Chapter 2

3 0 0
                                    

Kabanata II

Sumaboy ang aking buhok sa akin mukha dahil sa ihip ng hangin. napabuntong hininga nalamang ako napangiti. This is life.

"Uhm. A-ano? Avery tapos kana nakabili kana? Gusto mong lumibot muna" Tanong sakin ni Mel na aking pinsan.

    Nasa bayan ako kasama ang Lima kong pinsan dahil nga sa utos ng aking ina na ilibot ako para hindi ako manibago.

  Tumango nalamang ako at sumunod para pumunta sa pickup na dala ni Josh.

Mga nagsisakayan na din sila.

  "Punta tayo sa glorieta! Maganda doon magaganda ang tanawin" ani ni kath at tingin sakin na parang naiilang.

"Kayo bahala" tipid kong sagot at kinuha ang binili kong pamalit na sim at naisalpak sa aking phone.

"Gusto mo?" Lahad sakin ni Mel ng isang pagkain na hindi ko alam ang tawag. Umiling nalang ako bilang sagot

"Ano bayan, Ang cold nya" bulong ni kath kay CJ na narinig ko.

"Tumahimik ka na nga lang! Nakakarindi boses mo eh" pabalik na sagot ni CJ at nilagay ang kanyang earphone sa tenga.

   May pagkamasungit talaga si CJ na kabaliktadan naman ni Josh na kanyang kapatid na lapitin sa babae. Si mel naman ay magaan ang aking loob dahil siguro ay sya lagi ang kumakausap sakin. Si kath naman ay may pagkamaarte at madaldal pero ayos lang naman at sinasabi niya talaga nararamdam nya kesa magpakaplastik. At yung isa ay si Carlos katulad ni josh ay malapit din sa babae.

"Nandito na tayo!" Excited na sabi ni mel at nilingon ako dahil sya ang nasa front seat.

   Tiningnan ko sa labas at di ko napansin na nandito na pala agad kami sa glorieta. Tama nga at para itong tagaytay dahil makikita mo mula sa itaas ang mga magagandang tanawin. Pinarada na ni Josh na syang nagdadrive ang sasakyan at mga nagsibabaan na kami.

"Doon tayo sa Nayon! Baka nandoon sina Ash!" Kinikilig na pahayag ni Kath at nagtungo na sa kanyang tinuro.

  Wala kaming ibang ginawa kundi sumunod nalang. Si Kath, Josh at carlos ang nauuna sumunod ay si CJ kasama si mel at ang nahuhuli ako. Pinasadahan ko ng tingin lahat ng nadadaanan namin dahil sa pagkamangha.

  "Damn chixx!" Sabi ni Josh at sumipol sa babaeng dumaan at sabay nilang sinundan ng tingin ni Carlos. NAgkatitigan sila at biglang humagalpak ng tawa sabay pang nagapir.

  Sabay sabay kaming napailing sa dalawa. Boys hays.

   Nadaan kami sa isang tindihan na puro street foods at nakita ang pagkain na tokwa. Napatigil ako at lumapit kung nasan ito.

   Tinitigan ko lamang ito at napangiti ng malungkot dahil sa naalala. Nagingilid ang aking luha ng may nakitang magkasintahan na kumakain nito na masayang masaya.

 

Napairap nalang ako ng bilga syang humarap ng nakakunot ang noo.

"Ayaw mo talaga?" Tanong niya.

"Oo" sabi ko.

"Ayaw mo talaga? Talagang-talaga?" Paulit niyang tanong.

Umirap ulit ako kahit kailan talaga napaka-kulit. "Oo nga ayaw ko nga sabi!" Nabubugnot kong sabi.

Ngumiti sya ng pilyo at lumabas ang kaniyang dimple "Okay. Ako kakain ako! diyan ka bahala ka!" Sabi niya sabay punta at upo sa karinderya.

Napataas ako ng kilay. Hays. Napakapilyo talaga nitong lalaking to.

Napatalon ako sa gulat ng biglang may humawak sa braso ko.

"Ano ba yan ry! Kala namin nawala kana. Tumabi ka lagi sakin ha! Ang ganda mo pa naman para maligaw" sabi ni Mel ng humahalaklak at nagningning ang kanyang magagandang mata.

"Sorry" tanging sabi ko.

"Bakit gusto mo ba niyan? Take out nalang natin mamaya paguuwi na" sabi niya.

"Ay hindi! Hindi! Natakaw tikim lang ako. Tara na" sabi ko at kumawala sa kanya.

Nagtungo na kami ni Mel kung saan man naroroon ang iba namin pinsan nakasama.

Help Me Fix My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon