Chapter 2

45 4 1
                                    

Chapter 2


Kahit na alam kong biglaan, hindi na ako nagulat sa request ni Haiden. I know this will happen soon at ngayon ang soon na'yon. He had planned this before at ako ang back-up niya mamaya.

"Ma'am, ito na lang po ang suotin niyo mamaya..."

Umangat ako ng tingin kay Maricel. Naka pleated skirt siya hanggang tuhod, puti ito na may kaunting green na mga bulaklak at brown na fit long sleeve shirt. Abot siko ang manggas ng kanyang damit. At may hawak siyang ang isang conservative na long gown. With her swaying well tailed hair and thick no-lens eyeglasses, she looked at me waiting for a response.

"Ikaw bahala." I answered. "I'm fine with your style, Maricel"

I again lowered down my head to continue what I'm writing. It's just a compilation of my drafts. Drafts about random things. At ngayon, napagpasyahan kong sumulat tungkol kay Maricel.

She has been my P.A. for almost a year at designer na rin. As far as I know, gusto niya raw maging fashion designer noong high school pa siya but her parents couldn't afford the college's bill that is why she end up working as my assistant. Patas naman akong magsweldo at dito ko na rin siya sa condo ko pinapatira. Isa siya sa mga nakikipagsapalaran dito sa Maynila. From her beloved province to this strange city.

Speaking of homes, I declined Hilda's offer na pumasyal ngayon sa bahay. Nakakahiya naman kung doon pa ako magtatantrums sa bahay with Lola and Hilda's parents. I'm still irritated about what happened in the parking lot. Kaya minabuti ko na lang na umuwi sa condo. At hindi nga ako nagkamali, I shouted in angst pagkapasok ko pa lang dito.

Damn him. May araw din iyan sa'kin.

I stopped writing and closed my notebook. Nawalan na ako ng gana. I slide the pen in the notebook's spring bago ko ito ibinalik sa drawer ng aking lamesa. With half force, I pulled myself out of the chair and stretched my arms.

"Oh.. That feels great.. " I mumbled.

I never thought sitting would make me this tired or maybe it's because of my work out?

I groaned and reached the bed. Maricel's already out and she left the gown hanged in my closet. I'm too tired to think. I let myself drowned by the foam until all my consciousness got blurred then black.

Nagising ako sa paulit-ulit na yugyog sa aking balikat. "Ma'am.. gumising na kayo.."

"Hmmm... " nagmulat ako ngunit halos blurred pa rin ang makita ko. " Wag muna..." antok kong sagot pero patuloy niya lang akong ginambala.

"Ma'am" ulit ni Maricel " Nandiyan na po si Sir Haiden."

Para akong nakuryente sa narinig dahil napabangon akong bigla. "What the-" hagas kong tiningnan si Maricel na humakbang patalikod. "Anong oras na?!"

"A-alas sinco y media po.."

"Holy-!" mabilis kong tinanggal ang kumot sa aking baywang at agad na tumayo. Kinuha ko ang aking twalya at dumiretso agad sa banyo."Ready my gown. Bilis!" Utos ko kay Maricel ang she nodded immediately.

Napamura ako nang muntik na akong madulas sa CR kakamadali. Halos hindi ko na malaman kung anong uunahin, shampoo ba o soap? Mabilis lang iyon at nakalabas na ako ngunit ang problema ngayon ay ang pag-aayos ko ng buhok at mukha. Fuck, dapat talaga hindi ako natulog.

I quickly wore the gown that Maricel handed me. " Marunong kang mag-ayos ng buhok?" I asked her while doing my clothes. Nang tumango siya ay agad kong sinabi na ayusan niya a rin ako. Thank God! At bago pa mawala sa isip ko na nandito si Haiden, bumukas ang pinto ng kuwarto.

The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon