Advice para sa mga letseng hindi pa rin maka-move on dyan. Unang-una sa lahat, kung may pumatol man sa 'yo, kino-congratulate kita dahil isa ka na sa mga nagpatunay na wala talagang forever. At least 'di ba may naging kontribusyon ka rin kahit papaano.
Pangalawa, kung hindi ka maka-move on, i-delete no na aga-agad number niya. Tutal memorized mo naman number niya, iuntog mo na lang ulo mo sa pader para makalimutan mo. Very simlpe!
Pangatlo, iwasan ang mga bagay na nagpapaalala sa kanya. Kung ako sa 'yo, itapon mo na lahat ng mga bagay sa pamamahay niyo. Sunugin mo lahat ng ibinigay niya. Pati underwear niyang nasa 'yo pa rin, Go!
Pang-apat, kung maaari huwag mo na siyang i-stalk pa sa Facebook. Dahil sa katangahan mong iyan, nagmumukha ka nang talakitok na mukhang panda. Maawa ka naman sa sarili mo huwag ka nang magpuyat kaka-stalk sa kanya.
Panglima, huwag nang puntahan ang lugar kung saan kayo unang nagkita. Kung sa tindahan kayo nagkakilala, huwag mo sundin ang utos ng nanay mo. Explain mo kung bakit. Kung sa mall naman nabuo ang forever niyo, umalis ka diyan agad-agad. Sa sidewalk ka na lang mag-shopping. At isa pa, alam kong wala ka naman talagang pera e. Huwag ka ngnang pa-Richkid. Sa bahay ka na lang.
At panghuli, huwag ka nang mag-jowa pa! As simple as that. Para happy ang life. No jowa, no problem!
Ano? Magpapakatanga ka na naman bang letse ka!? Sinasabi ko sa 'yo.