Sayang

39 2 0
                                    

Lunes. Karaniwan nang tanawin ang mga estudyanteng nagmamadali sa pagpasok dahil malelate na sila. Naguunahang pumasok ng gate bago pa matarahan ng kanilang professor ang class card nila ng absent.Opps! Baka matarahan din ako, kaya nagmamadali akong umakyat sa 2nd floor building ng department namin. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at saka umupo. Nagtatawag na ng eskwela ang professor namin sa Psycho, buti na lang at nakahabol ako.

        Nang mapansin kong nakatulala si Martin. Best friend ko. Nilapitan ko sya, pro hindi nya ako napansin. “Martin, ok ka lang ba?” ang tanong ko sa kanya. Hindi nya ako kinibo at tuloy-tuloy ang kanyang pagmumuni-muni. “Martin ano ba?!” ang napalakas kong boses. “Ms. My problema ba?” ang tanong ng aming professor. “Wala po sir” yun nalang ang nasagot ko sabay batok sa best friend ko. “Aray!” ang sagot nya. Sa wakas natigil na din sya pagmumuni-muni nya. “Ok ka lang ba talaga?” ang ulit kong sagot. “Sa pagkakabatok mo sakin? Sa palagay mo ok lang ako?” ang nangingiti nyang sagot.Nagtaka ako.Sa ganung pagkakataon dapat babawian nya ako sa pagkakabatok ko sa kanya. “Best, ok ka lang ba talaga? My sakit ka ba?” ang sunod-sunod kong tanong sabay hawak sa kanyang noo. “Ano ba?! Ang kulit-kulit mo ha?” ang nangingiti nyang sagot. “Naku naman! Anong nangyari sayo?! Nasapian ka ba?!” ang pangungulit ko sa kanya. Pero nginitian nya lang ako. “Ano ba?! Nakakaasar ka na ha?!” ang patuloy kong pangungulit sa kanya. “Mamaya ko na lang ikukuwento sayo.” Ang sunod nyang sabi sa akin. May kakaiba akong pakiramdam sa kanya. Para syang ewan na palagi na lang nakangiti. Sabay bulong ng “Ililibre kita ng tanghalian”. Himala! Yun lang ang nasabi ko sa sarili ko.

        Tanghalian. Halos lahat ng putahe sa paborito naming karinderya ay inorder nya. “Oy! Hindi ko mauubos lahat to!” ang pigil ko sa kanya. “Mahaba kasi ang kwentuhan natin kaya dapat madami tayong kakainin” ang nangingiti nyang sagot sa akin. Hindi ko na sya kinontra pa, halatang masayang masaya naman sya.

        Habang naguumpisa kaming kumain. “Ano ba talaga nangyayari sayo?” ang ulit kong tanong sa kanya. “My girlfriend na ako.” Ang mahinahon nyang sagot. Natigil ang pagkakasubo ko sa pagkain ko. “Ano?!” yun lang ang nasabi ko. “Paano ka nagkagf?” ang sunod kong tanong. “San mo sya nakilala? Pano nangyari yun? Matagal mo na ba syang kilala?” ang sunod sunod kong tanong sa kanya. “Isa-isa lang ang tanong pwede?” ang nangingiti nyang sagot.

        Nakilala niya ang girlfriend nya noong sabado, Rio ang pangalan. Sa bertdeyan na kanyang pinuntahan nung sabado. Ah, yun yung araw na yun na inaaya nya ako, kaso madami akong paper works kaya hindi ako nakasama. Naging tampulan daw sila ng asaran at kantyawan hanggang sa di nya namalayan na sila na pala. Hindi na ako nakakain nun, pakiramdam ko nawalan na ako ng ganang kumain. Masayang masaya sya at ayoko namang hadlangan ang kanyang kaligayahan. “Sana maging masaya kayo” yun lang ang nasabi ko. “Salamat best.” Ang ngiti nyang sagot sa akin.

        Umuwi ako sa boarding house na aking tinutuluyan na para bang sinakluban ng langit. Hay, talaga bang hindi nagkakatuluyan ang magbestfriend? Ang tanong ko sa aking sarili, nagkibitbalikat na lang ako, inisip ko na lang na makakakita din ako ng para sa akin.

        Simula noon bihira na kaming magkita ni Martin. Busy sa GF nya. Bihira ko na syang makakwentuhan at makakulitan. Hay, nakakapanibago. Hindi ata ako sanay nang hindi sya nakakakulitan o nakakakwentuhan. Iba na ang priority nya. Masakit mang isipin pero hindi na ako ang babaeng kasakasama nya. Aray! Masakit pala. Hay, sana pala sumama na ako nung Sabadong yun, eh di sana hindi naging sila, hindi nya makikilala ang haliparot na babaeng yun. Napigilan ko sana ang pagkakataong maging sila at nang ako ang palaging kasakasama ni Martin. Nakakainis talaga!.

        “Reign, si Martin andun sa may park. Nagwawala!” sabi ng isa naming kaklase. Dali-dali ko syang pinuntahan. Halos madurog ang puso ko nang makita ko sya sa kanyang kalagayan. Nakaupo sya sa may maliliit na hakbang ng hagdan ng parke. “Martin? Best?” ang mahinahon kong sabi sa kanya sabay hawak sa kanyang balikat. Tumingin sya sa akin sabay iyak. Napayakap sya sa akin na para bang batang nagsusumbong. “Wala na kami ni Rio”, ang hagulgol nyang iyak. “Ha?! Anong nangyari? Bakit?” yun ang mga sunod-sunod kong tanong sa kanya. Hindi sya nakapagsalita, at tuloy-tuloy syang umiyak. Dinaan ko na lang sa biro. “Tama na nga! Para kang batang inagawan ng kendi eh!” ang pagbibiro ko sa kanya. Nangiti sya, “Eh kasi naman eh, broken hearted ako best” ang patuloy nyang sagot sa akin. “Tama na yang kakaiyak mo, hindi bagay sayo ang naiyak. Kalalaki mong tao eh” ang payo ko sa kanya sabay upo sa kanyang tabihan. “Best bakit ganun? Minahal ko naman sya ng totoo ah” ang patuloy nya.“Oo nga, tama naman yang pagmamahal mo eh. Ang mali lang ang taong minahal mo.” Ang sagot ko. “Ano ba talaga ang nangyari?” ang sunod kong tanong sa kanya. Nakipagbreak daw kasi sa kanya si Rio dahil narealized daw nito na hindi nya talaga mahal si Martin at nadala lang daw sya sa kantyawan. Pinayuhan ko sya, sinabi kong marami pang babae na pwedeng magmahal sa kanya ng totoo at hindi sya kalianman lolokohin.. “Tara, ililibre kita ng hapunan” ang aya nya sa akin. “Salamat ha? Buti nalang ikaw ang bestfriend ko” ang patuloy nyang sabi sa akin. “Hmp! Binobola mo naman ako eh!.” Ang sunod kong sagot sa kanya.

        Simula noon sa akin nya bihuhos lahat ng kanyang oras, naging sweet din sya sa akin. Minsan binibigyan nya ako ng flowers at chocolate. Iniisip ko noon na iyon ang paraan nya para makalimutan nya si Rio. Hanggang sa nararamdaman ko na parang nililigawan na nya ako. “Martin, nililigawan mo ba ako?” ang tanong ko nang minsang bigyan nya ako ulit ng flowers and chocolates. Hindi sya sumagot at sa halip ay nginitian nya lang ako. “Magkaibigan tayo diba?” ang sunod kong sagot ko sa kanya. Hindi sya kumibo. Iniisip kong baka panakip butas lang ako sa kanya dahil sa nangyari sa kanila ni Rio. “Reign, kasi ano eh.” Ang putol nyang sagot sa akin. Bago pa sya magsalita sinabi kong hindi pwedeng maging kami dahil matalik ko syang kaibigan. Tumayo sya at tuluyan nang umalis sa kinauupuan namin sa park. Nasaktan ako. Hay, ang tanga-tanga ko talaga. Ang tagal kong hinintay na sabihin nyang mahal nya din ako, sinayang ko ang pagkakataong maging masaya kaming dalawa. Ang iparamdam ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Hay, yun lang ang nasabi ko sa saliri ko.

Mula noon hindi na ulet kami nagkita ni Martin, hanggang sa nagpaalam sya sa akin. “Best, sasama muna ako kay mami sa probinsya nila. Kelangang bigyan natin ng pagkakataon ang mga sarili natin at makapagisip kung ano ba talaga ang mga gusto natin. Sana pagbalik ko, alam ko na ang sagot. Alam mo na rin ang sagot mo.” Hindi ako nakapagsalita. Tinitigan ko lang sya at ska hinayaang makalayo. Hindi ko napigil ang luha ko, at tuloy-tuloy na lang tong tumulo. Hay, sana pla pinigilan ko sya na umalis at sabihing mahal ko sya. Mahal na mahal. Sayang ang pagkakataong pwede kaming maging masaya. Pero hindi bale maghihintay ako sa pagbabalik mo Martin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SayangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon