Hahazoned (ONESHOT)

57.6K 1.9K 482
                                    

Copyright 2013 © Yeppeun

Hahazoned | One Shot Story

Comic strip version on multimedia! :) Thankyou @Areumdawo :">

FACEBOOK GROUP: http://www.facebook.com/groups/IstoryaheNiBlesie

•••

"Ryrie, mahal kita."

Sa wakas! Sa loob ng dalawang taon na tinatago kong mahal ko sya, naamin ko na rin sa kanya. Handa ako sa lahat ng isasagot nya, kahit na sabihin nyang hindi nya ako mahal okay lang sa akin. Pero alam kong masakit 'yun...

"Pffftt... Hahahahaha!"

Para akong bumagsak sa isang 696969th floor building, nasagasan ng isang malaking truck ng sampung beses. Ganun kasakit, mas masakit... Hindi ko inaasahan na tatawanan lang nya ako... tulad ng ginawa nya sa text at chat.

Pangatlong beses ko ng pag-amin sa kanya ito, noong una sa text pero tinawanan lang nya ako, pangalawa naman sa chat pero tinawana lang din nya ako tapos ngayon sa personal.. Akala ko mag-babago ang isasagot nya, pero tatawanan lang nya pala ako.

Naka-tingin lang ako sa kanya habang tumatawa, pinipigilan kong umiyak sa harap nya nakakatawa ba ang pag-amin na mahal mo ang isang tao? Sana sinabi na lang nyang hindi nya ako mahal kesa sa tatawanan lang nya ako, sana sinabi nyang layuan ko na lang sya kesa tatawanan lang nya ako.

Mas masakit pa lang tawanan ka lang pag tapos mong umamin na mahal mo ang isang tao.

"Hahahaha!" tawa lang sya ng tawa, halos napapahawak na sya sa tiyan nya. Alam kong abnormal sya pero hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari, marami akong inimagine bago ko aminin sa kanya ito, pero hindi ko naimagine na ganito ang gagawin nya sa'kin.

Dahan-dahan akong tumalikod, hinawakan ko ang strap ng back-pack ko. Sa pag-talikod ko unti-unting bumagsak ang mga luha ko.

Tangina, na-hahazoned ako.

•••

"Denise! Hahaha! Sabihin mo nga ulit 'yung sinabi mo sa'kin kahapon! Haha!" yan agad ang bungad nya pag pasok ko. Sanay na ako dyan, kami lagi ang nag-aasaran dito sa classroom namin, hanggang sa nag-kagusto ako sa kanya tapos humantong sa mahal ko na sya.

Hindi ko napigilan na hindi mafall sa kanya. Tapos mukang hahazoned pa ako ngayon.

Hindi ko sya pinansin, wala akong balak na pansinin sya pagkatapos nya akong tawanan akala nya okay lang ang lahat!? Mas matindi pa yata ito sa friendzoned, mas masakit pa yata itong hahazoned na 'to.

Matagal kang nag-ipon ng lakas ng loob tapos bigla ka lang tatawanan pagkatapos mong aminin sa kanya, nakaka-gago lang...

"Denise! Haha!" pati ba naman sa pag-tawag ng pangalan ko tatawanan lang nya ako? Lahat na lang ba tatawanan nya? Akala nya ba nakikipag-biruan ako?

Mahirap ng itago sakanya ang nararamdaman ko, sa tuwing inaasar kami ng mga classmate ko hindi ko mapigilan na hindi kiligin at alam kong halatang-halata 'yun sa'kin para naman may idea sya na mahal ko sya pero mas manhid pa yata sya sa isang bato. Hindi nya yata nararamdaman...

"Haha! Denise! Ulitin mo na please? Haha!" umupo sya sa tabing upuan ko, inilapag ko na ang bag ko at inilabas ang librong binabasa ko. Hindi ko pa rin sya pinapansin, pero tumatawa pa rin sya kahit wala namang nakakatawa.

Wala akong naiintindihan sa binabasa ko parang props lang ito para hindi ko sya mapansin, pero itong mokong na 'to mukang todo papansin.

"Ryrie, mahal kita--Pffftt.. Hahahaha!" tinakpan ko agad ang librong hawak-hawak ko sa muka ko, arrgh! Nakaka-hiya! Ginagaya nya pa ang boses ko sabay tatawa sya! Bwisit na lalaking 'to!

"Nakakainis ka!" sigaw ko sa kanya sabay bato ng libro. Tumayo na ako at lumabas ng classroom namin, narinig kong nag-"ayiiiee" ang mga classmate ko, kung dati kinikilig ako sa tuwing gumaganun sila pero ngayon naiinis na ako.

"Denise! Hahaha!" rinig kong sigaw nya, tangina! Mukang susundan pa ako ng bwisit na lalaking 'to!

"Teka Denise! Hahaha." biglang hablot nya sa braso ko, useless lang ang pag-lakad takbo ko.

"ANO BA!?" sigaw ko sa kanya, inis na inis na ako! Bwisit na lalaking 'to! Halatang nag-pipigil lang sya ng tawa, tangina mautot ka sana!

"Ulitin mo.. Hahaha! 'Yung sinabi mo hahaha kahapon hahaha!" halos tawa na lang ang naiintindihan ko sa sinabi nya. Nakakainis na sya!

"Ang gago mo! Tawa ka ng tawa! Anong akala mo nakakatawa ang ginagawa mo!? Eh tangina! Nasasaktan ako! Mahal kita! Mahal kita! Mahal kita! Mahal kita! Ang gago mo! Tapos tatawanan mo lang ako! Gago! Mahal kita! Oh ayan masaya ka na!?" sobrang inis na inis na ako. Halos napapatingin na ang ibang estudyante sa'min dito pero wala na akong pakialam sa kanila. Pinipilit kong tanggalin ang kamay nya sa braso ko pero ang higpit ng pagkakahawak nya.

"Hahahaha! Oo masaya ako. Hahahaha!" ayan na naman tatawa na naman sya. "Hahahaha---hahalikan na kita."

Bigla ko na lang naramdaman na may malambot na labi sa labi ko.

••• END •••

Hahazoned (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon