan. Habang naglalakad, the thought of my last project came up to my mind again. Naramdaman ko na naman ang pamilyar na feeling na'yon. It makes me shiver and tremble. I blowed some air and brushed my hands together. I need to change. Naka sleeve less maxi dress ako ngayon at light make-up. Masyadong malamig ang suot ko kasi manipis lang ang tela.
"Uh.. Ma'am, bukas po pala ila-launch yung isang magazine niyo. Seven in the morning may magdedeliver nun. Saan niyo po ba ipapadeliver?" muntik na akong magulat kay Maricel.
"Sa Condo ko na lang." I uttered. Kanina pa pala siyang nakasunod sa'kin. Di ko namalayan kasi ang tahimik niya sa likod ko. Malapit na kami sa dressing room nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Na kay Maricel ito kaya iniabot niya sa'kin.
Nang nakita ko ang pangalan ni Harris sa screen, I swiped the red button at ibinalik ko ang cellphone kay Maricel.
"Ba't di niyo po sinagot?"
"Ex ko. Mangungulit lang yan." Napa tango tango na lang siya. Nang nasa tapat na kami ng dressing room, ako na ang pumihit sa doorknob. Ang alam ko ay may narinig ako mula sa loob pero huli na ang lahat bago pa ako makaresponde dito. Bigla akong naestatwa at halos maging bilog ang mata nang madatnan ko ang dalawa!
"Shit!"
Natauhan lang ako nang narinig kong nagmura si Novah. "Ay! Sorry. Sorry!" SHIZ! Umiwas agad ako nang tingin at mabilis na sinarado ang pinto. Napahawak ako sa aking dibdib na kumakalabog. Nakita ko.. Nakita ko si Chloe at Novah na ano...
"Bakit yun Ma'am?" Unconsciously akong napatingin sa walang alam na Maricel. Biglang nag-init ang pisngi ko. Bumalik ang imahe sa utak ko, si Chloe at Novah na magkapatong! Siguro'y gumagawa ng milagro!